CHAPTER 13: Her Rule

430 29 6
                                    

**********
CHAPTER 13: Her Rule

"I know who's behind all of this! I know who's the culprit," sigaw ni Dessa habang patuloy na hinahabol ang paghinga. Tahimik ang lahat, tanging maingay na paghinga lang ni Dessa ang maririnig. Napatakip siya ng bibig. Nanlumo nang bigla na lamang lumabas mula sa kanyang mga bibig ang mga salitang iyon. She shouldn't said it!

And a commotion arise inside the room.

"Baka naman imbento mo lang 'yan," natatawang sabi ni Albert at sinuot muli ang earphone tsaka sumandal.

"Oo nga Dessa, baka naman hindi talaga siya ang killer... Alam mo na, baka napagkamalan mo lang," sabi naman ni Jaquelyn.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Dessa sa mga kaklaseng nagsasabing gawa-gawa lamang niya ang nakita niya. But she knew it from herself, nakita niya talaga ang pumapatay! Hindi siya pwedeng magkamali. Sa paglibot ng kanyang paningin, nangilabot siya nang magtama ang kanyang mata at ang nanlilisik na mga mata ng murderer. Nag-aapoy ito sa galit na tila susunugin ang sino mang magbanggit ng pangalan nito.

Napayukom ng kamay si Dessa sa kanyang dibdib at marahang lumapit sa kanyang upuan. Pagkaupo niya ay agad siyang yumuko at umiyak. Napapaiyak siya dahil sa nalaman, at alam niyang malaki ang tsansang siya na ang isusunod. Kailangan niyang sabihin kung sino ba talaga ang murderer.

Lumapit agad sa kanya ang kaibigang si Francheska, hinawakan nito ang buhok ni Dessa at nagsalita, "okay ka lang ba? Baka naman mali 'yang nalaman mo? Ayaw ko nang maulit 'yung nangyari dati." Hindi ito sinagot ni Dessa, humihikbi lang siya nang humihikbi.

"Tamang hinala na naman," sabi naman ni Valerie na isang saksi sa dating pagkakamali ni Dessa.

Apat na buwan pa lang ang nakakalipas mula noong may pagbintangan si Dessa, si Sarrah, na pinaniwalaan naman ng buong klase. Dahil do'n, binully nila ang walang salang si Sarrah, hanggang sa mamatay ito, pinatay na siya ng tunay na may sala. Mula ng pagkamatay ni Sarrah ay natigil sandali ang karumal-dumal na mga pangyayari. Hindi na nga naalis sa isip nila na si Sarrah na nga ang pumapatay, at dahil nahuli na ito kaya pinatay nito ang sarili... kaya natigil na rin ang patayan. Ang hindi nila alam ay isang malaking kasinungalingan lang ang pinakalat noon ni Dessa, hindi niya talaga alam kung sino ang pumapatay... sa isang iglap ay lumabas lamang sa bibig niya ang pangalan ni Sarrah at pinaniwalaan nga ito ng lahat.

"Good Morning class, I'm Mrs. Quevas, your new teacher in Science!" Napatingin ang lahat sa gurong masayang bumati sa kanila. "Oh, bakit napakatahimik ninyo? Akala ko pa naman mahihirapan ako sa section na 'to mukha naman kayong mababait," nakangiting sabi pa nito. Nagsisinungaling ang guro, dahil iba ang nakikita nito sa sinasabi nito. Napakaingay ng klase, saglit lang silang tumingin sa guro at binalik na agad ang atensyon sa ginagawa nila; nakikinig sa music, nagdadaldalan, nagmemake-up, natutulog, at naghaharutan. Sinusubukan lang ng guro na gawing masaya ang ambiance para mahawa ang klase, pero mukhang mahihirapan siya. "By the way, I need the complete attendance of the class—" Pinutol ni Ronrick ang sinasabi ng guro sa harap.

"Isasama pa ba 'yung mga namatay na?" sabi nito at tumawa nang malakas.

"Of course not Mister," nakangiting sagot nito. "Okay, where is the class president?" tanong ng guro. Sa loob ng isang oras ay napakaraming bagay ang itinuro ng bagong guro dahil ilang araw ding nabakante ang science class nila. Patuloy lang ito sa pagtuturo kahit na iilan lang ang interesado sa subject niya.

Napahikab na ng malakas si Jameson at iniunat pa ang mga kamay kasabay ng pagring ng bell hudyat na tapos na ang klase nila. "Sa wakas! Tapos na ang pinakaboring na klase sa lahat."

Malamig na ang kanin at ulam na nasa pinggan ni Dessa ngunit hindi man lang niya ito ginagalaw. Gulong-gulo ang isip niya. Sasabihin niya ba o hindi ang nalalaman niya. Kapag sinabi niya, siguradong papatayin siya nito, at kapag hindi naman niya sinabi ay malamang ay mamamatay pa rin siya. Habang nag-iisip ay muli na naman siyang nakaramdam ng kilabot nang makita niya ang imahe ng taong buong maghapon nang nasa isip niya. Napatitig ito sa kanya kaya bigla na lang naging buo ang desisyon niyang isiwalat na ang mabahong sikreto nito.

13th SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon