Chapter Five

345 15 0
                                    

Chapter Five

Mabilis ang naging pagmulat ng aking mga mata dahil sa takot at lungkot. Patuloy rin ang pagtaas at baba ng aking dibdib, dulot ng mabilis kong paghinga. A small whimper escaped my mouth as I felt more tears starting to run down from my eyes.


Dahan-dahan akong umupo sa kama na aking hinihigaan at mabilis na idinukdok ang aking ulo sa aking mga tuhod. Mga braso ay nakapalupot sa sarili habang patuloy ako sa'king pag-iyak.


I saw them. My parents. I saw them and our home getting burned in front of me. And despite all that, I remained standing and watching.


Ang mga magulang ko ay parehong gumagapang patungo sa akin. Mga silab ng apoy ay binabalot ng kanilang mga katawan.


They are trying to reach me. Mama and Papa are calling my name over and over as I look down on them while crying messily.


I can't move—no, I don't want to move. Gusto ko silang lapitan, gusto ko talaga silang hawakan. Gusto ko silang mayakap kahit na sila'y nagliliyab. I want to feel the pain they're feeling as they get their bodies burned. I want to be with them.


Ngunit nang sa wakas ay malapit na sila sa aking paanan at maaari ko na silang hawakan, bigla nalang nagdilim ang lahat. Ang mga apoy sa aking paligid ay tuluyang nawala at kasabay non ang pagmulat ng aking mga mata.


I know. I know that the moment our home appeared, alam kong isa na lamang iyong panahinip. A nightmare to be exact. A torment for me.


I was so scared and beyond sad that my body kept on trembling. Ang mga kuko kong hindi naman mahahaba, ngayon ay halos bumaon na sa balat ng aking mga hita na aking yakap-yakap.


I don't want it. I don't want that to happen again. If they're not going to take me with them, I don't want to see them like that again.


Sobra ang takot at lungkot na aking nararamdaman, halos hindi ko namalayan ang sariling emosyon ko na tuluyan akong kinain.


I found myself suddenly shifting into my wolf form, which did not even eat a huge space on my bed. In fact, I made myself curl into a ball, making me look even smaller than before.

And as I was still trembling, I started releasing pheromones that almost had the same smell as my parents' to comfort myself. My parents and some of my friends, way back then, often told me that I smelled like a peach with a hint of mango.
 

Ang mga amoy na 'yon ay paniguradong nakuha ko sa aking mga magulang. Ang pheromones ng tatay ko na kaamoy ng bagong hinog na mangga at ang nanay ko na kasing-amoy naman ng peach.


Sa buong gabi na 'yon, malamig ang aking paligid. I want someone to hold me, but I can't think of someone who will do that. Gusto kong maramdaman muli ang init na bumalot sa akin noong gabing nangyayari ang pinakamasamang bagay sa buhay ko.


Mga dalawang oras siguro akong ganoon. Nakapikit ngunit gising naman ang diwa. Hanggang sa hindi ko namalayan ay tuluyan na akong kumalma at unti-unti hinila ng antok.


***


I was awakened by someone literally shaking my whole body. I jolted up groggily on the bed on all fours, and that's when I remembered that I was still in my wolf form. 
 

Humikab ako makaisa bago tuluyang magpalit ng anyo. The lingering cold coming out of the aircon immediately hit my bare body, making me shiver a bit from the cold. 

 

Tumingin ako sa kama at doon ko natagpuan ang mga damit na suot ko kahapon. Good thing my wolf form isn't that big to thorn those clothes. Sayang naman.

Werewolf series : His Burning Howl [ BxB ]Where stories live. Discover now