Chapter Four

391 17 1
                                    

Chapter Four

Nang makatapos kami sa garden, kaagad akong naligo at naglinis ng pangangatawan. Kumain kami ng umagahan at dahil wala naman akong ibang kasalo sa hapagkainan, sa likod ng kusina nalang din ako kumain kasama sila Nanny Yor.

Dahil doon, pakiramdam ko'y medyo gumaan na ang loob ng ibang kasambahay tungo sa akin. At sobrang nakakatuwa at nakakagaan ng pakiramdam.

Matapos naming magligpit ng mga pinagkainan, wala na akong ibang pwedeng gawin. Kaya naisip ko nalang na pumaroon sa aking kuwarto at buksan na ang cellphone na ibinigay sa akin ni Desmond.

At habang nasa ibabaw ng aking kama, sinimulan ko na ang pagkutkot ko sa aking bagong gamit. Bago ang cellphone, kaya lang ay pansin ko na bukas na ang pinaka seal ng box.

Hindi naman ako nagkamali sa hinala na  may nagbukas na nga nito, dahil pagkakita ko sa cellphone may tempered glass na at case na kulay puti.

Napangiti ako at kaagad na binuksan ang gadget. This is my first time having my own cellphone, but I know how to use it and how it works because I've been playing with my parents' cellphone whenever I'm bored before.

At kapag mayroong nanghihingi ng aking number noon sa school na pinapasukan ko, number nila Mama at Papa ang aking binibigay.

Noong una ay madalas akong magkaroon ng kaibigan na ka-text. Pero noong malaman nila na wala pala akong cellphone at nakikigamit lang sa aking mga magulang, sa sumunod na mga araw ay hindi na muli nila akong inabala.

Napabuntong hininga ako at patalikod na humiga sa may kama. My instincts are telling me to go towards the contact, and once I tapped on it, I immediately saw a number with a name that said "Desmond".

 

Kaagad akong napabangon at sinigurado ang aking nakita. Labis ang naging tuwa ko nang matagpuan rin ang pangalan nila Tita Esther at Tito Damian sa aking contacts.

At dahil hindi ko mapigilan ang aking tuwa, naisipan ko na magpadala ng mensahe kay Tita Esther.




Ako:

Hi po. :))




I giggled after tapping the send button. And it's not long before my message has been seen.




Tita Esther:

Oh my, is this you my ginger head?



I automatically pursed my lips after reading her reply once I read the word ginger head.





Ako:

Cooper nga po.







Tita Esther:

Okay, okay. Ahahaha. By the way, we're going to visit you later. Be prepared because I have a lot of things for you.





Pakiramdam ko'y nagliwanag ang mga mata ko matapos basahin ang kaniyang mensahe. I immediately typed "Okay" and sent it immediately to her.

I widely smiled to myself after that. Ah, I was so happy to know that they would visit again.


***

Dumating ang bandang hapon, sa oras na marinig ko ang mga pagtawag nila Nanny Yor sa aking pangalan ay kaagad akong lumabas sa aking kuwarto.

I left the room and my nose was immediately filled with the familiar scents of the middle-aged couples. Ngunit nang mahagip ng aking ilong ang isang bagong pheromone, kaagad akong napatigil at napatingin sa kasama nilang hindi pamilyar sa akin.
 

Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]Where stories live. Discover now