Prologue
Malalim ang mga paghinga ko. Sa sobrang takot ay parang inaatake ang puso ko sa lakas ng kabog nito. I stare at the huge fire that is currently eating my home.
Home. My home.
It's burning, yet I can't do anything. Iyong mga magulang ko ay nasa loob pa. I can hear their cries. I can hear them calling my name and telling me to run away already. Ngunit parang napako ang mga paa ko sa lupa at hindi ako makagalaw.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang biglang marinig ang boses ng ama kong alpha sa aking isipan.
The mind link!
“Eugene! Shift now and run away. Hurry up! It's okay... we'll always be behind your back, pup. That's why you'll be alright.” Humagulgol ako ng iyak matapos marinig ang boses ng aking ama.
Paulit-ulit niyang sinabi sa akin ang mga katagang iyon, hanggang sa tuluyang manghina ang kaniyang boses. Hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pagkaputol at pagkawala ng aming pagsasama.
He's dead? They're dead?
Nagulat ako sa ugong ng aming bahay. At lalo lamang nadurog ang aking puso habang pinapanood ko sa hindi kalayuan, ang mabilis na paggunaw ng gusali sa aking harapan.
Ang tahanan kung saan ako lumaki ay wala na. Ang tahanan kung saan kami palaging nagsasalo-salo ay puro apoy na. Ang tahanan ko kung saan lang ay nagkakasiyahan pa kami para sa aking ika-labing walong taong kaarawan kanina lang, ay halos abo na.
Why does this have to happen right now? To us? Bakit kami? We were just celebrating, and yet...
My father said earlier that I should shift into my wolf form, so I did. And while I'm in that state, all I can do is howl while crying. Since it's the only thing I can do at the moment, I howl and howl like there's no tomorrow. Howling for what? I don't know. For help? Maybe. Because of the pain? Of course, obviously.
I howl like I was the one who was burned. I howled as I ran away from our burning home with my parents' bodies inside it. They are stuck, and my small body can not help them. Just how useless am I?
Kaya umiyak na lang ako nang umiyak. Umalulong hanggang sa sumakit ang aking lalamunan at tuluyang matumba ang nanghihina kong katawan sa may lupa.
Paos na ako ngunit hindi ako tumigil sa pag-iyak. Nanlalabo na rin ang aking mga mata, ngunit hindi naging hadlang iyon upang hindi ko malaman na mayroon dumating at kaagad na tumulong sa'kin.
Slowly, I let my guard down. I let my body turn into a human form again.
Hindi ko man halos nasaksihan pa ang mga sumunod na nangyari, ngunit ramdam ko ang komportableng init na bumalot sa aking katawan.
Isang senaryo lamang naging malinaw sa akin habang ako'y unti-unting nawawalan ng malay, at iyon ay ang isang matangkad na lalaki na tumayo sa aking harapan.
Hindi ko nakita ang kaniyang mukha dahil ang likod niya ang nakaharap sa'kin. Itinaas niya ang kaniyang kamay paharap sa nasusunog naming bahay, at sa isang pagikom lang ng kaniyang kamao, nawala ang liwanag na nagmumula sa malaking apoy kanina.
Mula doon, nagdilim na ang aking mga paningin.
***
Mariin akong pumikit muli matapos dumilat dahil sa liwanag na sumalubong sa akin.
YOU ARE READING
Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]
Novela JuvenilDesmond the Alpha of Moonlight Fotiá Pack. Desmond Cabrera was a fire elemental werewolf who was also an Alpha. He was already living his life well and happy with his husband, Marion. And then it all got chaotic because of Desmond's parents' decisi...