Chapter Thirty-One

347 17 2
                                    

Chapter Thirty-One

Lumipas ang ilang minuto at nagsimula nang magmuryot si Phoenix. Kaya napagpasyahan ko nang kuhanin ang anak ko mula kay Desmond.

Kalmado na ang katawan ko, pero ang isipan ko hindi pa. I was overthinking things as I watched the two of them interact in their own world earlier. Iniisip ko kung ano ba ang mga tumatakbo sa isipan ni Desmond ngayon. Na kung bakit narito kaagad siya pagkatapos 'tong malaman at kung ano ang mga balak niya sa susunod.

Inisip ko rin kung saan ba nagsimula ang lahat. At kung bakit ba humantong kami sa ganito, pakiramdam ko'y bigla ko na lang nakalimutan...

Medyo nagulat ako sa biglaang pag-iyak ng aking anak. That's when I realized that I'd been zoning out again. Guilty, mabilis akong kumilos at lumapit kay Desmond.

He already had a little panic on his face when Phoenix started wriggling on his arms. Gusto kong ngumisi pero pinigilan ko.

"Akin na, I'll feed him." aniya ko at mabilis naman siyang tumango at dahan-dahan na ibinalik sa akin ang anak ko. Without saying a word, tumalikod ako sa kaniya at sinimulan na ang pagpasok sa may bahay.

Ngunit nang marinig ko ang mga yapak niya na nakasunod sa amin, kaagad akong huminto upang harapin siyang bigla. He raised one of his thick brows and was looking at me innocently as if he were asking why I would just suddenly stop and turn to him. May hindi naiintindihan ang lalaking 'to rito.

"Why are you following us?" tanong ko, nakataas na rin ang isang kilay. Sinusubukang magtaray.

Saglit siyang napahinto sa tanong ko. At bago niya ako tuluyang sagutin, binasa niya ang kaniyang pang-ibabang labi dahilan upang tumingkad ang pagkanatural na pula non. I swallowed.

"Hindi ba dapat?" He asked and replied.

"E hindi ka ba uuwi?" tanong kong muli, unti-unting hinehele ang anak kong kinakagat-kagat na ang kaniyang kamay. Gutom na nga siguro.

"Maaga pa." dahilan pa niya na kaagad kong nahalata. "Don't you have anything to do back at the capital?" tugon ko naman kahit na gusto ko talagang sabihin na, 'Hindi mo pa ba ipagpapatuloy ang paghahanap kay Marion?'

I sigh. Hindi naman sa nagpapakipot ako, I just really find his reasoning so unlike him...hindi ako sanay.

"Wala, wala naman akong gagawin pa..." ngumuso ako sa sagot niya, nahihirapan sa susunod na sasabihin. Alam naman naming dalawa kung ano ang pinakalayunin ko kung bakit ko 'to mga natanong sa kaniya. But he seems to choose to shrug it off and pay no attention to it instead. Ang galing.

"Papasok na ako sa kwarto, ano pa'ng gagawin mo rito?" I bit my lower lip once I realized that it seemed to come off too harsh from my mouth. Ngunit hindi naman yata naging sagabal 'yon kahit kailan kay Desmond.

Umayos siya ng tayo at pinagkatitigan ako ng mabuti. This time, he looks a bit serious at hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Good thing I still have Phoenix in my arms. My son is a valid excuse for me to break the first eye contact we've had since he came here.

Malalim na bumuntong hininga si Desmond. Walang pasabi itong lumapit patungo sa'min at marahan na hinaplos ang pisnge ni Phoenix gamit ang kaniyang daliri. Labis naman ang naging gulat ko sa kaniyang ginawa, hindi na namalayan na pinipigilan ko na pala ang aking paghinga.

He's too close!

"We still haven't talk," he said using his baritone voice. Saglit akong napapikit matapos maramdaman ang pagtaas ng ilang balahibo ko sa aking batok. Just like I said, he is too close-I could already feel his breath on my skin.

Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]Where stories live. Discover now