Trigger warning: murder; death
Chapter 5: Sharpest Sword
Umalingawngaw ang pagsuka ni Lavinia sa bathroom sa tahimik na mansyon ng villa. Bawat suka ay siya ring panginginig at iyak niya sa harapan ng toilet bowl.
Fuck! Fuck! Fuck! Why do I have to suffer this much?!
Tuluyan siyang napasigaw habang humihikbi. Humahalo ang kaniyang luha sa dugong halos mahilamos niya na.
Nang tuluyang maikalma ang sarili ay pinilit niya ang sariling tumayo. Nang muling makita ang sarili sa salamin na naliligo magkahalong sarili niyang dugo at dugo ng isa na namang biktima niya ngayong gabi ay napahawak na lamang ito sa sink.
Ang blangko niyang mga mata ay halos hindi niya na makilala habang tinititigan ito sa salamin. Gamit ang nanginginig niyang mga kamay ay napahawak siya sa salamin. She began to clutch her finger nails to the mirror, specifically to her reflection.
"Monster... You're a monster..." she mumbled repeatedly as she scratches the mirror with her reflection in it.
Natigilan siya nang muling marinig ang halo-halong mga boses sa kaniyang ulo. As if they are surrounding her, repeatedly whispering the same words in her head.
'Monster.'
'Devil!'
'They deserve to die, Lavinia.'
'Good job, Lavinia.'
'Destroy them!'
'Kill them!'
"Stop... Stop it... Stop running around my head! Fucking stop! Stop! Fuck you all! Stop!" paulit-ulit na sigaw ni Lavinia habang paulit-ulit ding sinusuntok at hinahampas ang salamin sa harapan.
But despite almost destroying the mirror and her own hands, the voices wouldn't disappear. They are mixing with her rigid breathing and rough cries.
Nang makita ang malaking crack sa salamin at ang dugo niyang dumadaloy rito ay bahagya siyang napaatras. She's staggering and her sight is getting hazy. Dahil bukod sa pagpatay niya sa assassin na nagtangka na namang gilitin ang leeg niya ngayong gabi ay marami-rami rin siyang natamong sugat mula sa pagpupumiglas dito.
Napasapo siya sa duguan niyang noo nang mahampas ito sa dingding kanina ng assassin.
"Hah..." she chuckled weakly and out of breathe, "I'm going crazy... I'll go crazy... Damn it."
"Yes you are," an amused and familiar voice.
Napaiktad si Lavinia at agad na dumako ang tingin sa lalaking nakatayo sa entrance ng kaniyang bathroom at nakahalukipkip. Dahil sa dilim ay hindi niya agad nakita ang itsura nito.
"Who are you?!" singhal ni Lavinia at bahagyang napaatras.
Another assassin? Shit, I don't have the strength left to deal with him.
"Asta, stop teasing the kid. Ugh... The blood's all over the room. It smells nasty."
Umawang ang bibig ni Lavinia nang marinig ang isa pang pamilyar na boses mula sa labas. Dumako ang kaniyang tingin sa isa pang bulto ng tao na pumasok ng bathroom habang may hawak na lampara. Dahil sa katiting na ilaw ay nagawa niyang maaninag ang mukha ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Angel Of Venom
FantasyContinent Series #3 Lavinia Claymour grew up without receiving the love and affection she's been craving for. Having an evil stepmother and half-sister, being ignored by her own brothers and father, betrayed by people she loves, on top of that, she...