**********
CHAPTER 7: Sophie"And she arrived. Akala mo kung sinong transferee na tahimik, may itinatago rin pa lang kalandian," bungad ni Dessa.
Napatahimik na lang si Margaux at dumeretso sa upuan niya. Nag-iba na ang ugali ni Dessa, o dati pang ganoon si Dessa? Naging napakapranka nito kay Margaux at sa iba pa. Class president kaya may authoritative na ugali na talagang mapapatiklop ang makakaranas kung hindi sanay--- tulad ni Margaux.
"Margaux?" Napatingala si Margaux nang marinig niya ang boses ni Sophie. Nakangiti ito at may inabot sa kanyang mga papel. "Ito 'yung copies ng mga notes ko kanina sa math, pina-photo copy ko para sa'yo at kay Valerie. Pinaalam ko na rin kay Mr. Limuel na nasa clinic kayo," nakangiti nitong sabi.
Tinanggap naman ni Margaux ang mga papel na binigay ni Sophie. "Salamat a, napakabait mo talaga."
"Wala 'yon, tulong ko lang 'yan kasi alam kong nasa clinic kayo," nakangiti nitong sabi.
Si Sophie ang pinakamabait sa klase, maamo ang mukha at mahinhin. Nakakapagtakang walang nakikita si Margaux na lumalapit sa dalaga at nakikipagkaibigan. Pero pagdating sa klase, napakabagsik nito, sobrang talino dahil si Sophie ang top 1 at running for Valedictorian ngunit dahil kay Ms. Garicia, maari rin itong maalis sa ranking.
"Pabayaan mo na si Dessa, pranka talaga 'yang tao. Kung iintindihin mo ang lahat ng sinasabi niya, mapapraning ka lang," pagsisimula ng kwento ni Sophie. Inilapit nito ang isang arm desk sa upuan ni Margaux.
"Pansin ko nga, dati pa naman siya ganyan e, medyo mild nga lang noon. Nasampolan nga ako nung first day ko. Pero ngayon, nagimprove na, naging wild," bulong naman ni Margaux at napasulyap sa puwesto ni Dessa.
"Margaux?"
"Bakit?" tanong niya kay Sophie at lumingon dito.
Nagdalawang isip pa si Sophie kung magsasalita ito. Pero sa huli ay pinili nito ang dapat gawin. "Can we be friends?" ngumiti ito at hinawakan ang kamay ni Margaux.
"Oo naman," sagot ni Margaux at ngumiti rin.
Maaga raw nagpadismiss si Mr. Limuel dahil may meeting ang Math Department. Mannerism na ni Sophie ang paghawi ng kanyang buhok patungo sa likod ng kanyang tenga kaya naman napapatingin lagi si Margaux sa bracelet nito.
"Ang ganda naman ng bracelet mo Sophie, may letter 'S' pa talaga," natutuwang sabi ni Margaux habang nakatingin sa porselas ni Sophie.
It was made from gold and the 'S' pendant was glittering because of real diamonds. Sobrang eleganteng tingan nito na ebidensya lang na mayaman ang pamilyang kinabibilangan ni Sophie.
"Ah, bigay 'to sa akin ng Daddy ko," sagot naman ni Sophie at ngumiti.
Nagpatuloy sila sa pagkwe-kwentuhan. Natutuwa si Margaux sa nagiging usapan nila. At sa isip-isip niya ay napakabait ng magulang ni Sophie dahil napalaki nila nang maayos ang mala-anghel na dalaga.
Marami pa silang napag-usapan hanggang dumating ang teacher nila. Nagkaroon lang sila ng quiz sa dalawang subject at nagdismiss na ito. Nagbihis na ang lahat para sa susunod nilang subject, Physical Education.
Pumasok na ang teacher nila sa P.E. na si Mr. Guiner. "Class, good news, puwede na raw nating gamitin ang gym. Makakapagswimming na tayo!" masayang pag-aannounce nito sa buong klase.
Natuwa naman ang lahat puwera lang kay Margaux, tinanong siya ni Sophie kung bakit pero umiling lang si Margaux. Sinabi ni Mr. Guiner na kuhanin na nila ang lahat ng gamit nila at pumunta na sila sa Gym. Sinunod naman nila ang utos ng guro at sabay-sabay silang nagtungo roon. Everyones chatting their excitment for their ativity.
BINABASA MO ANG
13th Soul
Mystery / ThrillerCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa