CHAPTER 29: A Perfect Grand Ball

334 22 0
                                    

**********
CHAPTER 29: A Perfect Grand Ball

"Good bye class!" paalam ni Mrs. Gueneva, ang teacher nila sa Filipino. Biglang nakaramdam ng gutom si Margaux kaya naman hinanap niya agad si Valerie para maglasama na bumili. Pero wala ito kaya mag-isa na lang siyang bibili.

Pagkalabas niya ng classroom ay biglang nagdilim at humangin ng malakas. Narinig niya ang mga nakakakilabot na tawanan ng mga kaklase niya. Patuloy na nagdilim ang paligid hanggang sa halos wala na siyang makita.

Nakaramdam ng pangingilabot si Margaux kaya binilisan na lang niya ang paglalakad. Bigla siyang napahinto dahil may naramdaman siyang malamig na kamay na humihipo sa kanya. Mula sa braso niya ay umaakyat ang malamig na kamay sa kanyang balikat, leeg, hanggang sa kanyang tainga. Umaandar ang malalamig na daliring ito patungo sa kanyang mukha at marahas siya itonh hinatak patungo sa dilim.

Sumigaw si Margaux hanggang sa maubos ang hangin niya sa tiyan. Nag-sisisigaw siya ngunit parang walang nakikinig sa kanya. Ibinagsak siya ng mga kamay sa sahig. Agad naman napabangon si Margaux at tumakbo nang mabilis.

Lalong nangilabot si Margaux nang marinig niya ang tawa ng isang babae mula sa likuran niya. Napalunok siya at matapang itong nilingon. Pagkalingon niya isang babaeng nakaputing dress na tulad ng suot niya ang nakaupo sa isang kahoy na upuan. May nakataklob ditong sako habang nakagapos naman ang kanyang mga kamay. May dilaw na ilaw ring pagewang-gewang na nagbibigay liwanag sa babaeng nakaupo.

Napakurap si Margaux nang may babaeng kapareho nila ng suot ang sumapit sa nakaupong babae. May hawak itong kutsilyo kaya naman sinubukan ni Margaux na kilalanin kung sino ito. Ngunit hindi niya maaninag ang mukha ng babae dahil sa medyo may kadiliman sa banda roon. Marahas nitong tinanggal ang sakong nakatakip sa ulo ng babae kaya naibunyag ang katauhan nito. Si Valerie.

Itunutok ng isa pang babae ang hawak nitong kutsilyo sa mukha ni Valerie at tumawa nang nakakapangilabot.

"Akala ko kaibigan kita, pero hindi. Traydor ka!" Napalingon si Margaux nang may magbukas ng ilaw ilang metro ang layo mula sa kanya. Nasa ilalim ng dilaw na liwanang ang kaibigang si Valerie. Nakagapos ito sa upuan at humahagulgol.

Napatakip sa bibig si Margaux nang makita ang malakas na pagsampal ng nakatayong babae si Valerie. "Manahimik ka!" sigaw nito kaya umalingawngaw ang maingay nitong boses sa buong lugat. Lalong nanlaki ang mga mata ni Margaux nang marahas na hiniwa ng babae ang pisngi ni Valerie. Tumalsik ang dugo ni Valerie sa damit nitong puti. Umagos ang dugo nito sa mula sa kanyang pisngi patungo sa leeg.

Hindi pa nakuntento ang babaeng katabi ni Valerie. Gamit ang hawak na kutsilyo ay inukitan nito ang noo ng dalagang nakagapos sa upuan.

Napatakip sa bibig si Maragaux nang maaninag kung ano ang nakaukit sa noo ng kaibigan. Umagos ang ang dugo ni Valerie mula sa numerong 13 na sinulat ng babaeng nakabistida. Inangat nito ang kanyang ulo at tumingin nang matalim kay Margaux.

"Traydor ka... Traydor ka..." Paulit-ulit na bulong ni Valerie.

Nanlaki ang mga mata ni Margaux sa nakita. Nang unti-unting luminaw ang mukha ng misteryosong babae ay nakita niya ang mukha niya. Halos mawalan siya ng hininga dahil sa gulat at takot. Napaatras si Margaux nang makita niyang tumingin sa kanya nang matalas ang babaeng kamukha niya.

"Nagulat ka ba? Hindi mo matanggap ang nakita mo? Na ikaw mismo ang papatay sa kaibigan mo!" sigaw nito at tumawa ng malakas. "Pinatay mo sila, Margaux. Pinatay mo sila!"

"Margaux!"

"Margaux!" sigaw ni MJ habang niyuyugyog si Margaux na umuungol na para bang binabangungot.

13th SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon