Chapter Thirteen
Nasira ang plano ko. Hindi ko nagawang makaalis at makapagtago mula sa kanila pagkatapos naming magluto. Ayaw akong layuan ni Davina, at sa oras na ako'y makatapos sa aking niluluto kaagad niya akong hinila papunta sa may dining area.
Ngayon ay nakaupo na nga kaming lima sa mahabang lamesa. Si Desmond sa gitna at nasa kabilang dulo ng table. Sa kanan niya ay si Marion. Si Geno naman ang nasa kaliwa ng leader na kaharap ng Luna. At dahil nga iniiwasan ko ang mag-asawa, inunahan ko si Davina sa pag-upo sa tabi ni Geno.
Geno noticed this action of mine and chuckled a bit. Bahagya naman akong napakagat sa aking labi upang pigilan ang pag-ngiti.
Pamaya-maya lang, dumating si Nanny Yor na may bitbit na ulam. She glances at me before looking at Davina as she puts down the food.
“Oh, Davina. Siya nga pala, 'yong mga natira sa damit mo ay nalabhan na namin. Pwede mo nang kuhanin.” Napalunok ako sa sariling laway matapos marinig ang sinabi ni Nanny Yor.
Ang lahat ay natahimik dahil doon at ngayon ay nakatingin na sa mayordoma.
“Natira? Why? Did Eugene here not want to give me back some of my clothes?” Davina inquired, looking at me with her usual conniving smirk.
Ngunit bago pa magtuloy-tuloy ang nasa isip ng babaeng alpha, kaagad sumingit si Nanny Yor upang iparating sa kaniya ang totoong balita.
“So hindi mo pa pala alam? We found some of your shirts totally wrecked inside Eugene's room. Itinapon na namin ang mga sira at tinira nalang ang mga ilang maaayos pa.” Paliwanag ni Nanny Yor at nasaksihan ko ang bahagyang pag-awang ng mga labi ni Davina.
She blinks her eyes a few times before speaking. Ngayon ay nababalot ng guilt ang aking konsensya. Hindi ko talaga alam kung sino ang gumawa non sa mga damit ni Davina, pero ako ang nanghiram. Ako ang gumamit at nararapat lang siguro na ako nalang rin ang salarin. Hindi naman ako pwedeng mangturo nalang ng walang ebidensiya.
Humugot ako ng malalim na hininga bago nag-angat ng tingin kay Davina.
“I did it! I'm sorry...” Mahihin na sabi ko at napaayos sa kaniyang inuupuan ang babaeng alpha. Yumuko ako at nag-iwas ng tingin. I can't stop fiddling with my fingers under the table because of nervousness.
Hindi ko pa nakitang nagagalit si Davina, ngunit alam ko ang kakayahan niya. Davina's one of the night guards. A commander, to be precise. So at least I know what other personality she has. She can be strict or maybe scary.
“Is that so? Then it's fine! Siguro sa sobrang sakit ng nararamdaman mo ay hindi mo maiwasan ang wasakin ang mga damit ko.” Mabibong ngumiti sa akin si Davina. Titig na titig sa akin habang nakapatong ang kaniyang baba sa isa niyang kamay, na nakatukod naman sa lamesa.
Sa sobrang gulat at hindi inaasahan na sagot mula sa kaniya ay hindi ako nakapagsalita. I was just unconsciously smiling while looking at her. She's a little bit weird sometimes. But at the end of the day, she is still kind and a friend of mine.
“Sabi ko naman sa'yo e, you should have spent your heat with—”
“I did it.”
Lahat kami ay napahinto at halos sabay-sabay na napalingon sa alpha na nasa gitnang dulo ng lamesa. This was my first time looking at his face after all this time, and I almost jolted on my seat once his brown orbs accidentally met mine.
Despite the nervousness and confusion I'm experiencing at the moment, I stood my ground and remained facing the leader. Kahit na nag-iwas na ito ng tingin sa akin at bahagyang nakangising lumingon kay Davina, ay hindi ko magawang ilayo ang aking mga mata mula sa kaniya.

YOU ARE READING
Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]
Teen FictionDesmond the Alpha of Moonlight Fotiá Pack. Desmond Cabrera was a fire elemental werewolf who was also an Alpha. He was already living his life well and happy with his husband, Marion. And then it all got chaotic because of Desmond's parents' decisi...