Chapter Thirty-Three

322 14 0
                                    

Chapter Thirty-Three

Pagkatapos kong patulugin si Phoenix ay kaagad akong lumabas ng silid at tinungo ang sala kung saan naroon ang mag-iina. Pagkarating ko roon ay nag-uusap silang tatlo, ang mga mukha ay may pinta ng problema.

Kaagad akong nag-alala at ipinaramdam sa kanila ang aking presensiya. "Ano pong nangyari? May problema ba?" tanong ko. Sabay-sabay na bumaling ang kanilang mga atensiyon sa'kin pagkatapos ko 'yong tanungin.

Precilla let out an exasperated sigh as she pinched the bridge of her nose before answering my concern question. "Naubusan ng gasul ang karinderya, walang pamalit na mahanap sa malapit na mga tindahan at kailangan pang pumunta sa kapital. May kalayuan ang lugar na ito sa kapital, kaya baka hindi umabot ang gasul sa oras ng pagbubukas. I can't close the shop tomorrow, most of the other workers nearby are coming to us for their food, so I don't have a choice. Kaya naisip ko na lang muna na magpasibak ng kahoy. Kaso sa sobrang dami ng mga nagiging customer, sa tingin ko hindi kakayanin ng dalawang tauhan ko lang ang gagawa non, kukulangin din. Sa loob at labas pa lang ng kusina ay busy na. Hays..." problemadong-problemado na paliwanag ni Precilla.

Hindi ko maiwasan ang malungkot, totoo ang sinabi niyang nakakapanghinayang naman talaga kung isasarado na lang bigla ang karinderya. Maraming na-eengganyo sa lugar namin at nasasarapan sa aming mga luto.

"Tulog na si baby?" tanong bigla ni Linda at napatingin ako sa kaniya saka tumango. Pareho naming nginitian ang isa't isa at napatingin naman ako kay Nanny matapos nitong tumikhim.

"Saan nga pala tutuloy sila Desmond niyan?" isang tanong na hindi ko lubos inaasahan. Napalunok ako at napasuklay sa aking buhok. Sa katunayan niyan, alam ni Nanny na hindi bumalik sa kapital ang alpha.

My shoulders went up and down as I shrugged. "Hindi ko lang po sigurado..." pagkatapos kong sumagot ay mabilis na tumayo si Precilla sa kaniyang kina-uupuan at lumapit sa'kin habang nakahalukipkip.

"Ahh! Maalala ko nga! You have so much explaining to do. Sabihin mo nga pala muna sa'kin ang lahat. Saan at paano kayo nagsimula? At bakit nauwi kayo sa seryeng taguan ng anak? Sabihin mo sa'kin dahil kahit siya pa ang leader ng lupa na tinatapakan ko, hindi ako a-atras. Ginanon ka ba naman!" tuloy-tuloy at walang preno na aniya ni Precilla. Bahagyang namumula ang kaniyang natural na mapusyaw na mukha.

"Ano bang ginanon ate? Tama ka na nga." Linda, who was beside her older sister, is shaking her head while trying to stop her grin.

Naramdaman ko ang kaunting pag-init ng aking mga pisnge matapos makaramdam ng bahagyang pagkahiya sa kanilang mga sinasabi. Lalo na 'yong kay Precilla.

Sinuway sila ni Nanny kaya napasingit na rin ako.

"Ayos lang po Nanny. Uhmm...bago 'yon Ate Precilla, may naisip akong solusyon tungkol sa problema mo." Again, all their heads turn towards me.

"Hm? Ano 'yon?" Taas kilay na tanong ni Precilla.

A small smile appeared on my lips before I told them about the idea that just suddenly popped up inside my head. Heh, this will be good, I swear.

***

"The alpha can't do that, kami na lang po ang gagawa." Justin stepped up and protested. Nang mag-umaga, paglabas na paglabas ko pa lang sa may bahay upang maglaba at hanapin sana sila, muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makita sila Desmond sa harapan ng bahay at naghihintay.

Precilla and the others learned about it and also stepped outside their houses. Sa oras din na 'yon, sinabi ko na sa kanila ang naging problema ng karinderya. Dahil kukulangin nga kami sa tauhan, napag-ispan ko na gamitin na lang ang kakulitan ni Desmond at sila ang pagawain sa pagsisibak ng mga kahoy. Tutal, ayaw naman nilang umalis.

Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]Where stories live. Discover now