Napatigil naman ako ng maramdamang nasa likod ko sya. Agad akong lumingon at umaktong nagulat na nandito sya.
"andito ka pala haha" sambit ko at Ngumiti. Hindi sya nagsalita at nakatitig lang ng masama sa akin. Feel ko tuloy nag commit ako ng murder dito. Narinig ko namang bumuntong hininga sya sabay tumalikod sa akin at umalis.
Agad ko naman syang sinundan at lumingon uli sa manong na nasanggi ko kanina. Ang lakas kasi ng boses ni manong eh. Sumunod na lang ako kay Leonel. Nasa likod nya lang ako at hindi parin sya nagsasalita. Maya may pa ay bigla syang huminto dahilan para masubsob ang mukha ko sa likod nya. Agad naman akong umayos ng tayo dahil humarap sya sa akin.
"ah lumabas ako dahil idinala ko kay ate lucinda ang pagkain na inihanda ko. Atsaka wala naman talaga akong saki-" pagpapaliwanang ko ngunit hindi ko na naituloy dahil nagsalita na sya.
"kung ganon ay dapat nagsabi ka na aalis ka" sambit nya at nakatitig parin sa mata ko. Napaiwas na lang ako, feel ko pinagpapawisan na ako dito.
"e akala ko kasi matatagalan kapa, atsaka alam ko rin namang hindi mo ako papayaga-" hindi nanaman natapos ang sasabihin ko ng magsalita uli sya.
"kung sinabi mo sa akin ay papayagan naman kita basta kasama ako" sambit nya uli. Napabuntong hininga na lang ako at yumuko. Hindi naman talaga big deal yun sa akin pero para sakanya siguro oo.
"okay hindi na mauulit" saad ko at Ngumiti. Nakatingin parin sya ng seryoso sa akin. Napanguso naman ako at kumapit sa braso nya.
"hindi na kase mauulit pangako" sambit ko uli. Nakita ko namang napangiti sya pero agad naman syang umiwas para hindi ko makita.
"nakakain kana ba?" pagtanong nya. Napatingin naman ako sa sinabi nya, okay hindi na sya beast mode. Napangiti naman ako bago magsalita.
"hindi pa, hinihintay kita" saad ko habang naglalakad kasabay nya, this time nasa tabi ko na sya at hindi na sa likod. Nakita ko namang tuluyan na syang napangiti. Ilang saglit pa ay hinawakan nya na ang kamay ko habang naglalakad.
"ako na ho" sambit ko at kinuha ang Platong kinainan ko kanina. Gabi na at matutulog narin ako. Si ate lucinda naman ay nakauwi na at ngayon ay naghuhugas na ng plato. Pinauwi narin namin ang ibang katulong. Tapos na ang paglilinis namin kaya naman ay nasa kwarto na ako.
Nakahiga na ako ng maisip ko si manong. Wala nga pala sya nung bumalik ako rito. Kaya naman ay bukas ay balak kong pumuntang aklatan.
"mauuna na ako gabby" saad ni ate lucinda. Tumango lang ako at pinunasan ang lamesa. Kakatapos lang din namin mag agahan. Wala parin sina in at ama dahil may inaasikaso daw sila. Nakaayos narin ako dahil aalis na ako maya maya, may naiwan namang ibang katulong sa bahay kaya okay lang.
Maya maya pa ay nagulat ako ng makita si Leonel na kakapasok lang sa bahay.
"magandang umaga" sambit nya at lumapit sa akin para halikan ang noo ko. Napangiti lang ako at tumingin sa kanya.
"bakit ka nandito?" tanong ko napatingin naman sya sa damit ko ngayon.
"pumunta ako para kamustahin ka. mukhang aalis ka" sambit nya.
"ah oo pupunta akong aklatan ngayon" saad ko at lumalakad na papuntang pinto. Nasa tabi ko naman sya at sumasambay sa lakad ko.
"may ibabalik ka bang libro?" saad nya.
"wala naman, may kailangan lang akong makausap"
"sino? Yung taga bantay?" tanong nya.
"oo-" hindi ko na na tuloy ang sasabihin ko ng inunahan nya ako.
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Fiksi Sejarah(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...