Chapter Twenty-Six
My life began to be challenging every day, especially with morning sickness. That goes on until I get used to it. Mahirap. Sobra at nakakapanibago. But I endured it until my tummy reached its six-month mark.
The bump is already noticeable and visible. Ang sabi ng lahat ay paniguradong healthy ang magiging anak ko. Nakikita na nila lalo na sa laki ng aking tiyan.
Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Because that is what I wanted all along. I want this child, my child, to be healthy.
Sa loob ng anim na buwan na 'yon ay marami-rami na rin ang naiipon ko. Hindi namin maintindihan at malaman kung paano at ano ang nagtulak sa mga tao na dayuhin ang aming karinderya. Ngunit nagpapasalamat kaming lubos.
Because even though every day was exhausting and hectic, we couldn't be mad at it at the end of the day. The amount we earn through the hard days is so worth it.
Hanggang sa isa-isa na nila akong binawalan na magtrabaho. Lahat sila ay naging tutol na sa sa'king pagtatrabaho sa aking kalagayan ngayon. At hindi naman ako nagrereklamo.
Medyo hindi mapakali, oo, dahil iniisip ko na baka hindi pa rin sapat ang pera na aking naipon para sa darating na operasyon. Nanny Yor and the others decided to make me go through the new process of us werewolves giving birth.
Instead of transforming into my wolf form and giving birth to my child naturally, they've pushed me to consult a doctor to be my operator. Hindi naman 'yon naging mahirap na desisyon para sa akin. Dahil una sa lahat, isa lang naman ang laman ng aking tiyan.
They're afraid that I couldn't go through the natural process alone, and I'm also with them. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa aking anak habang ginagawa ko mag-isa ang proseso.
Hindi namin kaya na manganak sa ganoong paraan ng hindi kasama ang aming mga mate o basta ang ama ng magiging anak ng isang buntis. Kaya naman nag-aral ang iba sa amin noon at nakaisip ng paraan para sa mga taong nabubuntis at walang kasamang kapares.
Wala akong mate, that's why an operation is the key.
Sa aming pagbubuntis, hindi rin uso na malaman agad kung ano ba ang gender ng aming mga anak. Taimtim kaming naghihintay hanggang sa oras na ng kapanganakan, at doon pa lang malalaman ang kanilang pagkakakilanlan.
Hindi ko mapigilan ang matuwa at ma-excite. Kahit na sobrang hirap ng aking nararanasan. Sumasakit ang aking likuran at balakang kapag nakatayo ng matagal, dahil sa bigat ng aking tiyan. Hindi ko man alam ang kasarian ng aking anak, ipagpalagay ko na isa siyang alpha tulad ng kaniyang ama. A dominant one, at that.
Huminto na ang aking morning sickness pagtuntong pa ng isang buwan. At sa mga panahon na ito, ang tanging nagagawa ko lang ay mag gantsilyo ng mga damit para sa aking magiging anak.
Na kahit hindi pa sigurado ang magiging sukat ng baby, kusa namang gumagalaw ang aking mga kamay na para bang may mga sarili itong isip at tila ba kabisado na ang babagay na lakai at damit sa darating kong anak.
I am not sure, but maybe this is what they call a mother's instinct.
And actually, going through these all alone doesn't bother me anymore. I don't cry every night anymore while overthinking every little thing. Instead, I lay down on the bed, humming silently and caressing my big tummy.
Sa mga nagdaan pang araw, wala naman ako masyadong naging problema na. Ang paglilihi ko ay hindi rin ganoon kalala. Basta may peaches akong katabi oras-oras ay ayos na. Na siyang hindi naman mahirap mahanap dahil sa bayan dito, maraming nagbebenta.

YOU ARE READING
Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]
Teen FictionDesmond the Alpha of Moonlight Fotiá Pack. Desmond Cabrera was a fire elemental werewolf who was also an Alpha. He was already living his life well and happy with his husband, Marion. And then it all got chaotic because of Desmond's parents' decisi...