CHAPTER 24: The Call

365 21 1
                                    

**********
CHAPTER 24: The Call

At tinotoo nga ni Kristine ang sinabi nito. On Christmas eve, she invited Keith to eat with them. Nakilala na ni Keith ang buong pamilya ng Aguinaldo at mukhang naging close pa sila ni Mr. Rouwel. And what happened that night?

"Hindi mo man lang sinabi aa pamilya mo na magkaklase tayo? Hindi mo rin sinabing patay na patay ka sa'kin?" bulong ni Keith sa kanan niya habang hinihiwa ang meat sa plato nito. Katabi nito ngayon sa kanan nito si Margaux, at sa kaliwa naman ay si Kristine. Sa harapan nila ay si Mr. Rouwel at Mrs. Ginna na busy sa pagkain.

"Manahimik ka kung ayaw mong ibuhos ko sa'yo 'yung tsaa ko," gigil pero pabulong na sagot ni Margaux habang nakangiti. "At tsaka, hindi ako patay na patay sa'yo."

"Okay, I'll believe you," pagtutukso ni Keith at sinubo ang karne na nahiwa.

Tinitigan naman ito nang masama ng dalaga. "Stop it," bulong pa rin ni Margaux pero mukhang napalakas dahil napatingin sa kanya ang buo niyang pamilya.

"Is there something wrong?" tanong ni Rouwel kay Margaux.

"Wala po, wala," sagot ni Margaux at napayuko, napaface palm na lang siya dahil sa asar.

Grabe, Paskong-pasko inaasar ako ng Bakulaw na 'to.

"Okay, thank you Keith sa pagpunta, next time ulit a? Bye!" paalam ni Kristine at ngumiti nang malawak.

Nginitian naman ito ni Kieth at hinarap ang mga magulang nila Margaux. "It was a pleasure Mr. Aguinaldo," sagot naman ni Keith at nakipagkamay rin kay Ginna. "Ms. Aguinaldo."

"See you again," sabi naman ni Mrs. Ginna.

Bago pa man tumalikod ang mag-asawa ay nagsalita agad si Keith. "Oh, can I talk to Margaux? If you don't mind?" tanong ni Keith bago pa man makapasok ng tuluyan ang mag-asawa.

"No we don't, of course you can," nakangiting sagot ni Rouwel at tumingin sa asawa. "Ginna, call Margaux."

Sandaling naghintay sa labas si Keith. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa pintuan mg kuwarto ng mga Aguinaldo. Mayamaya pa ay naglakad na papalabas ang babaing kanina pa nito hinihintay. "Bakit nandito ka pa?" bungad ni Margaux.

"Bakit bawal ba?" tanong ni Keith at itinaas ang kilay.

"Oo. Ano ba kasing kailangan mo? Inaantok na ako e!" yamot na reklamo ni Margaux at napakamot pa ng ulo.

"Turn around," utos ni Keith.

Pumamewang naman si Margaux at nagtaas g isang kilay. "For what?"

"Basta tumalikod ka, ang kulit!" naiiritang sabi ni Keith at tinalikod ng sapilitan si Margaux. Inilabas nito ang parihabang box na naglalaman ng kuwintas at isinuot kay Margaux.

Hinarap niya ang lalaking nagsuot sa kanya ng kwintas. "Para saan 'to?" tanong ni Margaux pagkaharap at hinawakan ang kuwintas na binigay ni Keith.

"Basta, hindi na lang magpasalamat," sagot ni Keith at umiwas ng tingin.

"Okay, salamat," bulong ni Margaux at panakaw na hinalikan sa pisngi ang binata.

Pagkatapos no'n ay pumasok na sa loob ng kuwarto si Margaux. Habang si Keith naman ay gulat pa rin sa nangyari.

Napahawak sa dibdib si Margaux dahil sa lakas ng kabog nito. Ramdam na ramdam niya ang pag-init ng mukha niya dahil sa pamumula nito. Maging ang labi niya na sumasakit kapag pinipigilan niyang ngumiti ay nakikiisa sa nararamdaman niya.

Napatigil siya sa pagmo-moment nang biglang nagring ang cellphone niya. Napahinga siya nang malalim dahil sa gulat bago kunin ang cellphone.

Unknown number? Baka importante kaya sinagot ni Margaux. "Hello?"

13th SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon