Dedicated nga pala kay Shynxb, siya kasi ang gmawa ng bago nating book cover! Hahaha.
**********
CHAPTER 8: The Teacher is DeadKalahating oras na lang ay matatapos na ang Science subject ng section A pero wala pa rin si Ms. Garcia. Maingay ang buong klase dahil wala namang guro na nagbabantay sa kanila. Nag-uusap lang sina Margaux at Valerie tungkol sa bagong itinatayong restaurant sa Kryptos nang dumating ang class president.
"Guys, may sasabihin ako," sigaw nito. Mababatid sa tono at sa ekspresyon sa mukha ni Dessa na masama ang ibabalita nito. Dahil sa kanyang pagsigaw, napatigil sa ginagawa ang ilan at napatingin sa kanya. Nag-aantay ang lahat sa mga susunod na sasabihin ni Dessa.
Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita, "p-patay na si Ms. Garcia."
Napatahimik ang lahat nang sabihin iyon ni Dessa, nagkaroon ng bulong-bulongan, at 'yong iba, natatakot lalo na sa mga sumunod na sinabi ni Dessa, "nakita ang bangkay niya sa faculty room niya mismo. Nakapatong ang ulo sa desk niya, may duck tape pa ang bibig. Ang pagkakarinig ko, parang pinaglaruan pa ang katawan niya."
"Teka, narinig mo lang pala e, baka naman hindi 'yan totoo?" tanong ni Francheska at tumayo pa.
"Sino raw ang may gawa?" tanong naman ni Gabby.
Napatingin naman si Dessa kay Gabby at sa buong klase tsaka nagsalita, "wala pang suspect dahil hindi pa dumarating ang mga pulis—"
"Ayan na naman! Lagi na lang iniaasa sa mga pulis, e hindi naman nila nagagawan ng paraan ang lahat ng krimen dito sa eskwelahan natin!" sigaw ni Hilbert.
Huminga muna nang malalim si Dessa at kinundisyon ang sarili, pumunas ng kaunting luha at buong tapang na nagsalita, "malapit na nilang malaman, 'wag kang mag-alala Hilbert dahil obviously, iisa lang ang may gawa ng lahat ng ito. Mula sa pagkamatay noong unang apat, hanggang sa isang Grade 9 student at kay Ms. Garcia, halata namang—"
"E sino nga?" tanong naman ni Josephine.
"Takte naman o! Pwede bang patapusin n'yo muna ako, lagi n'yo na lang akong pinuputol e. Bwisit, basta, nararamdaman kong malapit nang mahuli ang murderer. Alam ko, alam kong isa rito sa section natin ang may gawa. Kaya kung sino kaman, humanda ka na, mailalabas na ang sikreto mo... Jacob," sabi ni Dessa at tumingin sa dulo kung nasaan ang puwesto ni Jacob. Tinitigan lang ng binata ang kanilang Presidente na kanina pa nagdadaldal sa tapat.
"Ano na namang problema mo?" tanong nito.
"Wala, gusto ko lang malaman kung may gusto kang sabihin. May gusto ka bang ipagtapat sa buong klase, huh? Jacob?" pag-uudyok ni Dessa.
"Siguro, kung ako man ang killer, hindi ako magpapahuli. Walang makakaalam na ako ang pumapatay hanggang sa lahat kayo ay isa-isa nang namamatay. Siguro, kung ako ang killer, ihuhuli kita Dessa, isasama kita sa impyerno kung saan ka naman talaga galing. 'Wag kang magmalinis na akala mo'y wala kang itinatago. Kilala kita Dessa, alam ko ang lahat ng sikreto mo, lahat ng katarantaduhan mo," may diing sabi ni Jacob at pumunta sa harapan ni Dessa. Hinampas nito ng dalawa niyang kamay ang teacher's table na ikinagulat ng lahat.
Napatahimik naman ang lahat sa inasta ni Jacob, napatikom din ang bibig ni Dessa sa mga sinasabi ng binata. Ayaw ni Dessa na malaman ng lahat ang sikreto nito, hindi sila magkaaway noon. Pero mula nang naging presidente si Dessa ay naglaho na ang pagkakaibigan ng dalawa. At dahil iyon sa ginawang kalokohan ni Dessa.
Nagtanim ng galit si Jacob sa dating kaibigan, ngunit nang lumala na nang lumala ang ginagawa nito ay namunga na ang galit ng binata. Tinakot ni Jacob si Dessa na ikakalat niya ang video kung saan naroroon ang kalokohan ng dalaga kung hindi ito titigil. At dahil naman sa pagbablackmail ay nagsimula nang mag-init ang dugo ni Dessa kay Jacob.
BINABASA MO ANG
13th Soul
Misterio / SuspensoCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa