ABALA ang lahat nang tao sa mansyon sa pag-aasikaso.
“Reece, ready ka na ba?” tanong ni Calvin sa anak ng pasukin niya ito sa silid nito. Nakita niyang tumango ito habang inaayos ang kurbata. Nakita niya na tila hirap ito sa pagbubuhol ng maayos kaya naman nilapitan niya ito at inagaw ang pag-aayos nito.
“Pasensya na, Dad. Kadalasan talaga si Mommy ang nag-aayos ng kurbata ko.” Anito, habang tinitignan sa salamin ang ginagawa ng ama.
“Reece, you’re old enough to fix this things all by yourself, huwag kang umasa lagi sa mommy mo. puwede ka naman lumapit sa akin kapag may kailangan ka. I told you that if you need something, just tell me. Don’t ever hesitate to ask.” Wika nito sa anak.
Nang matapos nito ang pagbubuhol ng kubata ng anak matiim na tinitigan niya ito. “I’m so happy and lucky to have a son like you. Ilang taon kitang hindi nakasama, hindi ko nakita kung paano ka lumaki, pero sa kabila ng lahat ng naranasan mo sa kamay ni Andrew naging matatag ka. huwag kang magbabago, anak. sa buhay kailangan maging matapang tayo, kailangan lumaban. Ngunit huwag mong aalisin ang pagpapakumbaba, maging maunawain ka at may malasakit sa tao. Iyan ang mga itinuro sa akin ng lola mo noong bata pa ako.” Nakangiting saad nito sa anak.
“Dad, when I was eight, nakita ko yung picture mo nung bata ka pa,” anito, na ikinakunot ng noo ni Calvin.
“Saan?” tanong nito sa anak.
“Sa mga itinatagong litrato ni mommy. Nung makita ko iyon hindi pa kita kilala. Tinanong ko si mommy kung sino iyon, ang sagot niya kaibigan. Pero iba yung pakiramdam ko. Kamukha kasi kita nuong bata pa lang ako. Takot na takot si mommy na makita iyon ni ex-dad.” Pagdidiin nito sa salitang Ex-dad. Saglit itong naupo sa kama, tinabihan naman siya ni Calvin at matiim na nakinig sa anak.
“Nung mga panahon din iyon, napa-isip na rin ako dahil marami ang nagsasabi nuon na hindi talaga kami magkamukha. One day aksidente kong narinig ang usapan nina lolo at lola. Ang sabi nila habang lumalaki ako nagiging kamukha ko na raw si Evren. Ang tanong ko sa sarili ko, ako si Evren? Dahil bata pa ako nuon binaliwala ko na lang iyon. Hanggang sa dumating yung time na dumating nga sa bahay si Tita Annie, duon ko nalaman ang lahat tungkol sa inyo.” napabuntonghininga ito saka tumingin sa ama. “Kung mas maaga lang sana kitang nakilala,” anito, tumingin ito kay Calvin at isinandal ang ulo sa balikat nito.
“Evren Reece Del Fierro, tandaan mo na mahal na mahal ko kayo ng mommy mo, kung nalaman ko na nabuntis ko ang mommy mo nung mga oras na nakakulong ako, gagawa ako ng paraan para makita siya. Ngunit may plano ang diyos, kaya siguro ipinahintulot niya na mangyari ang lahat ng ito sa atin. Nakilala ko ang lolo mo, tinulungan niya ako. Ibinigay niya ang lahat sa akin, hanggang sa muli kaming nagkita ng iyong mommy at nakilala kita.” Saad ni Calvin sa anak. inakbayan niya ito at bahagyang ginulo ang buhok. “tayo na baka naghihintay na ang mommy mo sa akin. Lumabas ka na baka kailangan ng lolo mo ang tulong sa labas, oras na.” aniya, kaya naman tumayo na siya mula sa kama at naglakad palabas ng silid ng anak.
Naiwan naman na nakangiti si Reece. tumayo siya at naglakad patungo sa bintana, nakita niya na marami ng tao sa hardin kung saan gaganapin ang kasal ng kaniyang mga magulang. Kaya naman muli siyang humarap sa salamin upang ayusin ang ginulong buhok ng ama at nakangiting lumabas ng silid.
Matapos ang mahabang seremonyas ng pari, inanunsyo na ang opisyal na pagiging mag-asawa nina Calvin at Isabella. Matapos ang ilang buwan na pag-aasikaso ng lahat, ang pagsasawalang bisa ng kasal ni Andrew at Isabella, ang pagpapalit ng apelyido ni Reece bilang Del Fierro. Ngayon ay opisyal na sila bilang isang pamilya.
Masayang nagpalakpakan ang lahat ng maglapat ang labi ng dalawa. Sigawan at hiyawan ang maririnig sa loob ng malawak na hardin ng Del Fierro. Mabilis na lumapit si Reece upang yakapin ang ina, ganoon rin sa kaniyang ama.
BINABASA MO ANG
Revenge of the billionaire
RomanceEvren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasalanan na hindi niya ginawa, ano na ang kaniyang gagawin kung lahat ng kaniyang pinaghirapan ay mawala...