**********
CHAPTER 19: It's nearly HallowDahil isang linggo na lang ay Halloween na, abala na ang lahat ng grade 12 students sa gagawin nila para icelebrate ito. Taun-taon kasing isinicelebrate ang Halloween sa Kryptos Academy sa paraan ng pagsusuot ng Halloween costumes, paglalagay ng horror houses, trick or treat, games, ghost hunting at iba pa.
Nasa loob ng class room ang section A at pinag-uusapan ang gagawin sa Halloween. Ilang linggo na rin mula nang mamatay si Jacob at hindi na nakakakitaan ang mga estudyante ng lungkot. Sa katunayan nga, si Raquel lang at si Sophie ang naapektuhan sa nangyari, pero madali lang naman 'yong lumipas. Nasa class room din ang teacher nila sa P.E. na si Mr. Guiner na magiging adviser nila sa ganitong gawain.
"Class, sa inyo ko na ibibigay ang pagpili kung ano ba ang gusto ninyo, kung horror house ba? Halloween program? Trick or treat? Or Halloween costume party? Anything you want," sabi ni Mr. Gunier sa buong klase.
Nagsimulang magtaas ng kamay si Ronrick at nagsalita, "trick or treat na lang, para mas madali."
"Trick or treat? Duh, ayokong nanghihingi. Costume party na lang kaya?" sagot naman ni Wendy.
"Yeah, costume party na lang, mas masaya 'yun!" tuwang-tuwang pagsang-ayon ni Angelu na napatayo pa mula sa pagkakaupo.
Napailing si Keith. "Tss, costume party? Para sa mga bata lang 'yun. Palibhasa mga isip bata," bulong naman nito na narinig ni Wendy kaya tumayo ito.
"Pambata? Hindi kaya, ang gawin kasi natin ay 'yung parang totoo. 'Yung may totoong dugo, totoong saksak ng kutsilyo, totoong bangkay. Ang ganda kaya no'n, hahaha," paliwanag ni Wendy at tumawa pa nang mahina.
Nagkaroon ng kaunting bulungan sa class room. Kahit si Mr. Gunier ay napapailing sa mga naririnig nito. Hanggang sa nakita niyang nakataas ang kamay ni Sophie, ang newly elected president.
"Yes Sophie, may gusto kang isuggest?" tanong ni Mr. Guiner at tinuro si Sophie.
Natahimik ang buong klase dahil sa pagtayo ni Sophie. Maayos naman na ang pakiramdam ni Sophie, bumalik na rin siya sa pagiging sweet gaya nang dati na para bang walang nangyari. "Guys, bakit kaya hindi na lang horror house ang gawin natin? Puwedeng do'n natin gawin sa may Filipino building dahil may tatlong rooms doon na magkakadugtong," nakangiting sabi nito na para bang hinihikayat ang lahat.
"Puwede rin," pagsang-ayon ng guro. "Okay na ba sa inyong lahat ang horror house?" tanong pa nito sa lahat. Mukhang sang-ayon naman silang lahat dahil tahimk lang sila at tumatango pa, maliban kay Raquel na nagtaas din ng kamay.
"Yes Raquel?" tanong ni Mr. Guiner.
Tumayo ito at napahalukipkip. "Sir, masyado nang tipikal ang horror house. Kung simple lang ang gagawin natin at walang thrill, baka ipagpalit tayo sa iba," maarteng sabi niya at tumingin pa kay Sophie na pinaparinggan niya. "Masyadong boring kapag simpleng horror house," dugtong pa nito habang winewave pa ang mga kamay.
"So, do you have any suggestion Raquel?" tanong ng guro.
"Kung horror house lang din ang gagawin, bakit hindi natin lagyan ng extra challenge? 'Yung tipong papasok sila sa isang room na parang horror house, and at the same time, may task silang gagawin. Gano'n, ang unique 'di ba? Parang ako, hindi katulad ng iba, bo-ring," sagot naman ni Raquel at umupo na, pinalakpakan naman siya ni Ledda na katabi lang niya.
"Yes, maganda nga 'yang naisip mo Raquel. Magstick na tayo dyan. Kung may task pang gagawin ang mga papasok sa Horror house, baka tumagal lang ang process. Dahil sa normal na horror house mga 2-3 minutes lang, tapos na. E kung may task pa, baka umabot lang 'yan ng 20 minutes. E ang celebration ng Halloween dito ay 1 night lang. At kung may task, dapat by group ang pagpasok, dahil kung isa-isa lang, baka wala tayong kitain," pagpupuna ni Sophie sa suggestion ni Raquel.
BINABASA MO ANG
13th Soul
Misterio / SuspensoCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa