Chapter Sixteen

305 16 0
                                    

Chapter Sixteen


Don't leave unless he says so.


Three hours of waiting for Marion and I have already grown tired of it. Actually, if an hour has passed and the person you're waiting for is not still returning, people in their right mind will immediately go look for that person. Pero hindi ako.


Why? Because the Luna said to wait for him here and stay until he says otherwise! 


Pabalik-balik ang aking mga mata sa cellphone, tinitingnan at hinihintay ang mensahe ni Marion ngunit wala talaga. My hands were already shaking and my lips were almost going numb because of me nervously nibbling on it unconsciously and repeatedly.


Nakapag text na ako kay Marion, ngunit hindi manlang nababasa ang aking mga mensahe na mas lalong nakapagpakabog sa aking dibdib.


Paano kung may nangyaring masama sa kaniya? Paano kung may humarang pala sa kaniya sa may banyo? Teka, lumalabas ba talaga ng walang bodyguard si Marion?


I slightly shiver from the thoughts of Marion getting hurt and without anyone by his side.



Importante siyang tao, siya ang asawa ng leader ng pack. Tch. Dapat talaga ay hindi na ako umalis sa kaniyang tabi.


Nanginginig at medyo taranta akong tumayo saka lumapit sa may basurahan upang itapon ang aking pinagkainan. Pagkatapos non, kaagad akong bumalik sa kaninang puwesto upang makuha at madala ang lahat ng mga shopping bags ni Marion.



And both of my arms immediately went numb once I started walking. Now that Marion wasn't here to lift and take the other shopping bags, nadagdagan ang bigat at paghihirap sa aking mga braso.



Suminghot ako at pinigilan ang tuluyang maiyak. I know I'm so pathetic right now. But I don't have time to dwell on it too much. Sa ngayon, mas kailangan kong masiguro ang kaligtasan ng Luna.



Habang naglalakad ako patungo sa malapit na comfort room, ramdam at nakikita ko ang mga titig na ipinupukaw sa akin karamihan ng mga tao. Ngunit hindi ako tumigil. Na kahit hirap na hirap ako sa aking mga bitbit na gamit ay hindi ko manlang magawang magdahan-dahan o huminto.


Wala akong oras para doon.


Nang makapasok ako sa comfort room, nakakatuwa na walang mahabang pila. It made it easier for me to find Marion inside. However, there was nothing, not even a little trace of the Luna inside the comfort room.


Where is he? Where did he go? Nasa ibang banyo kaya siya? Pero kanina bago siya umalis ay nahalata ko ang kaniyang pagmamadali. Kung kailangan na kailangan niya ng banyo, dito dapat siya nagtungo, 'di ba?


I let out a shaky breath. All of this commotion is making my head ache so much. My legs and arms were already beat. Pagod na ako at halos nanginginig na ang buong katawan. Gusto ko na lang sumalapampak sa lapag, kung maaari lang.


Nang ako'y makalabas sa comfort room, napagdesisyonan ko na tawagan naman si Marion. Kaya saglit kong ibinaba ang lahat ng mga pinamili sa may gilid at dali-daling inilabas ang aking cellphone.


I never expected my phone to be so useful at this time.


Or not.


My shoulders immediately went limp once my phone told me that Marion's number was out of reach. Nakasabunot na ako sa aking buhok nito, mas lalong hindi mapakali sa naging sitwasyon ko.


I tried calling Geno's phone number also, but then the same thing coincidentally happened.


“W-what? Is my phone broken?” Pero bago lamang ito! Ano'ng problema ngayon?

Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]Where stories live. Discover now