CHAPTER 23: Traitor

410 21 6
                                    

**********
CHAPTER 23: Traitor

Mag-isang naglalakad si Margaux sa kusina ng bahay nila para kumuha ng tubig, napakadilim kaya kinapa-kapa niya ang switch ng ilaw. Napalingo siya nang may mapansin siyang kakaiba sa labas ng bahay nila. Agad siyang lumabas para silipin ito, "Dad?" Pero walang sumagot. Bigla siyang nakaramdam ng kaba kaya nagdesisyon siyang pumasok na sa loob ng bahay nila.

Nanindig ang mga balahibo ni Margaux nang makarinig siya ng isang nakakapangilabot na tawa.

Binilisan na lang niya ang paglalakad dahil sa takot, hanggang sa mapahinto siya dahil may naramdaman siyang malamig na kamay na humihipo sa kanya. Mula sa braso niya ay umaakyat ang malamig na kamay sa kanyang balikat, leeg, hanggang sa kanyang tainga. Umaandar ang malalamig na daliri nito patungo sa kanyang mukha. Marahas na hinila ng mga malalamig na kamay ang mukha ni Margaux patungo sa dilim.

Ginustong sumigaw ni Margaux ngunit walang tinig na lumabas mula sa kanyang bibig. Ibinagsak siya ng mga kamay sa sahig. Agad naman napabangon si Margaux at tumakbo nang mabilis.

Narinig muli ni Margaux ang tawa ng nakakagimbal na tawa ng isang babae mula sa likuran niya. Tawang nakakaakit, tawa na tumatawag sa kanya. Hindi niya napigilang hanapin ang pinag-mulan ng tawa na iyon. Pagkalingon niya, isang babaeng nakaputing pantulog na tulad ng suot niya ang nakaupo sa isang kahoy na upuan. Nakagapos ito at may nakataklob na sako sa ulo. Dilaw na ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag sa babaeng nakaupo.

Lalapitan na sana ito ni Margaux, ngunit may biglang babaeng may hawak ng kutsilyo ang lumapit dito. Napatigil si Margaux para kilalanin ang mukha ng babaeng may kapareha rin nilang suot, pero hindi niya ito maaninag. May madilim na bagay na humaharang sa mukha ng babae. Tinanggal nito ang sakong nakataklob sa ulo ng babaeng nakaupo at nalantad ang mukha nito, si Valerie, umiiyak si Valerie.

Itunutok ng misteryosong babae ang kutsilyo nito sa mukha ni Valerie at tumawa nang nakakatakot.

Pinipilit na sumigaw ni Valerie ngunit may tela ang bibig nito. Hiniwa ng babaeng may madilim na mukha ang itim na telang nasa bibig ni Valerie.

"Akala ko kaibigan kita, pero hindi. Traydor ka!" sigaw muli ni Valerie at patuloy na umiyak.

"Manahimik ka!" sigaw din ng babae at hiniwa nang marahas ang pisngi ni Valerie. Tumalsik ang dugo ni Valerie sa damit nitong puti. Umagos din ang dugo nito sa kanyang pisngi patungo sa leeg at katawan niya.

Humagulgol ito sa iyak.  Ito lang ang tanging ingay na bumabalot sa lugar. Ingay na unti-unting nawala. Natahimik si Valerie at yumuko.

Rinig na rinig ni Margaux ang malalim na paghinga ni Valerie. Awang-awa siya sa kaibigan niya, gusto niya itong tulungan pero hindi niya kaya. Nakabantay ang babaeng sumaksak kay Valerie.

"Traydor ka... Traydor ka..." Paulit-ulit na bulong ni Valerie. Sandaling natahimik ang paligid, umalis na rin ang babaeng nagbabantay kay Valerie kaya maaari nang lumapit si Margaux pero napahinto siya.

Biglang tumingin sa kanya si Valerie at sumigaw nang malakas, "Traydor ka!" Nagmistulan itong malakas na puwersang nagtulak kay Margaux palayo.

...

"Margaux, gising!" Napabalikwas pabangon si Margaux nang sunod-sunod siyang yugyugin ni Kristine, ang nakakatandang kapatid niya. "Binabangungot ka yata?" nag-aalalang tanong nito.

"Ayos lang ako, salamat," sagot niya at umayos ng upo. Tumingin siya sa labas ng sasakyan nila, malayo pa ang biyahe papuntang Batangas.

Isang linggo bago ang Pasko ay nagpunta na sila sa isang Beach Resort sa Batangas para magdaos ng Pasko. Kasama niya ang Daddy niya na si Rouwel, ang Step Mom niya na si Ginna, at ang Step sister niya na si Kristine. Nang makilala ng Daddy niya si Ginna, may anak na ito, si Kristine na isang Photographer. Limang taon ang tanda nila pero sobrang lapit nila sa isa't isa na parang tunay na magkapatid. Nagtuturingan silang apat na parang magkadugo talaga.

13th SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon