Note: I am not requiring you to read this. Ginawa ko lang 'to para malaman ninyo kung anong ganap sa loob ng horror house ng section A. Enjoy.
**********
SPECIAL CHAPTER: Experience Carmela"Tulungan n'yo ko!"
Maririnig na mula sa labas ng Horror house ang tili ni Ledda na gumaganap bilang Carmela. Madilim na nang nagsimulang buksan ang "Section A's HELP CARMELA TO ESCAPE". Marami agad ang pumila dahil sa pagkakadisenyo ng labas ng rooms. Nilagyan ng design na babaeng nakakulong na si Maria at lalaking nagcha-chop ng artificial na tao. May lightning effects pa at thunder sounds na lalong nakadagdag atraksyon. May halo-halong hagalpak at tili ng mga tao pang maririnig mula sa labas ng booth.
"Excited?" tanong ng isang grade 10 student na si Cathrine sa kaibigan niyang si Crissa. Ngumiti lang nang pilit ang babae at tumango. "Guys ready na?" tanong pa ni Catherine sa tatlo pang kasama na sina Queene, Vanessa, at Lucy.
"Ticket?" Nilahad ni Keith ang kamay niya na naka-asign sa ticket booth. Binigay naman ni Catherine ang limang ticket. "10 minutes lang 'yan, sundin n'yo lang lahat ng clues. Kumuha muna kayo ng flash light do'n. Enjoy," sabi pa ni Keith at ngumisi.
Pagkapasok ng lima sa loob ng booth ay sinalubong agad sila nakakapangilabot na tili ng babae at fog effect, napakabaho ng amoy bulok na daga. Sa paglalakad nila, ginulat sila ng isang lalaking tumatawa na may hawak na taga at lumapit sa kanila.
"Catherine, tingnan mo na nga 'yung nasa papel, para matapos natin agad," utos ni Queenee at niyugyog pa si Catherine.
"Okay," sagot ni Catherine at binuksan ang sobreng hawak. "Complete the internal organ of the man who can't be moved."
"Ano raw? Title ng kanta 'yan ah?" sabi ni Queenee at napatawa.
"Hayaan mo na... The man who can't be moved? Anong ibig-sabihin no'n?" tanong ni Vanessa.
"Guys, baka ito 'yun?" tannng ni Lucy at itinuturo ang lalaking nakahandusay sa lapag at wala nang buhay. Iniangat nila ito at agad na binitawan. Wala nang tiyan ang lalaking 'yon, may artifical ding alupihan at bulati na nagsilabasan sa katawan ng lalaki.
"Ahh! Ayoko na rito, lalabas na 'ko," sigaw ni Crissa at napatakbo sa pintuan kung saang sila pumasok pero nakalock na ito. "It's locked!"
"Bilisan na natin, lumalamig na," sabi ni Vanessa at nagsimula nang kumilos. "Sa'n natin makikita 'yung mga internal organs?"
"Dito o, kadiri," sabi ni Catherine at nandidiring hinawakan ang mga putol na katawan. Nagsimula na sila sa paghanap ng mga internal organs, at inilalagay ang mga ito sa tiyan ng lalaking humahabol sa kanila. May mga nagbabagsakan ding mga body parts kaya nagtititili ang mga babae. May mga gumagala-gala ring nananakot sa
"Aahhh!" tili ni Lucy nang biglang gumalaw ang nahawakan niya paa. "O, tapos na, ano nang gagawin?" tanong pa nito nang mailagay na ang liver.Nagbukas ang isang pinto at agad namang pumasok ang lima at may nakitang papel na naglalaman ng next task.
"Eat all of me before I eat all of you." Basa muli ni Catherine. "Napakahilig sa kanta ng Section A."
"Anong ibig-sabihin niyan? Kakain tayo?" tanong naman ni Crissa. Bigla namang may duguang lalaking may apron ang pumasok at may dalang cart na may tatlong container. Pagkabukas nito, may laman itong dinuguan, steamed na utak ng baboy, at sweet and sour na bituka ng manok.
"Yuck!" sigaw ni Lucy na parang nasusuka pa. Tumawa muna nang nakakatakot ang lalaking may dala ng cart bago umalis.
"Tulungan n'yo ko!" sigaw ulit ni Ledda kaya naman nagulat ang mga babae.
"Simulan na natin 'to nang matapos na," sabi naman ni Vanessa at nagsimula nang kainin ang dinuguan.
"Kadiri talaga," sabi pa ni Crissa habang kinukuha ang sweet and sour na isaw.
Habang kumakain sila ay may biglang nagwawalang mga tao na duguan at nasa loob ng rehas ang narinig nila. "Umalis na kayo rito, papatayin nila kayo!" sigaw ni Jameson na nakasuot ng wasak na damit at kinakalampag ang rehas.
Lalo pang nakakapagsuka ang mga nakasabit na katawan ng tao sa paligid nila. Bigla namang may lumabas na babaeng may dalang clever at pumunta sa harapan nila Catherine. Duguan ang damit at apron nito. Nilapag nito ang dalang laman-loob at sinimula itong chop-chopin habang tumatawa nang malakas.
Hindi na kinaya ni Catherine kaya napasuka na siya. Pagkaubos nila ng dinuguan ay may nakita silang nakasulat sa plato. "This way 'SHORTCUT TO HELL', Help Carmela to Escape" basa ni Vanessa at tiningnan kung saan nakaturo ang arow. Lumakad naman sila agad sa maliit na daanan. Habang naglalakad sila ay hinahablot ang mga damit nila ng mga nakakulong na tao. Pagkapasok nila sa loob, agad nilang nakita ang babaeng nasakulungan at kinakalampag pa ito, si Ledda na gumaganap na Carmela. Sa tabi nito ay may butcher na nagtatadtad ng mga karne at tumutulo pa ang laway. May kawaling malaki rin na may artificial na apoy at may taong nakahiga. "Tulungan ninyo 'ko!" sigaw ulit ni Ledda.
"Ano nang gagawin?" tanong ni Queenee.
"May kandado, baka may susi kung saan?" sabi naman ni Crissa.
"Hanapin na natin," pag-aaya naman ni Vanessa. Hanggang sa nakita niya ang isang lamesa na may dilaw na ilaw. May nakasulat sa pader gamit ang dugo at binasa niya ito, "fixing a broken body? Guy's bubuuin yata natin 'yung katawan dito. May ulo na o," sabi niya naman sa lahat kaya nagsimula na silang magbuo sa katawan.
Habang nagbubuo sila ng katawan ay may humahawak sa paa at braso nila, may tumitili at tumatawa nang nakakatakot. Pagkatapos nilang buoin ang katawan ay bigla namang tumili ang pugot na ulo na ikinagulat din nila. Biglang napagtingin sa kanila ang butcher at lumapit sa kanila.
"Nando'n 'yung susi sa hinihiwa niya!" sigaw ni Ledda kaya naman patakbong lumapit si Lucy at hinanap ang susi. Nandidiri siyang kinapa-kapa ito sa malagkit na likido na may mga laman loob pa.
Nagulat ang lahat nang biglang tumunog ang wangwang, hudyat na tapos na ang oras. May limang duguang lalaki na pumasok sa loob at dinala palabas sila Catherine.
"You failed to help Carmela to escape," bungad sa kanila ni Keith pagkalabas nila.
Napatawa na lang ang limang pawisang babae at napa-apir sa isa't isa. Nagselfie muna sila sa harap ng booth bago umalis.
**********
BINABASA MO ANG
13th Soul
Mystery / ThrillerCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa