Chapter Eight

338 15 0
                                    

Chapter Eight

Lying in bed with the scent of Davina, an Alpha, feels like a haven to me. Maghapon lamang akong nakahiga sa kama. I sometimes even shift into my wolf form to make myself more comfortable than ever.


At ikinatutuwa ko na kahit sino ay walang nagbalak na mang-abala sa akin. Oo, may ilang pumupunta sa aking silid, ngunit iyon ay para bigyan ako ng aking makakain. Ni-hindi ko nga sila nakikita sa sobrang himbing ng aking tulog at hindi ko rin sila naririnig, na siguro ay kanilang sinasadya. Kaya naman naisip ko na agad na pagkatapos na pagkatapos ng aking heat, hihingi ako ng patawad sa kanila sa mga araw na hindi ako nakakilos at magpapasalamat na rin ng lubos. 

Hanggang sa huling sandali ng aking pre-heat, naisipan ko nang uminom ng suppressant para kung magsimula man pamaya-maya ang aking heat, hindi na ganoon kalala.

Malumanay akong bumangon sa aking kama at tiningnan kung mayroon pa akong tubig sa may bedside table. Sa kasamaang palad, wala na, kailangan ko pang lumabas para makakuha.

I let out a small sigh and carried the pitcher and glass with me outside, towards the kitchen. I'll refill it full again, just in case I get thirsty.

This will be a hell of a heat. I can feel it.

Habang naglalakad patungo sa kusina, hindi ko maiwasan ang pagsakit ng aking ulo. Gusto ko na lang na makabalik agad sa kuwarto at mahigang muli sa mabangong amoy ni Davina.

Ngunit sa hindi inaasahan, natagpuan ko si Nanny Yor sa kusina kasama si Sabo na kasalukuyang umiinom ng tubig. Nagtagpo ang mga mata namin ng lalaking beta, bagkus papikit-pikit pa ang aking mga mata ay nakuha ko pa rin naman bigyan ng ngiti ang lalaki.

Sabo's eyes widened a bit before looking away from me, as he started choking on his water. He immediately set the glass on the tiled counter.


“Ay, ano ka ba namang bata ka. Ano ba ang nangyayari sa'yo?” Nag-aalalang tanong ni Nanny Yor at saka doon pa lamang niya ako napansin nang itinuro ako ni Sabo.

“Aalis na po ako. Salamat sa tubig.” Nagmamadali na sabi ni Sabo bago tuluyang lumabas sa may likurang pintuan na nakadugtong sa kusina.


Umiling si Nanny Yor at tumingin sa akin. “Look at you. Pulang-pula ang mukha mo, ijo. Paalala ko lang ha, kahit naman hindi naming mga beta naaamoy 'yang pheromones mo, Sabo was still a man who was weak with pretty faces like yours. Kaya huwag ka nang magtaka kung bigla na lamang umalis ang isang 'yon pagkatapos kang makita.” She said as she walked towards me and took the pitcher and glass from my hands.

Napakamot ako sa aking ulo at kaagad lumapit sa matanda. “Ako na po.” Pagprotesta ko ngunit huli na dahil naglabas na siya ng bagong pitchel mula sa ref.


I purse my lips and go and take the pitcher and new glass from her. Babalik na sana ako sa aking silid, ngunit nakuryoso ako kung sino-sino ang mga tao na nandito sa mansion, kaya nagbalak muna akong magtanong.

Umaga na at ilang saglit nalang tatama na ang aking heat. I wanted to know if everyone was going to be here so that I could maintain my voice and cry low. I don't want to bother anyone.

 

“Mga tao? Desmond is inside their room. Si Geno kanina pa umalis at hinatid si Marion doon sa charity event ngayon. Siguro pabalik na 'yon sa mga oras na 'to, para sunduin si Desmond at makapasok na silang dalawa sa opisina.” Paliwanag ni Nanny.

“Siya nga pala, humihingi ng pasensiya si Damian at Esther dahil hindi ka nila matulungan sa heat mo. They were currently out of the pack, doing some dealings with the older ones. Kung hindi nga lang daw natapat sa ganitong panahon, dadalhin ka nila sa kanilang bahay para doon ka nalang kung hindi ka raw komportable dito sa mansion.” Pahabol ni Nanny na kaagad ko namang ikinagalak.


Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]Where stories live. Discover now