Venom L

5.9K 329 116
                                    

Chapter 50: Answer





Walang kibo si Lavinia nang makarating sila sa hunting grounds. Ang dalawang empress at mga noble ladies na sumama sa hunting na iyon ay naiwan sa grounds upang hintayin ang mga lalaki na matapos sa hunting. Upang malibang ang sarili ay naglaro na lamang sila ng Poker habang umiiom ng refreshments at tea.





Nanatili sa likod ni Empress Natharia si Lavinia, ganoon din si Princess Amarielle na nakaupo lamang sa tabi ng ina. Ngunit maya-maya lang ay hinila nito ang kamay ni Empress Natharia at may kung anong binulong doon.





Tumango naman si Empress Natharia saka nilingon sina Valse at ang personal maidservant ni Princess Amarielle.





"She wants to play. Go ahead, huwag kayong masyadong lumayo," ani ng empress at inalalayan sa pagbaba ang anak.





"Yes, Your Majesty."





Sinundan ng tingin ni Lavinia ang dalawa na sundan si Princess Amarielle sa grounds upang maglaro. Nakita niya pang may inabot iyong Countess sa prinsesa, isang kite.





Pinanood niya kung paano ngumiti si Valse habang tinuturuan sa pagpapalipad si Princess Amarielle no'ng kite. Lavinia's gaze softened a bit.





Him with kids looked so beautiful. Bagay sa kaniya ang maging ama. Maybe he likes to have a family.





As for me, I don't plan on having a kid.





Umihip ang may kalakasang hangin at hinawi nito ang wolfcut ni Valse. Napatingala siya sa kite na pinapalipad ng prinsesa. Bahagyang gumalaw ang kaniyang adam's apple habang nakangiti. Lavinia did not break her gaze towards the man.





We're only meters apart, but somehow... I miss having his presence by my side.





"I hesitated too... a lot."





Napatingin si Lavinia kay Empress Natharia na nakatayo na ngayon sa tabi niya. Ngunit ang tingin ng empress ay nasa kaniyang anak lang din sa hindi kalayuan. She was smiling beautifully.





"Before meeting my husband, I had a lot of doubts, questions, and what ifs too. I hesitated for a long time. I thought I was doing the right thing, that my decisions are the right thing for the both of us. Ngunit kinompronta ako ng tadhana. It taught me the harsh truth. I regretted that I hesitated. Marami akong sinayang na oras at dahil doon ay marami rin akong nasaktan, kabilang na roon ang mga mahal ko sa buhay. Dapat pala ay hinayaan kong sumaya ang sarili ko, una pa lang."





Humarap si Empress Natharia kay Lavinia at hinawakan ang magkabilang kamay nito. Naroon pa rin ang kaniyang ngiti. Something that Lavinia couldn't take her eyes off from.





"Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo o anong laban ang hinaharap mo ngayon, Dame Lavinia. But please do not be too harsh on yourself. There are risks that are too scary to take, yes, but sometimes... we have to face our fears in order to move forward. You're brave, you're young and free. Pero hindi natin hawak ang kung anuman ang mangyayari bukas o sa mga susunod na araw. Either way, we only live in a moment once. You deserve to be happy, Lady Lavinia."





Hindi agad nakasagot si Lavinia. One of her fingers that Empress Natharia was holding flinched a bit. Ngumiting muli si Empress Natharia at sandaling binitawan si Lavinia at sinenyasan ang isa sa mga knight na taga-Ivelhan.





Angel Of VenomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon