Venom XI

6.5K 221 28
                                    

 Chapter 11: Glistened Bloom of Glory



"All right. That's it for now. You all are dismissed," ani Aldaine sa harapan ng mga North Castle Knights.



"Yes, sir!"



Napakunot ang noo ni Aldaine nang makita ang mga lumalagpas na mga tingin ng knights sa kaniya. Nang sundan niya ang tingin ng mga ito ay roon niya nakita si Lavinia na mahinahong nakikipag-usap kay Astaril sa katabing pillar ng Training Grounds kung nasaan sila ngayon.



The knights have nothing but admiration and amusement on their faces as they watch the demure Lavinia. Lalo na nang mapansin ni Lavinia ang kanilang mga tingin. She smiled so sweetly before waving her hand a bit to them.



"An angel..." bulong ng ibang knights na halos atakihin sa puso dahil sa ginawang iyon ni Lavinia.



Agad na napakunot ang noo ni Aldaine at lumapit sa dalawa. Asta maintained an arrogant smirk as if telling the knights that they can never be close to Lavinia like they are to her.



"It's finished. Let's go," nakasimangot na untag ni Aldaine sabay hawak sa likuran ni Lavinia nang marahan.



"Hey, we've still got a lot of free time today. Kung ipasyal kaya natin si Lavinia sa city?" ani Asta habang naglalakad sa kaliwang bahagi ni Lavinia.



"Hmm... What do you think, Vinia? Baka nais mo na rin magpahinga? I mean, you just got back," baling ni Aldaine kay Lavinia.



Sandali namang napaisip si Lavinia,"Come to think of it, I haven't seen the City of Alviali ever since I came to the North. Maybe now's a good chance to take a stroll. Nais ko ring pumunta ng salon upang magpagupit," aniya.



"Pwede mo ring bisitahin ang isa sa mga boutique mo sa Alviali. The Headmaster's been taking care of it ever since you started the isolation training," Asta also suggested.



"Yeah, sure."



Hindi na nagbihis pa o naghanda ang tatlo, nagsikuha na lamang ito ng kani-kanilang mga cape upang hindi makatawag-pansin. Agad na nagpakuha ng carriage si Aldaine sa isa sa mga knight na kanilang nakasalubong. Naghintay ang tatlo sa labas ng castle.



Maya-maya lamang ay tumigil din sa kanilang harapan ang isang crimson red at magarbong carriage na may insignia pa ng North Castle sa pintuan nito. It was a phoenix, soaring up the sky, wings of fire were spread. The phoenix was also biting a sword in its mouth. Napatitig si Lavinia sa crest na iyon.



That's definitely indicating how influential the North Castle is. Kahit ang crest na iyan at color representation ng North Castle ay binago ni Kamaria.



"Hop in," ngiting inilahad ni Asta ang kaniyang kamay kay Lavinia.



Hinawakan naman ni Lavinia ang kaniyang kamay at nauna nang sumakay ng carriage at nagpasalamat kay Asta. Sumunod din ang kambal sa pagksakay. Habang tumatakbo ang carriage patungo sa city ay nakatingin lamang sa labas si Lavinia. Calmly appreciating the cold beauty of the North.



The prosperity of the largest city in the North are evident. It seems like despite being a cold-hearted and brutal person, Kamaria still managed to make such city develop into a must-visit tourist spots in Galvion Empire.



Despite her personality, walang sinuman ang makatatanggi na magaling na lider si Kamaria. Because of her wits and dedication, North Region prospered and are still improving as the day goes by. It is really impressive.



Angel Of VenomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon