Chapter Twenty-Seven
Pagmulat ng aking mga mata sa loob ng hospital, ang baby ko kaagad ang aking hinanap. Tumingin ako sa'king gilid ngunit wala akong makitang sanggol. Sa katunayan niyan, walang ding tao sa paligid ko.
Sa tingin ko'y nagkaroon ako ng diwa sa kalagitnaan ng gabi, dahil ni-isa kila Nanny Yor ay hindi ko nakikita ngayon dito.
Humawak ako sa aking tiyan nang maramdaman ko ang bahagyang hapdi sa banda roon, pagkatapos kong kumilos ng kaunti.
Mabuti na lang at isang nurse ang saktong nagbukas ng pintuan sa silid na aking kinaroroonan.
Nagtagpo ang aming mga mata, but before the nurse can even utter a greet, mabilis ko siyang pinangunahan at tinanong kung nasaan ang aking baby.
Mukhang nagulat pa ang nurse sa aking biglaang pagtatanong, ngunit kalaunan ay ngumiti siya at sinabi sa'kin na maghintay at dadalhin sa'kin ang baby ko sa lalong madaling panahon.
That made me calm down and I almost felt my eyes getting glassy because of tears. Natutuwa ako at nananabik na sa wakas ay makikita ko na siya. Dahil bago pa man masimulan ang aking operasyon, nawalan na ako ng malay at hindi manlang narinig ang iyak ng aking anak.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang may kumatok sa aking pintuan, kaagad akong naalarma at napalingon sa gawin non. And when the nurse came in carefully as she gently pushed my baby towards me, I bit my lower lip to suppress a huge smile.
“Ito na po ang baby niyo.” Magalang na sabi ng nurse habang malaki rin ang nakalapat na ngiti sa kaniyang mga labi. Dumako ang aking paningin sa baby at nang makita kong asul ang tapis nito sa katawan, doon ko nalaman na isang lalaki ang aking anak.
Napagsunduan kasi namin nila Precilla at Linda na kung ano man ang magiging kasarian ng aking anak ay sila na ang bahala sa isusuot sa baby ko pagkatapos. Asul kapag lalaki at pink naman kapag babae.
“C-can I hold him?” Tanong ko sa kaniya at kaagad naman siyang tumango. Marahan niyang iniangat ang aking anak at inilipat 'yon sa'king mga braso.
A small sob escaped my lips once the warmth coming from my baby started to envelope me. Gumalaw ang baby sa'king mga braso at ilang saglit pa ay nagmulat ang mga mata niya.
Oh, he's got my green eyes.
He's so beautiful. And his hair,
Kahit na bagong panganak pa lamang siya, medyo malago na kaagad ang kaniyang mga buhok. Hinaplos ko ang kanang pisnge ng aking anak gamit ang aking daliri. At labis ang aking naging ngiti nang makita ko kung paano niya habulin ang daliri ko.
Pumapatak ang aking mga luha na nag-angat ng tingin sa nurse. “Can I feed him?” Pagtatanong ko at kaagad naman na tumango ang nurse. “Sure, I'll give you some privacy. Pakipindot na lang po ang buton sa inyong tabi kapag kayo'y may kailangan.” She said before leaving the room. Now it's just me and my son.
Hinawakan ko ang maliit na kamay ng aking anak at hinalik-halikan iyon. He's so beautiful. Sa oras na makita ko siya ng malapitan ay nawala ang kirot sa aking tahi.
“Welcome to the world, Phoenix. Pangakong poprotektahan kita. Kaya natin 'tong dalawa.”
Nang mag-umaga rin sa araw na 'yon, sabay-sabay na dumating sila Nanny Yor at ang kaniyang mga anak. Tuwang-tuwa sila nang makita na gising at ayos na ako, dahil ayon sa kanila halos dalawang araw akong walang malay.
Even though the doctor made it clear that it was just normal, they said that they could not help but worry.
Hinele ko sa aking mga braso ang baby at ngumiti kila Nanny Yor na ngayon ay nakapaligid sa'kin. “Thank you for looking at him when I was still passed out.” Pagpapasalamat ko sa kanila.
YOU ARE READING
Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]
Teen FictionDesmond the Alpha of Moonlight Fotiá Pack. Desmond Cabrera was a fire elemental werewolf who was also an Alpha. He was already living his life well and happy with his husband, Marion. And then it all got chaotic because of Desmond's parents' decisi...