Venom LVI

5.9K 233 128
                                    

Chapter 56: On the Way Home





"M-My lady..."





Muling napaiktad ang maidservant nang magbagsakan ang mga gamit at mabasag ito sa sahig dahil sa paghawi ni Narine sa mga iyon. Hingal na tumigil si Narine sa pagwawala at itinukod ang mga palad sa lamesang nasa harapan.





"P-Please calm down, my lady..." nanginginig na usal ng maidservant ni Narine.





"Calm down...?" usal ni Narine habang nasa ganoong posisyon, "Are you kidding me? How can I calm down in this kind of situation?! Huh?!" sigaw niya at muling nagwala.





Umiiyak ito habang patuloy na sumisigaw at binabasag o tinatapon ang kung anuman ang kaniyang makita sa kwarto. Maya-maya ay tumigil at hingal na kinuyom ang mga kamao.





This is all the woman's fault. Because of that bitch, Lavinia, my life is ruined! Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakabawi sa babaeng iyon. I will do anything to ruin her life as well!





"Narine..."





Napalingon si Narine sa kaniyang lolo, ang Marquis Lovell na kapapasok lamang sa kaniyang bedchamber.





"Grandfather..." muli niyang iyak at takbo roon saka niyakap ito.





Niyakap ng Marquis pabalik ang kaniyang apo at marahang hinaplos ang likuran, "Calm down now, my granddaughter."





"This is all Lavinia's fault, grandpa. That bitch! She ruined my life!" iyak niya.





Tumango ang Marquis, "That's right. This is all her fault. Hindi rin ako tatahimik hangga't hindi tayo nakababawi sa kaniya."





That woman seemed to have a connection with Madame L. She pulled and bought all of my investor's shares, kaya nanganganib ngayon ang mga negosyo ko dahil halos 1/3 ng shares ay napunta kay Madame L. Anytime now, she can take all my businesses away from me.





Kaya sisimulan ko sa kaniya.





"Excuse me, your grace."





Natigil ang mag-lolo sa pagyayakapan nang pumasok sa kwarto ang isang butler.





"What is it?" sagot ni Marquis Lovell.





"May naghahanap po sa inyo. Nais niya raw kayong kausapin at kaya ka niyang tulungan."





Kumunot ang noo ni Marquis Lovell sa inusal ng butler. Kaya sabay na tumungo ang Marquis at si Narine sa sa opisina ng Marquis. Doon ay may isang lalaki ang nakaupo sa couch. Nakasuot ito ng kulay itim na hooded cape. Kahit na nakaupo ay mahahalata ang matipuno nitong pangangatawan.





"Sino ka? How impertinent of you to seek someone like me?" taas-kilay na tanong ni Marquis.





Ngumisi ang lalaking nakasuot ng hood at tumayo upang harapin ang Marquis.





"Greetings, Marquis Lovell..." aniya sa mababang tono ng boses sabay baba ng hood ng kaniyang suot na cape.





Sandaling nanlaki ang mga mata ni Marquis Lovell nang makita ang lalaking nakatayo sa kanilang harapan. Kahit si Narine ay napatakip sa kaniyang bibig nang makita ang lalaking iyon.





"Y-You..." halos hindi na mabanggit ni Marquis Lovell ang mga salitang nais sabihin.





The man smirked. His golden pair of eyes, long golden colored hair that reaches his shoulder looked and felt so familiar. Mayroon itong patuwid na peklat sa kanang bahagi ng kaniyang mga labi. His familiar smug look and annoying smirk made the Marquis and Narine shudder in horror.





Angel Of VenomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon