Chapter 42: All In For This
"My lady, ang head butler ito."
Natigil sa kaniyang ginagawa si Lavinia matapos marinig ang tatlong sunod-sunod na pagkatok. Natigilan naman si Lavinia sa pagsusulat ng financial report ng estate at tinignan ang pintuan.
Hanggang ngayon ay naka-bandage pa rin ang kaniyang braso ngunit wala na ito sling pangsuporta. Inangat niya ang tingin kay Devon na siya namang lumapit sa pintuan upang pagbuksan ang kumakatok. It was indeed the head butler standing outside the door.
"Ano iyon?" tanong ni Lavinia at muling bumalik sa ginagawa.
"The Archduke of Volstein is here to see you, my lady."
Agad na nabitawan ni Lavinia ang hawak na panulat. Inangat niya ang gulat na tingin nito sa head butler.
"Anong ginagawa raw rito?"
"Sasabihin niya na lamang daw kapag kaharap mo na siya. He's waiting in the main living room downstairs."
Tumaas ang kilay niya Lavinia. Hindi makapaniwala sa narinig. Tumayo siya at iniwan ang mga gawain sa malinis na lamesa.
Ang lakas ng loob niyang pumunta sa estate namin dahil wala ang tatlong Claymour. The Duke went to visit some noble friends for a poker, si Seth ay may dinalaw raw sa distict, samantalang si Carsen ay hindi sinabi kung saan ang tungo. He just said na may pupuntahan siya.
Nang makababa si Lavinia ay agad siyang dumiretso sa main living room ng mansyon. Doon ay nakita niya si Valse na prenteng nakaupo sa mahabang couch ng living room habang naka-de quatro pa. Nang mamataan niya si Lavinia ay agad siyang tumayo habang ngiting-ngiti.
"Hi, Miss. Are you busy? Can you spare some time for me tonight?"
Tumaas ang kilay ni Lavinia nang makita niya ang bouquet na hawak ni Valse. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lavinia nang mapagtanto ang galaw ng lalaki.
"Valse, I don't have time for this. Umuwi ka na, iniistorbo mo ako."
Valse pouted before walking towards Lavinia. Itinapat niya sa mukha ng dalaga ang dalang bouqet of white lilies. Tumingin si Lavinia sa bouquet bago inangat ang tingin kay Valse.
Kahit ang bulaklak niyang dala ay tila hindi bagay sa akin. What the hell is he doing, really?
"No, can't do, Miss Ma'am. I am stepping up my game because there's too many flies flocking around my beautiful lily these days," he mischievously grinned.
Lavinia tilted her head, "You can't do that, Valse. Stop it..." may pinapahiwatig ang malalalim na mga tingin nito kay Valse.
Pumikit si Valse at umiling, "I called dibs on you first."
"At sino ang may sabi na pwede mong gawin iyon?" humalukipkip na si Lavinia sa pananaray.
"I will do what I want, you do yours... and I will do whatever you want as well, huwag lang iyang hinihingi mo. I can't do that. I can't stop pursuing you," ani Valse.
Sa kabila ng nanloloko nitong ngiti ay mauulinigan ang seryoso niyang boses. Lavinia knows it, she can feel it. Valse is serious with whatever he's doing now.
BINABASA MO ANG
Angel Of Venom
FantasyContinent Series #3 Lavinia Claymour grew up without receiving the love and affection she's been craving for. Having an evil stepmother and half-sister, being ignored by her own brothers and father, betrayed by people she loves, on top of that, she...