Chapter 12

20 4 0
                                    




Leonel's POV:

"halaa! Paumanhin hindi kita nakita" saad ng isang babae saka tumakbo papunta sa akin. Napahawak naman ako sa noo ko na natamaan ng laruan nyang binato nya sa akin kanina. Pilit nyang tinatanggal ang kamay na nakatarakip para makita kung may dugo ba o sugat ako.

Napakunot naman ang noo ko ng makitang nakangiti na sya ngayon. Masaya ba sya dahil na saktan nya ako. Maya maya ay nawala na yung sakit ng noo ko kaya naman umayos na ako ng tayo. Napatingin naman ako sa kanya na nakatingala na sa akin habang nakangiti. Hanggang balikat ko lang sya at mukhang mas matanda ako sa kanya.

Kung labing isa na ako ngayon siguro ay sampubg taon na sya ngayon. Nagtaka naman ako dahil kanina pa sya nakangiti at nakatingin lang sa akin.

"ako nga pala si gabby" saad nya saka inilahad ang kamay nya. Wala naman akong balak na makipagkamay sa kanya kaya lumakad nalang ako paalis. Napatigil naman ako ng hinabol nya ako saka huminto sa harapan ko.

"hindi kaba nakakapag salita? Huwag kang mag alala marami akong nakitang pera sa loob ng kwarto ni ama pwede ko iyon kunin para maipagamot kita" sambit nya. Hindi nya ba alam na hindi na maigagamot ang ganong sakit? Atsaka dahil lang sakin ay mangunguha na sya ng pera sa ama nya. Napaka wirdung babae.

"kaya dapat pakasalan mo ako pag tumanda na tayo ha!" saad nya hindi parin nawawala ang ngiti sa mukha nya. Naoakunot naman uli ang noo ko. Pakakasalan sya? Hindi ba't masyado pa syang bata para isipin yan. Tumakbo na ako papaalis ng makita ang ina ko. Nagtago ako sa likod ng ina ko ng makitang hinahabol parin ako ng babae.

Napatawa naman si ina ng makitang tinataguan ko ang babaeng iyon. Nasa likod na ako ng aking ina habang nakatitig sa kanya. Hindi parin umaalis ang ngiti nya kahit alam nyang ayaw ko sa kanya.




Makalipas ang ilang taon ay magkasama kaming lumaki ni gabby. Magkasama sa negosyo ang ama namin. Habang mga ina naman namin ay magkaibigan. Sanay narin ako sa pangungulit nya, lagi nya rin akong sinusundan kung saan saan kaya naman nagsimula na akong maiirita.

"maligayang kaarawan gabby! Naku napakalaki mo na iha" saad ng
Isa pang bisita. Narito kami sa kaarawan ni gabby labing tatlong gulang na sya. Umalis muna ako at pumunta sa balkonahe ng bahay nila. Maraming tao ang narito dahil maraming kakilala ang pamilya nila. Umupo na ako sa bakanteng upuan saka nakatingin sa regalong ibibigay ko kay gabby.

Masyadong marami ang tao kaya naman hindi ko agad ito naibigay sa kanya. Napahinga ako ng malalim dahil baka hindi ko ito maibigay. Maya maya pa ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nagulat naman ako ng makita syang narito.

Iniabot nya sa akin ang isang plato ng paella. Nagtaka naman ako, wala akong naabutang paella dahil marami ang bisita, isa kasi iyon sa paborito ko. Kinuha ko ito saka tumingin sa kanya nakita ko namang kanina pa pala sya nakatitig sa akin.

"tinirahan na kita dahil alam ko namang paborito mo iyan, andito kasi ang tiya ko e pablrito nya rin yan. Ayun naubos tuloy hehe" saad nya at bahagyang naoatawa. Napangiti naman ako saka tumingin sa pagkaing itinira nya s aakin. Ibinaba ko ito saka kinuha sa bulsa ang regalo ko sakanya. Nakita ko namang bahagya syang napatingin.

"maligayang kaarawan" maikling saad ko at ibinigay sa kanay ang regalo. Ngumiti sya s akain at mabilis itong binuksan. Nagtaka naman sya dahil sa nakita nyang isang maliit na baul. Mukhang hindi naintindihan ang ibinigay ko sakanya. Napatawa ako saka kinuha sa kanya ito.

"sa loob ng baul na ito maari mong ilagay dito ang mga mahahalagang bagay sa iyo" saad ko saka kinuha ang isang kwintas.

"ito ang susi sa baul" sambit ko at ipinakita sa kanya ito. Binigyan nya ako ng malaking ngiti habang hinahawakan ang susi sa kwintas. Hinawi ko ang buhok nya para maisuot ko sa kanya ang kwintas. Agad naman syang tumalikod para maisuot ko ng mas maayos ito.

Kahilingan Sa Buwan  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon