**********
CHAPTER 26: Back to School; Back to Hell"Excited?" tanong ni Keith kay Margaux habang nasa loob ng sasakyan.
Tapos na ang Christmas break at back to school na. Si Keith ang nagda-drive ng sasakyan habang si Margaux naman ay nasa passenger seat. Gamit ang pangalawang sasakyan ni Keith ay pabalik na sila sa Kryptos Academy.
Tumango lang si Margaux bilang sagot. Sa totoo lang, hindi niya ramdam ang pagbalik sa eskwelahan nila. Pinipilit niyang magmukhang matapang pero sa loob-loob niya ay natatakot na siya. Natatakot siyang baka makaharap niya na ang malaking bangungot niya dahil sa mga nangyayari sa kanya nitong mga nakaraang araw.
No'ng una, may nag-iiwan ng mga pulang kahon na may kung anu-anong laman. Putol-putol na katawan ng manyika na may sariwang dugo, mga patay na daga, o kung ano mang hayop. Inireklamo na nila ito sa management ng hotel. Nang tiningnan ang unang CCTV footage, napag-alamang sira pala ito. Ang pangalawang footage nama'y naglabas ng isang lalaking naka-casual at cap lang ang may bitbit ng pulang kahon at naglagay sa tapat ng kuwarto nila Margaux, pero hindi makilala ang lalaki dahil sa cap at shades nito. Lumipat na rin sila ng ibang hotel pero patuloy pa ring nakakatanggap si Margaux ng pulang kahon. Maging sa cellphone ay nakakatanggap siya ng death treath mula sa iba't ibang numbers.
"I will kill you."
"You can't run away from me."
"Death."
"You'll regret all of this."
"I'm your biggest nightmare."
"Let's play in Hell."
"See you in school."
"I'm watching you."
Halos natatakot na si Margaux na lumabas. Lalo na ang pamilya niya para sa kaligtasan niya. Hindi na sana muna siya papayagang pumasok, pero nagpumilit siya, tatlong buwan na lang naman at makakagraduate na sila. Napilit naman din ang magulang niya dahil ipinangako ni Keith na babantayan nito si Margaux sa abot ng kanyang makakaya.
Lumingon sandali si Keith kay Margaux at hinawakan ang kamay niya. "Nandito lang ako, hindi kita papabayaan."
"Salamat," sagot naman ni Margaux at pinatong ang kamay sa kamay ni Keith.
"O, smile na. Nakakapanibago kapag malungkot ka e," nakangiting sabi ni Keith. Ngumiti naman si Margaux at binalik ang tingin sa mga puno sa daanan.
Nadaanan na nila ang arch ng Kryptos High, sandali na lang ay makakarating na sila sa Kryptos Academy. "Malapit na tayo," sabi ni Keith at pinagpatuloy ang pagdadrive.
Pinark ni Keith ang sasakyang dala sa parking lot ng school. Agad itong lumabas para pagbuksan ng pintuan si Margaux. Pagkalabas ni Margaux, napatingin agad siya sa arch ng school nila. Kaunting estudyante pa lang ang nagsisidatingan mula sa Christmas vacation nila.
Pumunta agad siya sa likuran ng sasakyan para kuhanin ang mga gamit niya.
Agad naman siyang pinigilan ni Keith. "O-o-oh!" sigaw nito kaya naman napatingin sa kanya si Margaux. "Anong gagawin mo?"
"Kukunin po 'yung mga gamit ko," sagot ni Margaux at hinawakan ulit ang bag niya.
"Stop!" sigaw ulit ni Keith at hinawakan ang mga bags ni Margaux. "Ako nang magbubuhat," sabi nito at inangat na ang mga gamit ni Margaux.
"Sigurado ka? Ang bigat na ng dala mo niyan."
"Ako pa? Kaya ko 'yan, gusto mo sumabit ka pa rito sa muscles ko e," pagmamayabang ni Keith at pinatigas pa ang muscles sa braso tsaka tumitig kay Margaux.
BINABASA MO ANG
13th Soul
Misteri / ThrillerCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa