Chapter 4

544 40 0
                                    

W: You may encounter some wrong grammar and typo's. By the way hope you enjoy reading this chaps :)

jayjay's POV

It's sunday.  Iniuntog ko ang noo ko sa misa dahil sa lalim ng iniisip.

" Malapit na Jeanna! Pansin kong nag sisimula ng siyang mag iba! " Dinig kong salita ni tita gema hindi kalayuan saakin.

" Wag kang sumigaw, Gema. Alam ko. alam kong malalaman at malalaman niya 'to.. pero hindi pa ako handang ipaliwanag sa kanya " Salita naman ni mama. lalong napa kunot ang noo ko at tumingin tingin kong saan sila bandang nag usap ngunit wala akong makita.

" Tatlong b'wan nalang.. Alam kong na Nag hahanda na sila para kunin siya.. Hindi pwedeng mang yari yon jeanna.. Siya ang nasa propisiya dapat malaman na niya ang lahat para maging handa siya " Dinig kong sabi naman ni tita gema.

Gulong gulo na ako sa mga taong naka paligid saakin.

bakit pakiramdam ko may tinatago sila sakin?

" Ano ba kasi! " Inis na ginulo ko ang buhok ko at tumayo pabalik sa aking kwarto.

pabagsak na hiniga ko ang katawan ko sa kama at tumingin sa kisame

" May kinalaman ba ako sa pinag usapan nila? " Tanong ko sa sarili.

Napa balikwas agad ako ng mabilis sa kama at kinuha ang laptop ko. Nag type ako about sa HVIS ngunit kunti lang ang lumabas. Base sa nasaba ko Hindi ordinaryong paaralan ang HVIS. Pili ang studyanteng makakakapasok dito na mas lalong pinag taka ko. Private nga naman ang HVIS pero bakit kaylangan pang pumili ng studyanteng makakapasok dito? Pano yong mga gustong maka pasok na hindi napili?

Napa buntong hininga nalang ako at en-exit ang page nayon. Isasara ko na sana ang Laptop ng mag flash sa screen ang trending na mga larawan.

Napahawak ako sa bibig ko ng makitang halos gutay gutay ang katawan ng isang babae na kaedad ko lang. punit ang tyan nito. Zinoom ko iyon at napa tayo ng makitang wala ng laman ang tyan ng babae. kahit mata ay wala na. binasa ko ang comment at maraming nag sabing aswang daw ang may gawa non ang iba naman ay mukhang pinag katiwaan ang katawan ng babae kaya nag kaganon.

Humiga ulit ako sa kama at nag talukbong ng kumot. iyon parin ang iniisip ko hangang maka tulog ako.

****

" Saan po si mama tita? " Tanong ko kay tita habang kumakain. kasabay naming kumain si kuya Angelo at Aries na tahimik lang at hindi umiimik.

" Pupuntahan daw si andre " Sagot naman ni tita at napa tingin saakin saglit. " Bakit mo natanong jay? " Dagdag na sabi niya. Wala ba akong karapatang mag tanong kong saan ang mama ko?  sa halip na sagutin ay umiling nalang ako at tumayo.

" Tapos na po ako.." Mahinang sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin nila.

nang makabalik ako sa kwarto ay kusa ng bumagsak ang luha ko.

Gusto kong makasama si mama pero palagi siyang busy don sa kinakasama niya. gusto kong maranasan na mag karoon ng Ina tulad ni tita gema kina kuya angelo at aries..

Gusto kong mag tanong sa mama ko pero wala..

Tanging section E lang ang sandigan ko ngayon

ngumiti ako ng mapait.

Ano kayang ginagawa ni mama sa mga anak ni tito andre? Nagpapaka ina ba siya don?

Haha siguro ganito na nga ang buhay ko

KINABUKASAN ay Ay sinikap kong wag mo nang mag isip isip ng kong ano. Naka ngiti akong pumasok sa room

" Hi jay " bati ng ibang ulupong.

Ang mutya ng section E ( Vampire story FANMADE  )Where stories live. Discover now