**********
CHAPTER 9: DeductionsSabado ngayon at mag-isa si Margaux sa garden para mag-isip at pag-aralang mabuti ang mga nakukuha niyang pictures. Pagkaupo niya, inilabas niya agad ang cellphone niya at isa-isa niya nang tiningnan ang mga larawan.
Una niyang tiningnan ang mga nakuhang larawan kay Roman. Ito lang ang katangi-tanging may bilog ang numero sa noo sa lahat ng namatay. Inemphasize yata ng killer ang number 5. Anong meron sa number 5?
Paano ito namatay? Dahil ba sa mga latay na halos lumabas na ang laman ni Roman? Kung namatay siya dahil sa latay, parang ang lame naman. Pwede naman siyang tumakbo at manghingi ng tulong dahil ayon sa imbestigasyon na narinig ni Margaux sa mga pulis ay hindi naman nakakandado ang lahat ng pinto o binta, maaari itong tumakas. At kung latay lang iyon, pwede itong manlaban, its a matter of life and death. Ilan lang 'to sa mga dahilan kaya pinalabas ng mga pulis na suicide ang nangyari, maraming chance ang biktima na tumakas at mabuhay ngunit hindi nito ginawa. Maaring nilagyan lang nito ng latay ang katawan at numerong 5 ang noo para masabing pinatay ito, patunay ang pagkakaroon ng bilog ng numero na naiiba ito sa lahat.
Pero napansin ni Margaux ang dugong umagos mula sa ulo ng binata. Nakahubad rin ito kaya maaring bagong ligo si Roman, tumakbo, nadulas, at nabagok ang ulo. Marahil iyon ang dahilan ng pagkamatay! Hindi ang mga latay kundi ang pagkabagok, at kapag hindi naagapan ang pag-agos ng dugo ay ikamamatay iyon ng biktima.
Nang izoom-in ni Margaux ang isang larawan ay nakita niya ang tumpok ng dugo ilang metro mula sa kinalalagyan ni Roman. Dahil dito ay may nabuong scheme sa isip niya, maaring sa pagkabagok ni Roman ay nakatayo pa ito at sinubukang tumakas ngunit nilatay-latay ito ng murderer hanggang sa muli itong matumba at nang maubusan na ng dugong susuporta sa katwan ng binata ay doon na ito nawalan ng buhay.
Hindi man iyon ang totoong nangyari ngunit base sa mga ebidensya at larawang nalikom ni Margaux ay iyon ang nabuo ng dalaga.
Maging ang black rose na nasa basurahan ng boy's locker room na nakuhanan niya ng larawan ay gumulo rin sa isip niya. Totoo nga kaya ang sinabi ni MJ na kapag nakatanggap ng itim na rosas ay simbolo iyon na ang receiver na ang sunod?
At napatunayan niya iyon kay Ms. Garcia na sunod niyang tiningan. Nalala niyang siya pa mismo ang nagtapon ng bulaklak at ilang araw lang ay namatay na ang kawawang guro. Nang suriin niya ang larawan ay marami siyang napansin.
Una na rito ang duck tape na nailagay ng murderer sa bibig ng guro, para siguro hindi ito sumigaw. Maging ang cutter na nakatusok sa batok ng guro. Maaring galing sa likuran ang suspect at mabilis nitong sinaksak ang guro sa batok. Pero ano ang unang ginawa, ang pagtapal sa bibig o ang pagsaksak?
Obviously, ang pagtapal sa bibig ang nauna para nang sa gayon ay hindi sumigaw si Ms. Garcia at mahirapan itong manghingi ng tulong. Ngunit kung inuna ang bagay na iyon, bakit hindi siya nanlaban? Bakit hindi tumakbo? Magkaiba ang kaso nila ni Roman, hindi bagong ligo ang guro at hindi rin maaaring madulas ito sa tiles para mahirapang makatakbo. Nakaupo lang ang guro sa upuan nito.
Inilipat niya sa iba pang larawan at kapansin pansin talaga ang papel na may A+, at ang dugo pa mismo ang pinangsulat. A+, ibig-sabihin ay perfect, grade? May koneksyon sa grade? Pwede ring parte ng pangalan, beginning letter? Pangalan nino? Pangalan nga ba o adjectice lang? It could be their section. A could be anything.
Nagulat si Margaux nang may naramdaman siyang nakiupo sa kanya. Agad niya namang itinago ang cellphone niya at iniayos ang sarili na para bang normal na nakaupo lang.
"Hi, nagpapahangin?" tanong ni Zairah at siniko nang bahagya si Margaux.
Agad namang iniwas ni Margaux ang tingin kay Zairah dahil sa naalala niyang pakikipag-away nito kay Raquel. Baka kasi siya naman ang awayin ng dalaga.
BINABASA MO ANG
13th Soul
Детектив / ТриллерCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa