Chapter Twenty-Nine

300 17 4
                                    

Chapter Twenty-Nine

Everything got settled yesterday. Matapos kong mapakinggan at mapag-isipan ang lahat ng mga sinabi sa'kin ni Narmin, sa huli ay napagdesisyonan ko pa rin na pirmahan ang divorce papers.

First of all, there is no way Desmond will want me to go back to his property.

Ang mas iniisip ko ngayon ay kung sasabihin ba talaga ni Narmin ang tungkol sa anak ko. Lahat na siguro ng posibleng mangyari ay naisip ko na at sobrang gulo na ng aking isipan.

“Eugene, baby phoenix is ready. Narito na rin ang maghahatid sa inyo.” I jolted out of my deep thoughts and slightly shook my head. Binitbit ko ang bag na may lamang gamit ni Phoenix, tulad ng kaunting pamalit na damit at diapers. Lumabas ako sa kuwarto namin at sinalubong si Nanny na kalong-kalong ngayon ang aking anak.

I look at my baby and cannot help but smile, admiring his cute features. Lumapit ako sa kanilang dalawa at bahagyang yumuko bago patakan ng halik sa noo ang aking anak. Kinuha ko si Phoenix kay Nanny.

Today, I have decided to go and visit Davina. The closest friend I have in this pack. The female alpha's been pretty busy lately. Ang sabi niya'y may pinapagawa sa kaniyang misyon. Hindi niya 'yon nilinaw sa'kin noong huli kaming nag-usap gamit ang cellphone ni Nanny. Sa totoo nga non ay kapansin-pansin na may iniiwasan siyang ibulgar na salita sa akin. Hindi naman na ako nang-usisa pa at hinayaan na lang siya.

It is none of my concern after all.

Pero kahapon lang na nag message siya kay Nanny at pinapasabi sa'kin na mag b-break muna siya sa kaniyang misyon, naisipan ko na bisitahin siya ng personal makalipas ang isang taon. At doon ko na rin napagdesisyonan na sabihin at ipakilala sa kaniya si Phoenix.

I know that Davina is a close friend of Desmond as well. Pero sa tingin ko naman ay hindi sasabihin ni Davina ang tungkol sa anak ko kay Desmond. I have faith in her at napatunayan ko na rin ilang beses ang pagiging matapatin ni Davina kahit na...ganoon ang kaniyang ugali minsan.

”Aalis na kayo? Sandali lang!” Hinabol namin ng tingin si Linda ang bunsong anak ni Nanny. Nagmamadali siyang pumasok sa kaniyang kuwarto at nang makabalik ay mabilis niyang inabot sa akin ang isang cellphone.

With Phoenix in my embrace, I look at the sweet beta in front of me with a confused expression on my face. 

“Kuhanin mo na Eugene, bumili kasi ako ng bagong cellphone. Ito 'yong luma ko, naalala mo? Hindi 'to sira kaya sayang kako kung itatambak ko lang. So please use it well. Gusto ko may cellphone ka na para sa tuwing ganitong aalis kayo ni Phoenix, e may paraan naman kami para kumustahin kayo kahit papaano.” Mahabang litanya ni Linda habang nilalagay sa'king palad ang luma niyang cellphone.

Mabilis na rumagasa ang saya sa aking dibdib. Sobrang bait talaga nilang lahat sa'kin. Sa amin ni Phoenix.

“Maraming salamat.” Mahina at emosyonal na sabi ko, iniiwasang magising ang aking natutulog na anak sa'king mga braso.

Ngumiti si Linda at tinapik ang aking braso, pagkatapos non ay nag-paalam na ako sa kanila at naglakad na patungo sa taxi na naghihintay sa'min ni Phoenix.

Davina is already expecting me at her house. She is only expecting me. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ang dala-dala kong baby? Haha.

Ang byahe ay tumagal ng halos dalawang oras. Sa oras na ako'y makapagbayad sa taxi at makaharap sa gate ng bahay ni Davina, hindi agad ako nakakilos upang mag door bell.

Medyo kinakabahan ako. Ngunit inisip ko na lang na tama lang 'tong naging desisyon ko. Dahil hindi naman sa lahat ng oras at panahon ay maitatago ko ang anak ko.

Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]Where stories live. Discover now