Dedicated kay HeraHenriette, dahil siya ang gumawa ng nagmimis-misteryoso nating book cover! Yey!
**********
CHAPTER 2: Ghost?! Ghost.
Matapos ang walong oras na pagtulog at kalahating oras na pakikipag-usap kay Sarrah ay nakaramdam na si Margaux ng gutom. Nagpadeliever siya ng almusal. Ilang sandali lang, dumating na rin ang inorder niya.
"Why aren't you eating? Kagabi ka pa, you said you had early dinner. Huwag mong sabihing nag early breakfast ka? Tigilan mo ko sa diet-diet na 'yan ah!" Margaux laugh.
"You're right. Kumain na kasi ako kaninang umaga, ayaw kitang gisingin dahil ang sarap ng tulog mo. Alam ko namang galing ka sa malayo kaya hindi na kita inistorbo."
Nakatingin lang si Sarrah kay Margaux habang kumakain ang kaibigan.
"I had a nightmare last night," ani Margaux. "You were killed," dugtong pa nito at kumatok ng tatlong beses sa kahoy na mesang pinagkakainan nila.
"Wow. Grabe naman 'yang panaginip mo!" sabi ni Sarrah at tumawa.
"Wala lang, para kasing totoo. Hindi ka ba natatakot?" Napatigil na sa pagkain si Margaux nang magsimula silang mag-usap.
Pumalumbaba si Sarrah sa mesa at nagsalita, "Margaux, if death comes, it will. Wala na tayong magagawa doon. I'm not afraid to die, I'm afraid of leaving na wala man lang akong nagagawang maganda sa mundo. Kaya ginagawa 'ko 'to."
"Nah, you're being weird. Ano bang nagyayari sa'yo? May sakit ka ba? Hahahaha."
Pagkatapos niyang kumain ay nagpalit siya ng damit ay kinuha ang iPad niya. Bago niya isuot ang earphone niya, tumingun muna siya sa roommate niya.
"Hey Sarrah, would you mind to walk with me around? Ipasyal mo naman ako!" natatawang tanong ni Margaux matapos tanggaling ang earphone.
"No thanks, dito na lang ako, may tatapusin pa kasi ako. May assignment na ipapasa bukas. Maybe next time," sagot nito at pinagpatuloy ang pagsusulat.
Margaux shurgged. "Okay, bye Sarrah."
Nagpunta si Margaux sa garden ng school, maganda ang garden, may mga matataas na puno, mga rock and wooden benches, at sariwa ang hangin. May fountain din sa gitna at may mga ibon na nakadapo roon. Konti lang ang mga estudyante rito kaya naman napanarag si Margaux.
While the songs are playing on her iPad, she felt the wind embraced her. May iba siyang nararamdaman. Kinuha niya ang cellphone niya at sinubukang tawagan ang Daddy niya. Pero hindi punapasok ang tawag niya na ikinataka niya. May load naman siya. Nang tingnan niya signal status ng cellphone niya ay wala man lang kahit isang bar.
"Tsk, wala pang signal. Open area naman ito," bulong niya sa sarili niya. Tumayo siya at naghanap ng lugar kung saan may signal pero wala siyang mahanap.
Nagdesisyon na lang siyang libutin ang buong eskwelahan. Kailangan na rin niyang maging pamilyar dito kahit na naidiscuss na ni Danica ang ilan kahapon.
Sobrang laki ng Kryptos Academy dahil nga boarding school ito. May iilang sikat na fastfood at restaurant sa loob, may grocery store, may ilang boutique shop, at kung anu-ano pa na hindi karaniwang nakikita sa mga normal na paaralan. Margaux wondered how the school manage these kind of firms inside.
She was amazed by the structure of every building. Para bang may panibagong siyudad sa loob ng paaralan. Nandito na halos ang lahat at wala nang hahanapin pa ang mga estudyante. They don't have reasons to go out of this school. No wonder, gano'n na lang kalaki ang tuition fee nila.
BINABASA MO ANG
13th Soul
Misterio / SuspensoCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa