Chapter 19

14 3 0
                                    



Katulad dati dalawang araw narin ang lumipas simula noong umalis muli si Leonel. Wala rin kaming balita kung ano na ang nangyari pagkatapos non. Bumaba na ako para mag agahan. Napahinga naman ako ng malalim ng maisip na isa nanamang araw na wala akong alam at tulong sa nangyayari.

"sigurado ka bang aalis ka?" rinig kong salita ni ina habang nakayuko kay ama na parang aalis.

"sigurado na ako huwag kang mag alala saglit lamang ako doon" sambit pa ni ama saka hinila para yakapin si ina. Agad naman akong pumunta sa kanila.

"aalis ka ama? Saan?" tanong ko. Napatingin naman si ina at ama sa akin. Nandoon din pala si ate lucinda nasa likuran ni ina.

"may kailangan lamang akong asikasuhin sa.. Sa bulacan" saad naman ni ama. Nagpaalam na lang din ako. Nagtanong din ako sakanya kung mayroon na bang balita kay Leonel pero wala din daw syang alam.


Nagpaalam na din ako kay ina na aalis muna ako papuntang aklatan. Si manong lang naman ang pwede kong kausapin sa mga nangyayari ngayon dahil kami lang din dalawa ang nakakaalam.

"napadaan ka" sambit nya ng makita nya akong pumasok. Napangiti naman ako, palagi nalang syang nagaayos ng libro sa lamesang iyan. Yan yung palagi nyang scene.

"manong pwede ka bang makausap?" sambit ko ng makalapit na ako sa kanya. Saglit naman syang tumingin sa akin at saka tumango at bumalik sa ginagawa nya. Napabuntong hininga na lang ako bago magsalita.

"eh kasi po lately palagi nalang may problema. Wala rin silang balak na sabihin sa akin kung ano yun kahit halata naman na tinatago nila sakin yung alam nila. Wala rin akong naririnig na balita kung ano na nang nangyari" saad ko saka sumandal sa pader. Nakita ko namang abala parin si manong sa ginagawa nya. Napatingin na lang uli ako sa bintana Takipsilim na pala. Hindi naman ako masyadong matagal dito dahil ilang weeks palang akong narito.



"hindi ba't sinabi ko naman na sa kahit anong buhay ay mayroon ka paring problemang haharapin. Kung hindi ka magtitiwala sa sarili mo tiyak na hindi mo rin maintindihan ang lahat ng ito" saad nya. Na pakamot na lang ako sa ulo ko. Hindi ko kasi medyo gets yung sinasabi nya. Lumapit na lang uli ako sa kanya dahil may isa pa akong nais itanong.

"eh ano naman pong nangyayari sa akin, kay lianna?" tanong ko. Napahinto naman sya sa pagaayos ng libro saka tumingin sa akin.

"hindi pa oras para malaman mo, ngunit sigurado akong ikaw din ang makakatuklas nito" sambit nya saka inkwan ako doon. Tumungo sya sa isang silid para ayusin yung librong bitbit nya. Napa buntong hininga lang ako, mas lalong hindi ko naintindihan ang sinabi nya ngayon. Napatingin naman ako doon sa pintuan ng lagusan. Ramdam ko ring mahangin na kaya alam kong bukas parin ito, malapit naring matapos ang Takipsilim kaya tiyak ako ay maya maya ay vabalik narin yan bilang stock room.



Habang naglalakad papauwi ay nakita kong maraming guwardiyang sibil ang nagkumpulan sa gild ng daan, ang iba ay mukhang kagagaling lang dito. Napalakad ako doon dahil baka may balitang dumating.

"sabihin mong pumunta na sila dito ngayon na." sambit nung isa. Napatitig naman sila ng makita ako.

"binibining gabby" saad nya saka lumapit sa akin. Isa sya sa mga nakikita kong madalas kasama ni Leonel.

"may balita na ba? Kay Leonel?" tanong ko at mahigpit ang hawak sa bitbit kong libro. Inaasahan kong may balita na dahil nandito na ang ibang guwardiyang sibil.napayuko naman sya at na pahinga ng malalim bago magsalita.


"sa totoo lamang binibini ay kailangan namin ng marami pang guwardiyang sibil dahil may nangyayari ngayon sa kinaroroonan nila don danilo. May mga taong galit sa kanila dahil sa negosyo ni don danilo. Sinimulan narin nilang lusubin ang mga nagdatingan na guwardiyang sibil kahapon. Dahilan din para magsimula ng away at maging sugatan ang ibang tao. "saad nya. Napatigil naman ako s amga narinig ko.


Kahilingan Sa Buwan  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon