Chapter Thirty-Six

377 14 0
                                    

Chapter Thirty-Six

As soon as the sun rose, I immediately prepared the things my son would need for our little trip. Tulad nga nang sinabi ko kay Desmond, pumapayag na akong ipakita at ipakilala ng tama si Phoenix sa kaniyang mga lolo at lola.

Pinaliwanag ko na kina Nanny Yor ang tungkol dito. Naisip nila na magandang ideya ang aking napagpasyahan, at sinabi rin nila na natutuwa sila para sa aming tatlo.

Me too; I have been feeling satisfied ever since I came out of the room where I left the surprise alpha without waiting for him. Noong araw na iyon, kinompronta niya ako at nilinaw kung tama ba ang narinig niya mula sa akin.

Tumango ako sa kaniya ng walang anumang hesitasyon, and that's when I saw and felt that he was really happy about it. Ngunit bago pa man sumobra ang kaniyang pagiging masayahin, nilinaw ko muna sa kaniya na hindi kami permanente na mag-s-stay doon.

Una sa lahat, hindi pa ako handa. Oo at naging malinaw ng muli ang nararamdaman ko sa kaniya, mahal at gusto ko pa rin siya, at hanggang maaari, gusto ko na rin ayusin at alisin ang ilangan sa pagitan naming dalawa. Pero hindi ganoon kadali 'yon.

Leaving this town, which welcomed me when I was so down for the second time, was not easy. Sila ang muling nagtulak sa'kin para magpatuloy at bumangon. Tinulugan nila ako kay Phoenix. Binigyan nila ako ng bubong kahit hindi nila ako kadugo. I was basically a complete stranger to them, yet they opened their arms and home to me.

Mabilis na nag-iba ang itsura ni Desmond pagkatapos kong sabihin 'yon. Pero imbes na mag protesta, hinawakan niya ang mga palad ko at sinabing ayos lang at hihintayin niya kami.

I was startled at first. Hindi talaga ako sanay sa ganitong ugali niya. Nevertheless, I am not complaining.

Inayusan ko si Phoenix at pinagsuot siya ng isang puting polo shirt with a grey jumper short over it. Habang ako, nag-suot lang ng simple ngunit kaaya-kaya namang tingnan na damit.

Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan nanunuluyan sila Desmond nitong mga nakaraang araw, he never mentioned it to me earlier, and I can't help but get curious. Are they at least comfortable? Marami ang kasama niya, sa pagkaka-alam ko ay kaunti lang ang nagpapaupang bahay dito.

In any case, they are all grownups, and most of them are alphas. For sure, they can handle themselves naman. Isa pa, hindi ko rin talaga alam bakit kailangan pa ng maraming kasama ni Desmond. He's the strongest in this pack. Just one snap of his fingers, and fire is ready to bloom.

Umiling ako. There's no point in thinking of those things right now. Dahil kasalukuyan ko nang pinapanood si Desmond na makalapit sa'kin. Isang maaliwalas na ngiti ang nakapatong sa kaniyang magagandang labi.

I took a nervous and deep breath once he stopped in front of me and Phoenix. He's wearing a simple black shirt that hugs his ripped and gorgeous body so right, with a pair of maong pants and a brown belt on it.

Simple pero kagalang-galang pa rin.

Napalunok ako, biglang nakaramdam ng kaunting hiya para sa sarili. Hindi ko malang nagawang tingnan ang sarili sa salamin kanina. Do I look okay? Am I too simple and plain? I mean, does it matter?

"Hey," I blink when suddenly Desmond crouches down and places a smooth kiss on Phoenix's forehead. Pinanood ko sila at inisip na lalayo na ang alpha, nang bigla siyang tumingin sa'kin at this time, ako naman ang binigyan niya ng halik sa mga labi.

He was touching the back of my neck with his big hand, and I could not even jerk back in shock as he kissed me.

He leaned back and flashed me a soft but manly smile. Binasa niya ang kaniyang pang-ibabang labi pagkatapos ay kinuha ang bag na nasa aking tabi, puno iyon ng gamit namin ni Phoenix.

Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]Where stories live. Discover now