"goodmorning po tito" pagbati ko agad ng makita si tito atsaka si papa na naguusap sa sala. Bitbit ko rin ang bag ko dahil handa na akong pumasok. Mabilis lang ang bakasyon namin, siguro dahil wala naman akong ginawa kundi ang magkulong sa bahay. Ni hindi manlang ako pinayagan lumabas.
"goodmorning din iha, nasa labas na si gab at ang kotse. Magingat kayo at magaral ng mabuti" saad naman nito at Ngumiti, ngumiti lang ako pabalik at saka tumakbo na habang inaayos ang buhok ko. Agad namang hinablot ni mama ang bag ko at may chineck ito sa loob.
"ma andito na, hindi ko naman yun makakalimutan" agad namang sabi ko, alam ko naman na chinecheck nya lang kung nadala ko ba ang gamot ko. Pero kailangan ko ng magmadali for sure badtrip nanaman yun si gab kase late ako ng four minutes.
Sinaraduhan na ni mama ang bag ko saka ngumiti na lang. Lumabas na ako ng makita ko ang kotse sa harapan ng bahay namin.
Nakita ko naman ang driver ni gab na nasa labas, Samantalang si gab ay nasa kotse na rin siguro. Ngumiti lang ako sa driver atsaka pumasok na. Pagkapasok ko ay kita ko na si gab nasa tabi at nag cecellphone lang, ganito naman palagi yung scenario namin. Mukha pa syang napilitan na hintayin ako, wala na bang i roromantic pa ito?
Dahan dahan akong umupo at isinaradl ang pinto. Makailang saglit pa ay walang nagsalita, baka di sya badtrip today. Nakangiti na ako ngayon ng magsalita na sya.
"you're four minutes late" maikling sabi nya. Akala ko pa naman ligtas na ako.
"ah, nalate kasi ako ng gising. Sorry" sambit ko naman habang hawak ang kamay ko.
"do u really have to do that everytim-" hindi nya na natapos ang sasabihin nya ng bumahing ako. Napatingin naman sya sa akin kaya lumaki na ang mata ko. Tinakpan ko bibig at ilong ko kaso bumahing nanaman ako. Lumingon ako ng kaunti kay gab, nakita ko naman na naririndi na sya.
Ilang saglit pa lamang ay tumigil na ang pagbahing ko. Sinampal ko naman ang bibig ko, nakakahiya!
Bahagya akong Napatingin sa kanya dahil narinig ko ang malalim nyang buntong hininga. Nakita ko namang ang libro na nasa pagitan namin, para bang wall para hindi kami magdikit. Napatingin ako dito dahil isa yun sa mga sikat na libro ngayon. Agad din naman akong umusog dahil ayaw nya siguro ako talagang maging katabi."andito na po tayo ma'am, sir!" saad naman ni mang ren, yung driver.
"thank you po" sambit ko at Ngumiti lamang sakanya. Dapat nga magpasalamat pa ako sa kanya kase hindi boring pag sya ang nagdrive kase nagkwekwento pa sya ng life stories nya, parang teacher lang. Aalis na sana ako ng inusog ni gab ang libro ng malakas papunta sa akin. Tumingin lamang ako sa kanya na naghahanda na.
"sayo na yan, i don't even like that. I bought that for sophie but she didn't like it" saad nya at umalis na sa kotse. Kinuha ko ang libro ng takang taka. Eh mahilig nga kaming dalawa ni Sophie dito, eto pa nga ang pinaguusapan namin kapag nasa bahay nila ako. Sophie is his little sister, grade 6 na sya ngayon.
Rinig ko namang napatawa si mang ren. Umalis na lang din ako dahil malelate na naman ako sa klase. Nilagay ko na ang libro sa bag ko saka sinimulang bumwelo, napa ilag tuloy ang ibang students na nasa likod ko. At saka tumakbo na nakita ko rin na nalagpasan ko na si gab, haba haba ng legs bago ambagal maglakad. Kailangan ko ring tumakbo para masanay tong si heart, sabi ni doc mas magiging better if gawin ko yun pero syempre with care din.
Hingal na Hingal kong binuksan ang room. Marami na rin ang tao roon rinig ko rin ang daldalan nila.
"late ka vp, where's your money money na!" sambit naman ng treasurer na si gio. Meron kasi kaming rule na pag late ay maghuhulog ng ten pesos para sa celebration namin once na matapos ang school year nato, ewan ko ba s akanila puro pagkain nasa utak
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Historical Fiction(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...