**********
CHAPTER 22: ConfessionBitbit ang isang bag at isang maliit na maleta ay lumabas na si Margaux ng kuwarto nila ni MJ. Habang naglalakad ay hindi maiwasang sumulyap ni Margaux sa kuwarto ni Sophie dahil sa natuklasan noong isang araw.
Masyado siyang naapektuhan sa nakita kaya halos hindi niya na makompronta si Sophie. Hindi na rin siya makahugot ng lakas para sabihin dito ang nalalaman niya. Siyam na pu't limang pursyento na sigurado na siyang may kinalaman si Sophie sa lahat ng ito. Kailangan niya lang ng tyempo, kailangan ng tamang pagkakataon para makapag-usap sila.
Habang naglalakad ay umalingaw-ngaw ang sigaw ng isang babae nang may bangkay na bumagsak mula sa itaas. Mabilis na tumakbo si Margaux papunta sa pinagbaksakan ng katawan at kinilala kung sino ito. Napatakip ng bibig si Margaux sa nakita. Si Jameson na wala nang mga mata. Dahil sa malakas na pagbagsak nito ay umagos ang dugo ng binata sa sahig. May nakaukit ding number 11 sa noo nito. Isang itim na rosas pa ang bumagsak mula sa taas. May papel pa itong kasama kaya naglakas loob si Margaux na basahin ito. "The missing part of him is the 6th but 9th in the group?"
"Akala ko nahuli na ang murderer?" tanong ng isang babae.
"Maybe he's back."
Napatingin si Margaux sa taas kung saan bumagsak ang katawan ni Jameson. Nakita niya na maaaring nagmula ang bangkay sa rooftop ng science building. May napansin din siyang tao na dumungaw doon, pwedeng may kinalaman 'yon sa nangyari kay Jameson.
Sinubukan niyang puntahan ang rooftop ng science building pero siksikan na ang mga taong nakikiusisa sa katawan ni Jameson kaya naman medyo nahirapan siyang dumaan. Nang makalabas ang crowd, agad niyang itinabi ang gamit niya at nagmadali siyang tumakbo paakyat sa rooftop ngunit nabigo siya, wala na ang taong naaninag niya kani-kanina lang. Pero mula sa malayo ay may nakita siyang bagay na kumikinang, nilapitan niya ito at kinuha.
Isang bracelet. Kinuha niya ito nang may panyo aa kamay at inusisa ang porselas. "Kay Sophie 'to a?" sabi niya at inalala ang hawak na bracelet. May pendant itong 'S' at ito ang bracelet na laging suot ni Sophie. May kaunti itong dugo na sa tingin ni Margaux ay galing kay Jameson.
Bakit nandito 'to?
Agad siyang bumaba at patakbong nagpunta sa kuwarto ni Sophie. Nakabukas ang pintuan ng room ni Sophie kaya nakapasok agad si Margaux.
"Nasa'n na ba 'yun?" sabi ni Sophie na parang may hinahanap sa mga gamit niya. Pawisan din ito at hinihingal pa.
Napalunok si Margaux at inangat at bracelet na nakita niya sa rooftop "Ito ba ang hinahanap mo?"
Napatigil naman sa paghahanap si Sophie at dahan-dahang lumingon kay Margaux. Nang makita nito ang bracelle ay agad itong lumapit kay Margaux at binalak na agawin ang porselas. Pero agad itong nailayo ni Margaux at itinago sa likuran niya.
"Bakit na sa'yo 'yan?" tanong ni Sophie.
"Napulot ko, sa'yo ba 'to Sophie?" paglilinaw ni Margaux at hinigpitan ang hawak sa porselas.
"Oo, ibalik mo nga sa'kin 'yan!" sigaw ni Sophie. Napaatras si Margaux dahil sa gulat. Unang beses kasing sumigaw nang gano'n si Sophie sa kanya.
"Alam mo ba kung sa'n ko 'to nakita?" tanong ni Margaux. "Sa rooftop ng science building, kung saan pwedeng nagmula ang bangkay ni Jameson."
"Bangkay ni Jameson? Pa-patay na siya?" gulat na tanong ni Sophie.
Tinitigan lang ito ni Margaux habang nakahalukipkip.
"A-ano'ng gusto mong palabasin ha? Na may kinalaman ako sa pagpatay kay Jameson? Iyan ba ang iniisip mo? Ako ang inabuso niya. Dapat lang sa kanya 'yon. Kulang pa ang pagkawala ng mga mata niya sa ginawa niya sa'kin." Sunod-sunod na pagdipensa ni Sophie sa sarili.
BINABASA MO ANG
13th Soul
Mystery / ThrillerCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa