TW: Sexual harassment, Abuse
Mabilis akong bumangon habang hinahabol ang hininga ko. Ramdm ko rin ang patuloy na pag tulo ng luha sa mukha ko, napatulala lang ako ng makita ang paligid. Lumingon ako ng unti unti at nakitang nasa ospital ako, hinawakan ko ang dibdib ko at saka tiningnan ito walang dugo o di kaya tama ng bala rito dahilan para mapakunot ang aking noo. Muli akong nagmasid sa paligid walang ka tao tao rito at tahimik din ang paligid napalingon naman ako sa bintana na malapit sa akin muli nanamang bumagsak ang mga luha ko ng makita ang buwan.
Gulong gulo na ako sa nangyayari parang ilang saglit lang ay iniinda ko ang sakit dahil sa tama ng bala sa dibdib at tiyan ko, tapos ngayon ay nasa ospital na ako. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko ngunit kahit anong gawin ko ay patuloy parin ang agos nito.
"ate?" napalingon ako sa nagsalita at nakita ang kapatid ko. Mukhang gukat sya at kahit ako ay nagulat rin ng makita sya.
"ma! Gising na si ate!" muling sigaw nito sa labas.ilang saglit pa ay kumaripas ng takbo si mama papalapit sa akin at agad akong niyakap, nakita ko ring kasunod nya si papa. Habang ako ay napatulala ng makita muli sila, kung ganon ay nakabalik na ako ngunit paano?"lia anak salamat naman at nagising kana" hagulgol ni mama habang nakayakap sa akin. Kung ganon ay narito na nga ako ngayon, pero ilang saglit lamang kanina ay kasama ko pa si Leonel sa bangka.
"nasaan ako, bakit.. Bakit ako nandito?" naguguluhang tanong ko habang umiiyak. Napahinga ng malalim si mama bago magsalita.
"remember last time you woke up nagulat na lang kami ng matagpuan ka naming walang malay na nakahiga sa kwarto mo. After that incident many days have passed actually it's been 4 months. Dahil matagal kang nawalan ng malay nawalan yung chance mo sa surgery anak. Hindi pwedeng matuloy ang operasyon hanggang hindi ka nagigising" saad nya saka pinunasan ang luha nya sa mata.
"ang sabi pa kapag mas lalong tumagal ay baka mawalan na ng pag asa. At ngayong nagising kana pwedeng ng matuloy ang operasyon lia" muling banggit ni mama at taimtim na nakatingin sa akin. 4 months? Sa pagkakatanda ko ay days palang ang araw na nawala ako rito.
Napahawak muli ako sa dibdib ko ng maalala ang nangyari sa bangka. Napatigil ako ng makita na suot ko ang binigay na kwintas, bigla tuloy bumigat yung pakiramdam ko. Gabi nangyari iyon at gabi ngayon, ano ba talagang nangyari.
Sa totoo lang gusto kong makausap uli si manong dahil sya lang ang nakakaalam at makakatulong sa akin kaso nanghihina na ang katawan ko bumalik na ang mahinang kalusugan ko.Muli akong Napatigil sa pagiisip ng makita ang suot kong bracelet na bigay ni gab. Right gab is still here, naibigay kaya ni manong yung letter na gawa ko kay gab. Agad naman akong napatingin kay mama.
"ma si gab? Asan sya?" tanong ko sa kanya ngunit Napatigil sya agad ng marinig nya iyon. Napalingon naman ako sa kapatid ko na napayuko na lamang at si papa na nakaiwas ng tingin. Bumalik ang tingin ko kay mama na nakayuko narin at hindi umiimik. Napakunot ang noo ko sa ginagawa nila.
"bakit? Nasaan ba sya bakit hindi nyo ako masagot" saad ko muli ngunit ni isa wala talagang sumagot. I can't believe na kahit sila ay hindi nila masabi kung anong nangyayari.
"anak gabi na, magpahinga ka na muna-" hindi na na tuloy ang sasabihin ni mama ng magsalita na ako.
"bakit may nangyari ba? Sabihin nyo naman sa akin" muli kong banggit ngunit napaiwas lang sila ng tingin.
Ilang saglit pa ay napansin kong lahat sila ay naka itim na damit. Namumuo na ang luha ko sa mata ng makita iyon, ayokong isipin yun ayokong mag isip ng ganon.
Tiningnan ko sila isa isa at wala parin silang balak mag salita."pwede bang sabihin nyo nalang, pinapakaba nyo ako. Alam nyo ba yun?" nanginginig kong sambit. Napahinga ng malalim si mama at hinawakan ang kamay ko.
Huminga muna sya ng malalim bago magsalita.
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Historical Fiction(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...