May loveteam, labag 'to sa loob ko. Hahahah. Pero sabi nga, we found love in a hopeless place. Anong connect? Hahahaha.
**********
CHAPTER 11: ShameNaisip naman agad ni Margaux na tama nga si Keith. Hopelessly ay hinarap niya na 'to at nagtanong, "ano ba kasing gagawin natin dito?"
Biglang pumasok sa isip ng dala ang sinabi ni Valerie. That Keith was still one of the students of Section A, he could also be the one. Having that thought on her mind she calmed herself.
"Gagawin natin? Iba ka rin talaga Margaux. Minsan naiisip ko na, baka gusto mo rin talaga," mapanlinlang na sagot ng binata.
Napataas naman ang kilay ni Margaux at agad na nagsalita, "ewan ko sa'yo. Paalisin mo na nga 'ko. Kung magtititigan lang tayo dito hanggang mamaya e, aalis na lang ako!"
"Kalma, ikaw naman, masyado kang excited. Masyado kang tense, wala pa 'kong ginagawa sa'yo. Paano kaya kapag sinimulan ko na?" tanong ni Kieth at marahang naglakad papalapit kay Margaux na pilit itinatago ang takot.
Lumayo naman agad ang dalaga, umalis sa nauna niyang puwesto at siniksik ang sarili sa sulok ng kuwarto. Halo-halong emosyon ang namumutawi sa isip ng dalaga. Takot, kaba, at galit.
"Ano ba kasing gagawin mo sa'kin?"
"Anong gagawin ko sa'yo? Baka anong gagawin mo para sa'kin?" Ngumiti ito nang nakakapangilabot.
Napakunot naman ang noo ni Margaux. Walang ideya ang pumapasok sa isip niya kung ano ang gagawin ni Kieth sa kanya. Sino ba naman ang makakapag-isip nang maayos kung tanging nasa isip ng dalaga ay baka ito na ang huli niyang araw. Baka tama nga ang hula ni Margaux, na si Kieth ang pumapatay.
"Simple lang naman," sabi ni Keith at lumapit kay Margaux. "Kailangan mo lang sundin ang sasabihin ko," dugtong pa nito at nagsimula nang tanggalin ang butones ng polo nito. Habang papalapit ito kay Margaux ay unti-unti nang lumalabas ang katawan nito.
Napalunok ang dalaga at muling napatakbo sa pintuan at pinagkakakalabog ito sa takot na baka magahasa lang siya ng binata. Nagsusumigaw na rin siya at humihingi ng tulong pero parang walang nakakarinig sa kanya.
"Bakit ba takot na takot ka?"
Napasigaw si Margaux nang hawakan ni Kieth ang magkabilang balikat nang dalaga. Dahil dito ay hinarap ito ni Margaux at napasigaw sa takot. Ayaw niya pang mamatay.
Napahinto si Margaux nang makaharap ang binata. Kitang kita niya ang magandang pagkakahubog ng katawan ni Keith lalo na sa 6 pack abs nito. Lalong nagalit ang dalaga kaya buong lakas niyang sinuntok ang binata.
"Aray! Ang lakas mo namang sumuntok. Saang bundok ka ba galing?"
Hindi pinansin ni Margaux ang tanong sa kanya at hinarap muli ang pinto at hinawakan ang padlock na naroon. Kung wala lang itong padlock ay siguradong kanina pa siya nakatakbo. Dahil sa hindi na alam ng dalaga ang gagawin ay napaupo na lang siya at napaiyak.
Sinong hindi mapapaiyak kung may kasiguraduhan na ang biglaang kamatayang nakahain sa kung sino man?
"Anong iniiyak mo dyan?"
Napahinga nang malalim si Margaux. "Ayaw ko pang mamatay. Please, pakawalan mo na 'ko."
"Hala, sinong may sabing mamamatay ka?"
"Hindi mo nga sinabi, gagawin mo naman," puno ng galit na sabi ng dalaga at napapunas ng luha.
"Ako? Wow, wow lang. Anong kala mo sa'kin, mamamatay tao?"
BINABASA MO ANG
13th Soul
Mystery / ThrillerCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa