**********
CHAPTER 20: 2 Souls, 1 NightMadaling araw na nang natapos ang huling batch ng mga sumubok sa Horror house ng section A. Lights off na. Halos tahimik na ang buong Kryptos dahil tulog na ang mga estudyante. Sadyang natira na lang ang section A dahil sa nirequest ng kanilang guro sa paaralan na bibigyan nito ng kaunting kasiyahan ang klase niya na pinaunlakan naman ng paaralan.
"Raquel, bakit may hawak kang black rose?" tanong ni Francheska na narinig naman ni Margaux kaya napatingin siya kay Raquel.
"May nag-iwan nito sa locker ko. May nakasulat pa nga e, siguro galing 'to sa mga fans ko," pagmamayabang nito at pinabasa kay Francheska ang nakasulat.
Kinuha naman nito ang sulat at binasa. "You're so hot. So hot that you should be careful. Hahaha, mukhang nasesexyhan pa sa'yo 'yung nagbigay niyan a?" pagmbobola ni Francheska.
Nakatanggap ng black rose si Raquel, mukhang masama ang kutob ko sa mangyayari. Sabi ni Margaux sa isip niya.
Bago pa man umalis si Raquel ay mabilis itong nilapitan ni Maragux. "Mag-iingat ka. Hangga't maaari huwag kang maglalakad nang mag-isa lang," bulong ng dalaga.
"Are you trying to scare me?" tanong ni Raquel at napangisi. "Try harder."
Naunang maglakad si Raquel papunta sa mga kalase nila na sinundan naman ni Margaux. Naabutan nilang nagrorollcall ang guro para masigurong kumpleto na sila para sa isag selebrasyon.
"Sir, check ko lang po si Ledda sa loob," ani Jameson kaya tumango naman si Mr. Guinier bilang pagtugon.
"Let's just wait for the others," sabi ng guro at humalukipkip.
Makalipas ang ilang minuto ay nagkakada kumahog si Jameson sa pagtakbo papunta sa mga kaklase. "S-sir! Si Ledda."
Nanlaki ang mata ng guro kahit hindi pa man niya alam kung anong nangyari sa estudyante. Napatakbo ang buong section A sa loob ng horror house kung saan nasa loob pa si Ledda.
"Gosh," napatakip sa bibig si Wendy nang makita ang kaklase.
Nagulantang ang lahat nang masilayan ang katawan ni Ledda. Naliligo na sa dugo ang buo niyang katawan. May naka-ukit na number 9 sa noo nito. Nakatali ang dalawang kamay nito sa dalawang sulok ng rehas gaya ng porma nito sa buong magdamag. Dilat ang mga mata nito at nakabuka ang bibig kung saan tumagos ang nakatarak na kutsilyo na nakasaksak mula sa kanyang batok. May nakasabit na itim bulaklak at itim na sobre sa labas ng rehas kung saan nakakulong si Ledda.
Pikit-matang lumapit si Mr. Guiner at hinablot ang itim na sobre at binuksan. "Go to the covered court. The Queen Bee is waiting for all of you. You should not be late, or else," basa ng guro na hindi mapakali sa mga nangyayari.
Nagsidatingan na rin ang mga kaklase nilang wala kanina.
"Anong nangyari?" tanong ni Sophie at nagulantang din nang makita ang katawan ni Ledda. "Kailangan natin 'tong iyawag sa pulis."
"'Wag!" pag-pigil ng guro. Kaya naman napatingin sa kanya ang buong klase. "Huwag muna. Kailangan nating magmadali. Kailangan nating maligtas agad si Raquel!"
"Pero Sir," nag-aalangang sabi ni Margaux.
"Sige, ako na ang magrereport sa pulis. Pumunta muna kayo sa covered court," sagot ng guro at tumakbo papalayo.Habang tumatakbo ay kung-ano-anong bagay ang pumapasok sa isip niya. Malaki ang pananagutan niya sa pagkamatay ni Ledda. Unang-una, siya ang guro na naka-duty sa section A sa oras na namatay ang dalaga. Pangalawa, nagrequest pa isiya na payagan ang buong klase na magcelebrate at alam ng paaralan na ang guro ang kasama ng mga bata. Siguradong mawawalan ito ng trabaho or worst, makukulong pa siya.
BINABASA MO ANG
13th Soul
Misterio / SuspensoCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa