**********
CHAPTER 14: She is SuspiciousMaagang bumangon sa kama si Margaux. Sa katunayan hindi naman siya gaanong nakatulog sa kakaisip tungkol sa narinig niya kahapon. Isang malaking katanungan ang naglalaro sa isip niya kung anong ibig-sabihin noon. Kung ano ang sikreto na tinatago ni Sophie.
Isa pa sa nakapag-papuyat sa kanya ay ang pag-iisip tungkol naman sa announcement ni Dessa sa buong klase kahapon na kilala na nito ang killer. After that big announcement, there was a news na nagsasabing nagkarumble raw sa loob ng cafeteria at si Dessa ay nabugbog ng mga grade ten students. What in a world just happened?
Matapos magbihis ng uniporme ay isinuot niya na ang jacket niya dahil malamig na ang klima. Kinuha na rin niya ang bag niya at lumabas na. Habang papunta siya sa class room nila, nakita niya sina Raquel at Ledda na naglalakad sa unahan niya.
Isang metro lamang ang layo nila kay Margaux kaya naman naririnig niya ang usapan ng dalawa.
"Hay naku, deserve niya 'yon. Nakakairita nga siya eh," ani Rachel.
Tumango lamang si Ledda. "I bet she's dead meat now. Sa dami ba namang may galit sa kanya dahil sa pambubully niya eh."
"I know. Buti na lang ako. Hindi mangyayari sa'kin ang mga 'yon. Mahal ako ng mga Kryptonians."
Napangiwi naman si Margaux sa narinig. Napakataas ng kumpyansa sa sarili ni Raquel, hindi niya alam ay marami na ring naiinis sa kanya. Ganoon siguro talaga ang mga tao, akala natin tama ang ginagawa natin. Para sa'tin wala naman tayong ginagawang masama, kasi nakasanayan na natin 'yon. Pero mali na pala 'yon sa mata ng iba.
Sinusandan lang ni Margaux ang mga paa niyang naglalakad papunta sa klase nang makarinig siya ng matinis na sigaw. Agad siyang napa tingala at tumakbo patungo sa classroom nila kung saan galing ang sigaw. Pagkapasok ni Margaux, nakita niya agad ang bangkay ni Dessa na nasa gitna ng class room.
Nakatayo sa tapat nito ang dalawang dalaga na sina Raquel at Ledda na parehong nakatakip ang bibig. Mabilis na tumakbo papalabas si Raquel at natulak pa nito ang nakatayong si Margaux makalabas lamang ng klase. Pagkalabas ay nagsuka ito dahil sa sobrang pandidiri.
Nasa gilid ng class room ang lahat ng upuan at tanging ang kinauupuan lang ni Dessa ang nasa gitna. Nakatahi ng alambre ang bibig at ang mga mata nito. Nakagapos din ito sa upuan gamit ang barb wire. Nakaukit ang number 7 sa noo nito at tabingi na rin ang kanyang ulo at ang balikat. Kapansin pansin din ang nakaukit na 'LOSER' sa kanyang braso. Wala na ring mga kuko sa daliri si Dessa. At sa desk ng upuan, nakapatong ang itim na rosas. May mga dugo ring nagtalsikan sa sahig ng class room.
"A-anong nangyari?" halos hindi makalanghap ng hangin si Francheska dahil sa takot na bumalot sa buong pagkatao niya. Agad nitong nilapitan ang kaibigan ngunit mabilis din siyang sinigawan ni Margaux.
"Francheska, 'wag!" Napatigil si Francheska at nilingon si Margaux na may nagluluhang mga mata. "Kapag hinawakan mo siya, magkakaroon ka ng fingerprints, baka magalaw mo rin ang mga bagay na pwedeng maging ebidensya. at kapag nakita dyan ang fingerprints mo, baka maging suspect ka."
Hindi mawari ang ekspresyon ng mukha ni Franchesca, hindi nito alam ang gagawin dahil hindi man lang nito naproteksyunan ang kaibigan. Nangako itong babalikan si Dessa ngunit hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na mabalikan. Napaupo na lang sa sahig ang dalaga habang hagulgol na umiiyak.
Nagsimula na ring magsidatingan ang mga kaklase nila at lahat ay gulat na gulat sa nadatnan. Si Mrs. Quevas naman ay napaluha at napadasal pa. Nakakabigla talaga ang biglaang pagkamatay ni Dessa. Naging usapan sa buong klase na may kinalaman ang inanunsyo ni Dessa kahapon patungkol sa nalalaman nito. Na kilala na nito ang murderer. Baka nga kilala na talaga ni Dessa ang killer at dahil ipinaalam nito sa lahat ay nagalit ang killer.
BINABASA MO ANG
13th Soul
Misteri / ThrillerCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa