CHAPTER 15: Double Trouble

395 22 3
                                    

***********
CHAPTER 15: Double Trouble

"The following names are the students who are now officialy part of 'Kryptos Has It All' News Writing Club: Vincent Abduan, Serapine Acatia, Margaux Aguinaldo..."

"Yes!" tuwang-tuwang sabi ni Margaux nang mabasa ang pangalan sa mga natanggap sa club.

"Congrats!" bati naman ni Valerie sa kaibigan.

Naramdaman ni Margaux na may umakbay sa kanya kaya napatingin siya rito. "Wow, libre," sabat naman ni Keith nang mabasa ang rin resulta.

"Tara Valerie, punta tayo ng cafe, treat kita," sabi ni Margaux kay Valerie at hinatak ito palayo sa bulletin board.

"Ako, hindi kasama?" tanong naman ni Keith at sumabay sa paglakad ng dalawa. Hindi na lang siya pinansin ng dalawa at nagpatuloy pa silang maglakad. "Sige, kapag ako talaga ang may kailangan wala nang pumapansin," bulong ni Keith pero nilakasan niya sapat na para marinig ni Margaux.

"Sige Valerie, kumuha ka na diyan at ako na ang magbabayad," nakangiting sabi ni Margaux nang makarating sila sa cafe.

Napangiti naman si Valerie. "Yes! Ang bait mo talaga Margaux," tuwang-tuwang sabi ni Valerie at nagsimula nang kumuha ng mga pagkain.

"Kukuha na rin ako ah," sabi naman ni Keith at kumuha na rin ng pagkain. Hindi ulit siya sinagot ni Margaux na abala na sa pagpili ng pagkain.

Pagkatapos nilang kumuha ng mga pagkain ay dinala na nila ang tray nila sa counter. "Ma'am, ito lang po ba lahat?" tanong ng cashier matapos kuwentahin ang dala nila Margaux.

"Heto pa," sabi naman ni Keith at inilapag ang tray na dala niya.

"Hindi 'yan na lahat 'yun. 'Wag mong isama 'yung sa kanya," pigil naman ni Margaux sa cashier na kinukuha na ang dala ni Keith.

"Tsk, ipapahiya pa 'ko. Parang wala naman kaming pinagsamahan," bulong ni Keith at sumimangot ng kaunti.

"Meron, isang malagim na pagsasama," sabi ni Margaux kay Keith at umirap. "Sige na po, isama n'yo na 'yung kanya," sabi naman niya sa cashier. Matapos magbayad ay humanap na sila ng puwesto at nagsimula nang kumain.

Habang kumakain ay narinig ni Margaux ang isang pamilyar na boses. "Ledda, ang ganda ko talaga at ang yaman pa." Rinig na naman sa buong cafe ang boses ni Raquel na nagmamayabang.

Nagkatinginan si Margaux at Valerie at sabay na napangisi.

"Alam mo ba na ang lahat ng gamit ko ay nakuha pa sa mga auction all over the world! Itong tiara ko ay nagmula sa England, ito namang mga accesories ko ay galing sa Italy. Ang suot kong bra at panty ay galing sa sikat na artista sa Hollywood!"

Napatawa naman sa isip si Margaux sa narinig niya. Ibig sabihin ginamit na ng ibang tao ang gamit niya? Kadiri. Sabi pa nito sa isip niya.

"Margaux, baka naman sumakit ang tiyan ko. Mukhang hindi yata maluwag sa loob mo na nilibre mo 'ko ah," sabi ni Keith at napatitig kay Margaux.

"Hindi naman, iniisip ko lang kung anong alaga mo sa tiyan mo at bakit napaka takaw mo? Halos tapos na ka na ngang kumain e, kami nag-uumpisa pa lang," sagot naman ni Margaux at tumayo. "Valerie, bibili lang ako ng Juice a, nakalimutan pala natin, haha," paalam naman ni Margaux at umalis na.

"So, patigasan ng mukha rito? Hindi mo man lang siya susundan?" puna ni Valerie kay Keith na agad namang tumayo at sumunod kay Margaux.

"At itong suot kong jacket, damit, at ang super high heels ko ay galing pa sa mga sikat na Kpop Girl groups ng South Korea. Lahat 'to ay bigay ng aking Daddy," pagmamayabang ulit ni Raquel, hindi lang kay Ledda, kung 'di sa lahat ng estudyanteng makakarinig ng maingay niyang boses.

13th SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon