Dedicated kay kuya RYUUUZAKI! salamat po kuya sa suporta! :D
**********
CHAPTER 4: First suspect
"Oo nga e, siguro Osusulitin ko na ang pagpunta ko sa SD. I'm gonna kill that kid first, Valerie," he smirked and looked at Valerie.
"Are you freaking serious?" tanong ni Valerie at lumapit pa kay Jacob. "And lower down your voice. Alam mo nang iba ang tingin aa atin ng nga estudyante rito tapos ibobroad cast mo na papatayin mo siya? Seryoso ka?"
"Of course... not. Hahaha, paglalaruan ko muna siya bago patayin. By the way, thanks for your concern Ms. Conception, but I don't need it. Mauna na ko, ang dumi ko na e," sabi ni Jacob at ngumiti. "Hi Margaux, nice meeting you again," he said before he leaved.
...
"Patay na raw si Roman, 'yong nakasapakan ni Jacob ng Section A kahapon?"
Nang mabalitaan iyan ni Margaux, agad niyang hinanap ang sinasabing kinalalagyan ng bangkay. Inihanda niya rin ang kanyang cellphone para makuhanan ang nangyari. Maaring magamit niya ang mga malilikom na litrato para makita ang tunay na murderer.
Pagkadating niya sa boys' locker room, marami nang tao. Agad siyang pumunta roon at kinuhanan ng pictures nang palihim ang bangkay ni Roman na hubo't hubad, boxer na lang ang nakasuot sa kanya. Puro latay ang katawan nito, at may nakaukit na number five sa noo na may bilog pa. Madugo ang paligid at umabot pa ito sa mga locker sa loob ng kuwarto. May itim ding bulaklak sa tabi ng katawan nito, malinis pa ang bulaklak.
Napatingin si Margaux sa basurahan sa gilid niya nang mapansing may itim ring bulaklak doon. Bakit? Tanong niya sa isip niya. Bigla namang nagsidatingan ang mga pulis at ang mga nurses na may patch ng KA para kunin ang bangkay.
"Umalis na kayong lahat dito, kami na ang bahala sa kanya. Walang kukuha ng kahit anong bagay, wala kayong gagalawin, kung ayaw ninyong madamay at maging suspect. Maliwanag ba?" sigaw ng pulis officer na nasa harapan. Nagsisimula nang kumilos ang mga tao roon, iniimbistigahan na ang krimen.
Agad na itinago ni Margaux ang camera niya sa bag niya at nakisabay sa mga taong naglalakad palabas. "Margaux! Margaux!" Narinig niya ang pagtawag sa pangalan niya kaya naman napalingon-lingon siya. Nakita niya si Valerie na kumakaway at nakangiti sa kanya.
"Hay, kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala? Tara na, pumasok na tayo?" aya nito sa kaibigan at hinawakan ang kamay.
"Parang gumaganda ka a?" sabi ni Margaux, napansin niya talaga na parang mas gumanda si Valerie.
Natawa naman si Valerie at nagsalita, "ano ka ba? Matagal ko nang alam na maganda ako, hahaha," sabi nito at binuksan ang isang bubble gum na cherry flavor. Naglabas pa siya nang isang gum at ibinigay ito kay Margaux.
Nagring na ang bell, hudyat na kailangan nang magmadali ng mga estudyante para hindi mamarkahan ng late.
"You're late Mr. Lopez, where have you been this morning?" puna ni Ms. Garcia sa kapapasok lang na si Jacob.
Dire-diretso lang ito sa pagpasok na parang walang narinig. Umupo ito sa dulo at inayos ang itim na jacket bago yumuko. Napatingin si Margaux sa binata at nakita niya ang marka ng pula sa gitna ng puting yuniporme ni Jacob na halatang pilit na binura gamit ang tubig dahil sa nagkalat na marka ng basa dito.
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Margaux. Na para bang natuklasan niya ang isang malaking sikreto na magdadala sa katanungan na nais niyang masagot. Isang malaking ebidensya ang nakita niya na maaring bakas ng dugo ni Roman ang pilit na binura ni Jacob mula sa damit nito.
BINABASA MO ANG
13th Soul
Mystery / ThrillerCOMPLETED "Bigyan mo ako ng labintatlong kaluluwa, at ibibigay ko naman sa'yo ang iyong kahilingan." #IkalabintatlongKaluluwa