Chapter Twenty-Two
Nagmamadali akong lumabas sa silid na 'yon upang hanapin at puntahan si Desmond. And while I was walking towards the room the Alpha shared with Marion, not too far from that guestroom, for sure, I heard something like glass breaking in the previous room I was in.
Naging mabilis ang tibok ng aking puso at gusto ko nga sanang bumalik upang tingnan kung ano ang nangyari sa dalawa, ngunit mas nanaig ang aking inis sa kanila at ang masabi ang lahat ng aking mga narinig kay Desmond.
Una kong pinuntahan ang kuwarto ni Desmond. Walang pasabi kong binuksan ang pintuan doon, ngunit walang tao sa may kama at sa tingin ko wala talaga siya rito. Naisip ko na 'yon noong una palang na makita ko si Marion sa kuwarto ni Geno, ngunit gusto ko lang makasiguro.
With full determination and rage inside my chest, I drag myself downstairs and start calling Desmond's name desperately.
"Desmond. Desmond!" May narinig akong ingay na nagmumula sa may kusina. Kumunot ang aking noo, iniisip kung ano ang ginagawa ng alpha doon, ngunit hindi naman ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na tinungo ang kusina.
"What happened? I'm here."
When I arrived at the aforementioned kitchen, I noticed him holding a frying pan, and he appeared to be making pancakes. Saglit akong napahinto sa aking nakita bago umiling at tuluyang lumapit sa kaniya.
"H-hey." Mahigpit ang mga naging kapit sa kaniyang braso nang ako'y makalapit sa kaniyang gawi. Desmond narrowed his eyes at me as if he had just seen something was not right, before letting go of the things he was holding and turning his attention towards me.
"Brat, calm down. What happened to you? Did you cry?" Seryoso at nag-aalala niyang tanong. Bumuntong hininga ako bago sunod-sunod na umiling sa kaniya.
"N-no. I-don't mind it. More importantly, I want you to listen to me." The alpha simply wet his bottom lip before nodding at me, holding me on both of my shoulders.
"Okay. Spill it." Seryoso niya akong tiningnan sa aking mga mata. At nang makita ko ang maganda niyang mga mata, bigla kong natagpuan ang aking sarili na nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba ang aking sasabihin.
Dahil pagkatapos ng aking sasabihin, ang mabait at puno ng pag-aalala niyang mga mata, paano kung mapalitan 'yon ng mapait at galit? Lungkot? Sakit?
Can I bear to see him like that?
Oo, alam kong siya na mismo ang nagsabi sa'kin, na hindi na niya iisipin pa ang panloloko na ginawa sa kaniya ni Marion alang-alang sa kanilang magiging anak.
Kanilang magiging anak, ngunit hindi niya alam na hindi naman 'yon ang totoo.
Now what should I do? Should I tell him everything for his sake, or should I just let him believe what he thought was true despite the fact that it was all a lie?
Pero ang sinabi ni Geno sa'kin, sa oras na matapos ang divorce paper na pinapagawa nila para sa kasal ni Marion at Desmond, aalis sila at magtatanan. By then, I know Desmond will know the truth anyway, and he will also still get hurt.
Siguro nga...baka sa mga panahon na 'yon ay mas magiging masakit para sa alpha ang lahat. Hindi naman natin alam kung kailan pa matatapos ang pagsasagawa ng mga papeles.
Paano kung mas lalong lumalim ang nararamdaman ni Desmond para kay Marion? Paano kung abutan pa niya ang panganganak ng Luna?
That will undoubtedly be too painful.
"Eugene?" I got snapped out of my stupid thoughts once I heard Desmond's soft tone calling out my name. Wait, I never even thought that his voice could be this soft.

YOU ARE READING
Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]
Teen FictionDesmond the Alpha of Moonlight Fotiá Pack. Desmond Cabrera was a fire elemental werewolf who was also an Alpha. He was already living his life well and happy with his husband, Marion. And then it all got chaotic because of Desmond's parents' decisi...