***********
CHAPTER 16: HellHabang naglalakad si Margaux ay napatigil siya nang makita si Sophie na mukhang gulat na gulat sa nakita. Napatalikod ito at nagmadaling naglalakad papalayo. Napakunot ang noo ni Margaux at nahanap na lang niya ang sarili niya na hinahabol si Sophie nang hindi man lang tinitingnan ang nakita ng dalaga.
Napahinto sa pagtakbo si Sophie sa likod ng science building na sinundan naman ni Margaux. Nakasapo ang dalawang kamay ni Sophie sa mukha habang humahagulgol ito sa mukha. Hindi naman nagdalawang isip si Margaux na lapitan ito kaya marahan siyang naglakad papunta rito.
"Anong nangyari?"
Inalis ni Sophie ang mga kamay sa mukha at napatingin kay Margaux. Umiling ito at sinimulang punasan ang mga luha. "Wala. Wala lang 'to," sagot nito.
Napalunok si Margaux. "Magkaibigan na tayo, pwede mong sabihin kung anong nangyari sa'yo," paalala niya at ngumiti nang bahagya.
"Niloko niya ako," pasimula ni Sophie at napahikbi. "Ginamit lang pala niya ako. Sabi niya mahal niya ako kaya naniwala ako. Pero hindi eh, niloko nila ako. Ang sakit. Ang sakit Margaux," pagpapatuloy nito at muling napaiyak.
"Sino ba?"
"Si... si Jacob. May iba siyang babae."
...
"Sige na, pumasok ka na sa room natin, lagnat lang 'to at babalik din ako sa room," sabi ni Valerie at tumingin kay Margaux na nasa tabi nito. "Pakiabot nga 'yung bubble gum ko sa bulsa ng bag ko," utos ni Valerie sa nakatulalang si Margaux. "Margaux!"
Mabilis namang bumalik sa ulirat si Margaux at napatingin sa kaibigan. "Ay, oh bakit?"
"Sabi ko, bakit ka nakatulala?" tanong ni Valerie at napangisi.
"Wala," sagit niya at muling napatitig sa puting bulaklak na painting na nakasabit sa pader ng clinic.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ni Margaux ang naging pag-uusap nila ni Sophie kahapon tungkol kay Jacob. Na may relasyon pala silang dalawa. At hindi rin maalis sa isip niya ang mga iyak ni Sophie. Ang mga salita nitong masasakit laban kay Jacob. Na gusto nitong saktan, mamatay, at kung-ano-ano pa si Jacob. Naisip niya na dahil lang iyon sa nasaktan siya.
"Si-si Sophie, may relasyon pala sila ni---"
"Jacob?" pagputol ni Valerie. "Sila ba ang laman ng isip mo?"
Napatango si Margaux. "Oo."
"Medyo matagal na rin sila. Iilan nga lang ang nakakaalam. Sikreto kasi."
"Bakit alam mo?"
Napangisi si Valerie. "Ako pa ba? Narinig ko," sagot nito at umiwas ng tingin. "Anong meron sa kanila. Teka, bakit ikaw alam mo?"
"Nakausap ko kasi si Sophie. Nakota niya raw na may kahalikang babae si Jacob. Hindi niya sinabi kung sino. Pero nakita kong galit na galit na galit si Sophie. Sobra. She cursed Jacob to death. Unang beses kong nakitang magalit si Sophie. Siguro sobra niyang mahal si Jacob."
"Or maybe, nabigay niya na ang virginity niya kaya gano'n ang reaksyon niya," kaswal na sagot ni Valerie at napakagat sa labi.
"Sa tingin mo?"
Nagkibit-balikat na lang si Valerie. "Hindi niya isusumpa at hihilingin na mamatay si Jacob kung wala siyang nabigay sa kanya. Ewan, wild guess?"
Napalunok si Margaux at napatingin sa orasan. Sampung minuto na lang at magta-time na. "Sige, iwan na muna kita ah, babalik na lang ako mamaya. Dadalhan kita ng pagkain. Bye, pagaling ka," sagot naman ni Margaux at tumayo na tsaka lumabas sa clinic. Sinamahan niya rito si Valerie dahil nilalagnat ito. Ayaw pa nga nitong pumunta pero pinilit talaga siya ni Margaux.
BINABASA MO ANG
13th Soul
غموض / إثارةCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa