Special Chapter 4: Letter

296 20 0
                                    

**********
Special Chapter 4: Letter

Nagimbal ang buong Kryptos nang kumalat ang balitang may bangkay ng babaeng natagpuan sa Science Garden. Marami ang natakot dahil sa karumaldumal na pagkakapatay sa kanya. May mga pulis ring nagsidatingan para imbestigahan ang nangyari. Pero lumipas ang mga araw, wala pa rin silang nakukuhang lead sa kaso.

I have no guilt. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Tama nga si Mommy, na kaya ko 'tong gawin. At nagawa ko nga. Iba ang naging pakiramdam ko ng mga sandaling iyon. Masaya. Para bang nawalan ako ng isang malaking tinik na matagal nang nakabaon sa puso ko.

I discovered this small wodden room sa likod ng Kryptos kung saan ipinagbabawal ang pagpasok. Hindi ko alam but I found comfort with it. Nakakarelax 'yong amoy ng kahoy, ang katahimikan, ang kadiliman. Nagdesisyon ako na gawin itong kuwarto ko. I cultivated black roses there, paburito iyonh bulaklak ni Mommy kaya natutunan kong magtanim doon.

And then, an idead came in to me. To make my mission thrilling for my victims. Binibigyan ko sila ng itim na bulaklak bilang warning na sila na ang susunod at kapag napatay ko na sila, another black rose. And that became my trademark as a murderer.

I have, oh, I had a boyfriend. And his name was Henrick. Siya madalas ang pinagkwekwentuhan namin ni Sophie noon. Ilang araw matapos ang pagkakapatay ko kay Gabriel ay binisita ko siya. He didn't know about the amnesia thingy that I announced with my classmates kaya naman ayos lang na kausapin ko siya about our relationship. Excited ako, akala ko gano'n din siya para sa akin.

"Is there a problem? Why are you breaking up with me?" tanong ko.

Ayaw pa niyang sumagot noong una pero pinilit ko siya. "I saw you video, having sex with another man. Oo nakapiring ka, pero tandang-tanda ko pa ang kwintas na binigay ko sa'yo dahil pinasadya ko pa 'yon. Why did you do this to me?"

Napaluha ako. "No, Henrick. Hindi ko ginusto 'yon. Ginahasa ako."

"What?" gulat na gulat niyang tanong at napaatras.

"I was raped."

Umiling-iling siya at itinuro ang pintuan ng kuwarto niya. "Get out."

"Henrick." I tried to reach for his arms pero iniwas niya ito.

"Don't touch me. Nandidiri ako sa'yo. You're not pure, hindi ka na virgin. Nakakadiri ka. Ano na lang sasabihin ng mga magulang ko? Ginamit ka na ng ibang lalaki---"

I slapped him, and then left his room. Hindi ko inasahan na sasabihin niya sa akin ang mga salitang iyon. Sobrang sakit para sa isang babae nagahasa. Bastos siya. Hindi na niya inisip kung anong pakiramdam ko. Nandidiri na nga ako sa sarili ko pati ba naman siya pandidirian ako?

Kinabukasan noon, habang naglalakad ako mag-isa sa cafeteria ay nakita ko si Henrick. Binalak kong maglakad papalapit sa kanya pero napahinto ako nang may babaeng lumapit sa kanya. Hinalikan niya ito sa labi at nagtawanan silanh dalawa. That was Xandra, ang babaeng pinagseselosan ko noon. So she was the one, siya ang pinaliy sa akin ng walang hiyang ex ko.

Kung masakit na ang pakikipaghiwalay sa akin ni Henrick dahil sa pagkakagahasa sakin. Mas naging masakit pa nang makita ko siya na kasama agad ang babaeng ipinalit niya sa akin. We have this issue before. Matagal ko na silang nahuhuli na magkasama at magkausap through phone pero pinalalagpas ko lang iyon. Kahiy na alam naman ni Xandra na may girlfriend si Henrick ay nilalandi niya pa rin ang boyfriend ko.

13th SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon