CHAPTER 25: Roses

334 20 4
                                    

***********
CHAPTER 25: Roses

Rule number 1: Relax; Don't panic.

Margaux can't help it but to look at Keith's eyes. Parang wala silang ibang nakikita kun'di ang isa't isa. Gusto sanang iiwas ni Margaux ang paningin niya pero parang may nagtutulak sa kanya na hindi niya dapat 'yun gawin.

Rule number 2: Focus

Dahan-dahang pang nilapit ni Keith ang mukha nito sa dalaga hanggang sa magkalapit ang kanilang mga labi, isang pulgadang pagitan. Margaux freaked out. Kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip niya pero nanatili siyang kalmado.

Rule number 3: Trust

At tuluyan na ngang naglapat ang kanilang mga labi. Napapikit na lang si Margaux at dinamdam ang bawat halik na ginagawa sa kanya ni Keith.

Rule number 4: Just go with the flow

Nanlabot ang mga tuhod ni Margaux at hindi niya nakuntrol ang pagakyat ng kanyang kamay patungo sa ulo ng binata.

Rule number 5: Enjoy

Napakapit na rin si Keith sa ulo ni Margaux at idiniin ito sa labi niya. Nagtagal pa sila sa ganoong pusisyon hanggang sa hingalin na si Margaux kaya naman napabitaw na siya.

"I'm sorry," bulong ni Margauc at napayuko dahil sa hiya at dahil alam niyang sobra siyang namumula. Isa pa, hindi niya kayang tumingin kay Keith nang diretso.

Itinaas na lang ni Keith ang baba ni Margaux para makatingin ito sa kanya. "Hey, Margaux, look at me," mahinang bulong ni Keith na may pagka-husky na tono. "Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo."

Napalunok si Margaux. Nagsimulang umakyat ang dugo ni Margaux sa kanyang pisngi at nakaramdam ng kakaibang kuryente na dumadaloy mula sa mga kamay ni Keith patungo sa kanya.

"Margaux, mahal kita. Mahal na mahal kita, and I don't want to lose you." Nagulat naman si Margaux sa sinabi sa kanya ni Keith, napatingin siya sa binata na ngayon ay seryosong nakatitig sa kanya. "I love you, can you be my girlfriend?"

Parang nabingi si Margaux sa sunod na sinabi sa kanya ni Keith. Hindi niya alam ang isasagot ni-ang irereact. Basta ang alam niya, gusto niya ang pakiramdam, pero ayaw niya. Takot. Oo natatakot siya, hindi niya lang sigurado pero kinakabahan siya.

"Excuse me." 'Yan lang ang nasabi niya at tuluyan na siyang umahon sa pool isinuot niya at bathrobe niya at tuluyan nang umalis nang hindi man lang nililingon si Keith. Dire-diretso siyang pumanik sa kuwarto nila habang nagpipigil ng ngiti.

Pagkapasok niya sa kuwarto niya ay agad niyang sinara ang pintuan at ni-lock ito. Sumandal siya sa pader at napahawak sa dibdib niya na mas mabilis pa sa mga kabayo kung tumibok. Lalong nag-init ang pinsngi niya na halos malunod na siya sa kakaibang pakiramdam na dulot ng lalaking kumuha ng una niyang halik.

Nagulat na lang siya nang biglang tumunog ang cellphone niya kaya inalog-alog pa niya ang ulo niya bago kunin ito at sagutin ang tawag.

From: Unknown number.

"H-Hello?" nauutal pa niyang sinagot ang tawag.

Napakunot ang noo ni Margaux nang wala na namang sumasagot mula sa kabilang linya.

Lumanghap siya ng hangin at napalunok. "Wala akong time para sa'yo," sagot ni Margaux. At nang akmang ibababa niya na ang tawag ay biglang may babaeng nagsalita.

"You are drowning in my trap."

Pilit niyang iniisio kung kaninong boses ang narinig niya. Pamilyar ang paraan ng pagsasalita nito pero hindi niya makilala ang boses. Bumilis ang tibok ng puso niya hindi na dahil sa nangyari sa kanila ni Keith pero dahil na sa tawag na natanggap niya ngayon.

13th SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon