“KUMUSTA sila?”
“Sinundan namin sila ayon sa utos mo, wala naman pong kakaiba, ayon sa driver nila, may importante daw na pina-usapan si Ma’am at Yung Calvin Del Fierro. Hindi naman po sila nagtagal after lunch naka-uwi na sila.” Saad ng isang lalaki.
“Wala bang kakaiba sa pinuntahan nila.”
“As of my observation, wala naman po akong nakitang kakaiba, nag-uusap lang sila.” Muling pahayag nito.
“That’s good. Sige na, makaka-alis ka na, kug may makikita kayong kakaiba, sabihan niyo ako kaagad.” Utos nito, naglakad na palabas ng kuwarto ang lalaki matapos mag-report kay Andrew. “Hindi ko alam kung may itinatago ka sa akin, Isabela. And I will gonna find it out what it is.”aniya sa seryosong mukha.
“I LOVE YOU,” wika niya. Matapos niyang humalik sa labi ni Isabella tinapos na niya ang pagbibihis at agad na lumabas ng silid, ngunit may nakalimutan siya kaya naman bumalik sa silid. Ngunit sa hindi inaasahan narinig niya ang asawa na may kausap. Kaya naman idinikit niya ang kaniyang tainga sa pintuan.
“E-evren,” narinig niyang binanggit ni Isabella, mahina man iyon ngunit malinaw iyon sa kaniyang pandinig. Kaya naman pinakinggan niyang maigi kung ano ang sinasabi ng asawa. Matapos nuon ay naging tahimik na. “Akala ko ba patay na ang lalaking iyon? So, sino ang kausap niya?” tanong ni Andrew sa sarili habang nakatayo sa harap ng pinto, dahil doon hindi na niya kinuha ang bagay na kaniyang nakalimutan at tuluyan ng nilisan ang silid.
“One week, Isabella. Kapag wala akong nakitang pruweba na nagkikita kayo nang ex-boyfriend mo, saka lang ako tuluyang magtitiwala sa iyo. Mahal kita at hindi ako makapapayag na mawala ka sa akin. Gagawin ko ang lahat para lang manatili ka sa pilng ko.” Aniya, habang hawak ang isang kopita na may lamang alak.
Matapos niyang marinig ang pangalan ng dating kaibigan, nakaramdam siya kaagad nang takot at pangamba, dahil alam niya na kapag napatunayan na buhay pa ito, sigurado nakatapusan na nang kaniyang maliligayang araw. Kaya naman gumawa siya ng isang plano,
“ANDREW, narito lang naman ako sa bahay. Wala akong gustong puntahan maliban sa mall or kaya kumain sa labas kasama si Reece.” Aniya, halos kakagising ang niya nang tumawag ito. kaya naman nagtaka. kaya naman tinanong ito ni Isabella. “Wait don’t tell me, na kaya ka tumawag ay wala ka pa rin tiwala sa akin?” inis na tanong niya rito. “Halos buruhin ko na ang sarili ko rito sa bahay na tila impiyerno kasama ka! Malapit nang maubos ang pisi ng pasensya at pang-unawa ko, Andrew! Don’t temp me, dahil lalayasan na kita!” sambit niya sa kabilang linya. saka niya tinapos ang tawag. Hinagis niya ang cellphone sa sidetable at muling nahiga. “Panira ng magandang umaga!” aniya, habang nakapikit ang mga mata. Muli na naman niyang narinig ang pagunog nang kaniyang gadget, ngunit hindi na niya ito sinagot, maka-ilang ulit itong tumunog ngunit hinahayaan lamang niya ito. Hindi nang yagal tumigil na ito, ngunit nakatanggap siya ng text mula kay Andrew.
“Sweetheart, I’m sorry. I just called because I really missed you! And I just want to tell you that I am extending my staying here because of some matter. Matatagalan bago ako maka-uwi, at hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Please don’t be mad. Wait fo me, I love you!” saad sa text ni Andrew. Pagkabasa nuon ay muli iyang ibinalik sa sidetable ang gadget at muling nahiga.
“I don’t care, mas mabuti pa na hindi na siya bumalik. Para wala na akong problema.” Aniya, dahil hindi na siya makatulg at nasira na ang kaniyang magandang paggising, nagdesisyon na siyang bumangon. Naligo muna siya bago bumaba patungo ng kusina. Pagpasok niya nang kusina nakita niya ang anak na si Reece na nagluluto, agad siyang napangiti dahil ngayon lang niya nakita ang anak na nagluluto. Abala ito sa ginagawa kaya hindi siya nito napansin nang lumapit siya rito.
Bahagya siyang tumikhim upang kuhain ang atensyon ng anak. “Mom! Anong ginagawa mo rito? I thought you’re still sleeping. Ipinagluluto pa naman kita ng breakfast, ihahatid ko sana sa kuwarto mo.” Nakangiting wika nito sa ina. Napangiti naman si Isabella at humalik sa pisngi nang anak.
“Napa-thoughtful talaga ng anak ko, mana ka talaga sa daddy mo.” Tila nabigla si Isabella sa kaniyang nasabi, nakita niya ang biglang pagsimangot nang anak, “Reece –“
“No, Mommy. Alam nating dalawa na hindi ganoon ang daddy. Napapaisip nga ako kung anak ba talaga niya ako, dahil iba ang pakikitungo niya sa akin. Ever since I was a child iba na ang trato niya sa akin. Naiinggit ako sa mga kaibigan at classmates ko noon dahil sobrang alaga nang mga tatay nila sa kanila. Until I met tito Calvin. he threat me like his own son. Sa kaniya ko lang naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na ama. Sa kaniya ko lang naramdaman iyon, Mommy.” Saad ni Reece sa ina.
Ramdam ni Isabella ang hinanakit ng anak, kaya naman nilapitan niya itoat niyakap ng mahigpit. “I’m sorry, Son.” Aniya, “ang mabuti pa kainin na natin iyang niluto mo.” Pag-iiba niya ng usapan, upang mabago ang mood nang anak. “mukhang masarap iyan, saan k aba natutong magluto? At puro paborito ko pang almusal ang niluto mo!” masayang wika ni Isabella sa anak, habang inihahain ang mga pagkain sa hapag-kainan.
“Kay Tito Calvin, sabi niya kasi mahilig kang mag-almusal kaya naman tinano ng ko sa kaniya kung ano ang mga gusto mong kinakain sa umaga. Nagpaturo na rin ako sa kaniya, sana magustuhan mo,” nakangiting wika nito sa ina. Niyakap naman ito ni Isabella at dinampian ng halik sa pisngi. “Sigurado ako na maarap iyan, dahil ikaw ang nagluto, and I’m sure na may kasama itong pagmamahal.” Masayang sabi niya sa anak.
Kaya naman inumpisahan na nila ang kanilang almusal. Habang abala si Isabella sa pagkain, patagong kinuhaan siya ng litrato nang anak. matapos ay ipinadala niya ito sa kaniyang tito Calvin. “She’s enjoying her breakfast, thank’s tito!” mensahe niya rito. saka ipinagpatuloy ang kanilang pagkain.
“SIR CALVIN, may meeting kayo mamaya after lunch with the boardmembers. Kasama ang mga bagong investor ng company.” Paalala ng kaniyang secretary. Habang abala naman siya sa pagpirma ng ibang documents na dala nito.
“Okay, sige. Ihanda mo na lang ang lahat para mamaya.” Nakangiting sagot nito rito. matapos niyang iabot ang mga papeles na piniramahan, narinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Agad niya itong kinuha at nakita niyang mensahe iyon galing kay Reece. Mabilis niyang binuksan iyon at nakita niya ang larawan ni Isabella na abala at masayang kumakain. Binasa niya ang mensahe at agad siyang napangiti. Kaya naman sinagot niya ito. “I told yah!” and he hit send. Saka niya ibinalik ang cellphone sa ibabaw ng lamesa.
Matapos ang kanilang pag-uusap nuon sa mansyon, sinabihan niya itong huwag na muna silang magkita. Lalo na nang may mapansin siyang mayroong umaaligid sa labas ng mansyon. Alam niya na si Andrew ang nagpadala nang tao na iyon upang manmanan siya. Kahit nami-miss na niya ang kaniyang mag-ina, tinitiis niyang huwag makipagkita na muna rito, dahil alam niya na pinasusundan ang mga ito ng hudas na si Andrew. “I really missed them! “ wika niya sa sarili. konting tiis na lang, Mahal ko. Magkakasama rin tayo nang anak natin.
BINABASA MO ANG
Revenge of the billionaire
عاطفيةEvren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasalanan na hindi niya ginawa, ano na ang kaniyang gagawin kung lahat ng kaniyang pinaghirapan ay mawala...