Chapter 58: How Things Fall Apart
Unti-unting dinilat ni Lavinia ang kaniyang mga mata. Sandali siyang napapikit muli nang tumama ang liwanag sa kaniyang mukha. Nang ipilig niya ang kaniyang ulo ay agad na tumambad sa kaniya ang nakabukas na kurtina ng malaking bintana sa isang pamilyar na kwarto.
"Lavinia? You're awake, right?" isang pamilyar na tinig.
Nang ipilig niya sa kabilang bahagi naman ang kaniyang ulo ay roon niya nakita si Ghastan na mukhang nataranta pa nang makitang nagising na siya. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa pisngi ni Lavinia, samantalang ang isa naman ay sa kamay ng dalaga.
"Is there someone outside? Call a physician, at once!" sigaw niya.
"Stan..." nanghihinang usal ni Lavinia.
Agad ibinalik ni Ghastan ang tingin kay Lavinia at hinaplos nang bahagya ang pisngi ng dalaga.
"Hey, I'm glad you're awake," ngiti niya.
"Is Devon safe?" tanong agad ni Lavinia.
"Yeah. Siya ang nagdala sa'yo rito sa Claymour Estate. Do you feel pain or something?" tanong pabalik ni Ghastan sa kaniya at tinulungan itong makasandal sa headboard ng kama.
"Nothing..." iling ni Lavinia.
I lied. I can definitely feel it. The binding curse magic in my mana core. Though I can still use my full potential, I am certain that if someone were to trigger this, I could either die from using my own mana, die by the hands of the person who has the curse core, or restrain my strength itself.
That's how lethal binding curse magic is. That's why it was considered as a forbidden magic, was banned and was totally rid of by Leticia de Alnwick.
But never in my wildest dreams would I imagined that I'd fall victim into one.
"Master!"
Bumukas ang pintuan ng chamber ni Lavinia at magkasunod na pumasok sina Devon at ang isang physician. Nakahinga nang maluwag si Lavinia nang makitang nasa maayos na kalagayan si Devon.
Tumabi si Ghastan upang hayaan na tignan si Lavinia ng physician. Ilang sandali lang ay natapos din iyon.
"You're in good condition now, my lady. Bumaba na rin ang lagnat mo, pero mag-ingat ka pa rin at iwasan na muna ang mapagod nang sobra. Please feel free to tell me anything that may cause you pain," ani ng physician.
Lavinia pursed her mouth.
Of course, even a skilled physician like him wouldn't have sense the binding curse magic.
"Thank you," tango ni Lavinia.
Nang makapagpaalam ang physician ay agad na tinignan ni Lavinia si Devon.
"Stan, can I talk to Devon for a minute?" tanong ni Lavinia.
Ngunit nang hindi sumagot si Ghastan ay tinignan na siya ni Lavinia. Nagulat pa ito nang hawakan bigla ni Ghastan ang braso niya.
"You... You're hiding something, aren't you?" seryoso niyang tanong kay Lavinia.
Kumunot ang noo ni Lavinia at sinulyapan si Devon na agad namang umiwas ng tingin kay Lavinia.
BINABASA MO ANG
Angel Of Venom
FantasyContinent Series #3 Lavinia Claymour grew up without receiving the love and affection she's been craving for. Having an evil stepmother and half-sister, being ignored by her own brothers and father, betrayed by people she loves, on top of that, she...