CHAPTER 31: The 13th Soul

361 23 6
                                    

**********
CHAPTER 31: The 13th Soul

Halos hindi makatayo si Margaux dahil sa panlalambot ng tuhod niya. Pero kailangan niyang magmadali. Kung nasaan man si Valeire, malamang ay nandoon din si Keith. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad patungo sa kung saan nang sandali siyang napatigil...

Si Valerie?

Napailing siya. Imposible. Malaking kalokohan na si Valerie ang nasa likod ng lahat ng mga karumaldumal na pagpatay. Of all people, her friend was the least suspect that she could think of. Naalala niya na pinag-uusapan pa nila ang kagustuhan ni Valerie na malaman din kung sino ang may gawa ng lahat. Sabi nito, interesado rin siya. Kilala niya ang kaibigan, hindi niya lubos maisip na magagawa ito ng kaibigan.

Pero, kilala nga ba niya ito?

Dahil mukhang hindi. Ang taong itinuring niyang kaibigan ay isang mamamatay tao. Pero bakit? Bakit ito pinatay si Sarrah, Ms. Garcia, Jameson at iba pa? Iyong nga clues, bakit sinusubukang ibulgar ni Valerie ang pagkatao nito? At ang mga death threats na natatanggap, ang mga pulang kahon, kay Valerie rin galing ang lahat ng iyon.

Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad. Kahit anong kalma niya sa sarili ay hindi niya magawa dahil sa takot na baka sa mga sandaling ito ay wala nang buhay si Keith. Kailangan niyang magmadali. Kailangan niyang mapigilan si Valerie sa gusto nitong gawin. Kailangan nang matapos ang lahat ng ito bago pa may madamay na ibang tao.

Napalingon si Margaux sa guard house at patakbong lumapit dito. "Sir, kilala ko na po kung sino ang may gawa ng pagpatay sa Kryptos."

"Huh?" Napahinto naman sa pagsusulat ang isang guwardya at nilingon si Margaux.

"Iyong pumapatay po, kilala ko na siya," pagpapaliwanag ni Margaux at napakagat sa labi. Nagtalo ang nasa isip niya sa kung kaya niya bang isumbong ang kaibigan at hayaan itong makulong.

Napangisi naman ang guwardya. "Hija, matagal nang nahuli ang lalaking iyon. Nakakulong na nga siya eh," sagot nito. "Lasing ka na yata at kung ano-ano nang nakikita mo. Sige na, bumalik ka na sa dorm mo at magpahinga."

"Hindi po ako lasing," sagot ni Margaux at napatingin sa salamin. Magulo ang pagkakaayos ng buhok niya, nakakalat din ang maskara at eye liner dahil sa pagtulo ng luha. Nasinghot din niya ang sarili na amoy alak nga dahil sa nainom kanina. "Totoo po ang sinasabi ko. Si Valerie, siya ang gumagawa nito."

The guard laugh at her. "Si Valerie? Alam mo bang pwede kang makasuhan dahil dyan sa sinasabi mo? Nagtuturo ka, hija at labag 'yan sa batas. Sige na, umalis ka na," pagpupumilit nito at sumenyas pa para palabasin si Margaux. Napayuko na ulit ito at nagpatuloy sa pagsusulat habang ngumingisi-ngisi pa.

Tumalikod na si Margaux nang may pagkadismayado dahil sa naging kilos ng guwardya. Hindi rin naman niya masisisi ang guwardyang iyon dahil nabigyan na sila ng instuction na huwag nang pansinin ang mga ganitong uri ng sumbong. Marahil ay madalas silang nakakakuha ng ganitong report mula sa mga estudyanteng malalakas ang trip. Nagsusumbong ang mga ito ngunit wala namang napapala ang securities. Kaya nang mahuli na si Mr. Guinier na pinaniwalaang may gawa ng lahat ng pagpatay ay inutusan ang mga guwardya na huwag nang makinig sa mga sumbong.

Habang naglalakad ay napahinto si Margaux nang makarinig ng malakas na sigaw ng isang lalaki. Agad niyang pinakinggan kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. Muling umalingaw-ngaw ang sigaw kaya napalingon si Margaux sa building ng dorm ng mga lalaki. Mabilis siyang tumakbo papunta roon at naabutan si Gabby na nakatakip ang mga bibig habang nakatitig sa isang kuwarto... ang kuwarto nila ni Keith.

Nagmadaling lumapit si Margaux kay Gabby at napalingon din sa tinitingnan nito. It was Keith. Lying deadly on the floor. Ang puti nitong longsleeve na polo ay nagkulay pula dahil sa dugo na umaagos mula sa nakabuka nitong leeg. Dilat ang mga mata nito maging ang bibig. Malamang ay nabigla ito bago mamatay.

13th SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon