EPILOGUE: Life after Death

387 26 12
                                    

**********
EPILOGUE: Life after Death

"Gusto mong ingudngod kita sa inidoro?" madiin na pagbabanta si Ynes kay Jennifer na nagmamasahe sa dito. "Gamitin mo kasi 'yang kokote mo. Kabago-bago mo pa lang nagpapakita ka na ng katamaran. Hindi 'yan pwede rito!" sigaw pa nito at dinuro nang madiin ang noo ng kaawaawang si Jennifer.

Napayuko naman si Jeniffer. "Pasensya na po," tangi niyang sagot kaya nakatanggap muli ng malutong na sampal mula sa mayora ng seldang kinalalagyan.

"Wala kang kwenta, lumayas ka sa harapan ko," gigil na sabi ni Ynes at sinipa ang dalaga sa tyan. "Margaux!"

Mula sa mabahong banyo ay rinig na rinig ni Margaux ang umaalingaw na boses ng malaki niyang bangunot. Napahagod siya sa tumutulong pawis sa noo at napatayo. "Ano po 'yon?"

"Tara nga dito, masahiin mo nga 'tong likod ko," utos nito.

"Sandali lang po," sagot ni Margaux at ibinaba ang brush na ginagamit panglinis ng nanggigitatang banyo.

"Biliaan mo!"

Agad namang naalarma si Margaux kaya nagmadali ito sa paglapit kay Ynes na pinapaypayan pa ng ibang mga babaeng nakakulong doon. "Ayan na ang prinsesa," kumento naman ni Sonya, ang kanang kamay ni Ynes.

"Ayusin mo na ah? Pangawalang linggo mo na dito. Dapat sanay ka na," paalala naman ni Ynes at napatingin sa gasa na nasa ulo ni Margaux. 'Tanggalin mo nga 'yang benda sa ulo mo. Naaalibadbaran ako eh."

"May sugat pa po kasi," paliwanag ni Margaux at napahawak sa ulo niya.

Marahas naman itong tinanggal ni Ynes na ikinagulat ni Margaux. "Umayos ka, hindi ka prinsesa dito kaya wala kang dapat iangal sa'kin. Maliwanag ba?"

Tumango-tango na lang si Margaux.

"Hilot na."

"Ingat ka dyan Madam," singit naman ni Sonya. "Baka nakakalimutan mong labintatlong katao ang napatay niya sa dati niyang paaralan. Sige ka," paalala nito.

Napangisi si Ynes. "Hindi ko makakalimutan 'yon. Grabe ano? Ang bata-bata pa napakadami nang napatay. Subukan niya lang akong galawin, makikita niya hinahanao niya."

Tumahimik na lamang si Margaux at nagpatuloy sa pagmamasahe sa likod ng matabang mayora ng kanilang selda. Habang nagmamasahe ay hindi naman niya maiwasang balikan kung anong nangyari noon sa kanya dahilan para bumagsak siya sa mabaho, marumi at masikip na seldang ito.

Matapos niyang ukitan ng numering trese ang noo ni Valerie ay nagimbal na lang siya nang makita si Gabby na nakatayo sa tapat ng maliit na kuwartong ki alalagyan nila. Nagsisisigaw ito at para humingi ng tulong. Nagsidatingan ang mga guwardya ng Kryptos at kasunod ang mga pulis para imbestigahan ang nangyari.

Dahil si Gabby ang nakakita sa aktong pagpatay ay kinuha ng mga pulis ang testimonya nito. Pilit nitong sinasabi na si Margaux ang pumatay kay Valerie, na hindi naman itinanggi ng dalaga. Nagsimulang tumaas ang posibilidad na si Margaux nga ang may gawa ng mga pagpatay sa iba pang biktima dahil sa paraan nito ng paglalagay ng numero sa noo ng nabibiktima.

Nagbigay rin ng testimonya ang guwardyang minsan na napagsumbungan ni Margaux. At sinabi nitong itinuro ng dalaga si Valerie na siya raw maykagagawan ng lahat. Sinabi ng mga pulis na pilit na binaliktad ni Margaux ang sitwasyon upang maitago ang mga ginagawa niya.

13th SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon