Chapter 6

33 4 0
                                    






Hinawakan ko agad ang ulo ko ng pag kagising ko. Kalahati lang naman ang ininom ko ah. Napatingin naman ako sa bintana mukhang tanghali na ako nagising. Maya maya pa ay nakita kong pumasok si lucinda sa kwarto ko. Napaupo naman ako ng makita sya.



"gabby may sasabihin san ako sayo" saad nya. Habang ako ay kinukusot ko parin ang mata. Masyado pa yatang maaga para sa chismis. Ay wait tanghali na pala.

"may kasama din pala ako" pag patuloy nya. Nagtaka naman ako sino naman ang kasama nya. Omg baka may nakikitang kung ano ano si lucinda. Wag please takot ako sa mga ghost!



"huwag mong sabihin na may nakikita kang kaluluwa ha, wag mokong takutin ate lucinda. Ka kagising ko lang eh" saad ko saka nagtago sa kumot. Matatakutin kaya ako!


"patapusin mo muna ako gabby. Kung ano ano ang pinagsasabi mo dyan" saad nya. Umalis na ako sa kumot na pinagtataguan ko. Saka tumingin sa kanya.

Nakita ko naman na bumukas ang pintuan at pulasok yung lalaking kahapon. Ah baka sasabihin nya na s aakin. Introduce your boyfriend ganon.


"may gusto lang akong iklaro. Pero bago pa man sya nga pala si jose garcia" saad nya. Omg related pala sya s amga garcia mukhang yayaman kami nito. Tumango lang ako sakanya at Ngumiti ng tipid.


"hindi ko nobyo si jose, Gabby" sabi nya dahilan para matigilan ako at magulat. So misunderstanding lang yun. So wala ng pera?
Napalingon naman ako sa lalaki na ngayon ay ngumingiti na.



"isa sya sa matalik kong kaibigan. At isa pa tanging lalake lamnag ang hinahangaan nya" patuloy nya para mapatigil uli ako. Kung ganon gay sya?

"sana ay ligtas ang sikreto ko sayo gabby. Kayo pa lamang ang nakakaalam." sambit nya pero ngayon ay medyo maarte na ang boses nya. Ngumiti na lamang ako at nagsorry sa pagka akala ko na mag jowa sila.nagkwentuhan lang kami ng ilang minuto. Masaya din syang kasama napaka jolly.




" ah nais mo bang sumama sa pamimili namin?" saad naman ni lucinda sa akin na nakatayo na. Wala naman akong gagawin kaya gora na.

"oo ba! Wala rin kasi akong ginagawa eh. Nais ko ring lumabas" sambit ko.

"kubg ganon tara na, ipapaalam kita kay ina. Wag kang magalala" sabi nya pa. Para tuloy kqling partners in crime.









Nasa labas na kami at naglalakad. May bitbit kaming dalawa ni lucinda na basket para sa pamimili namin. Mabilis lang din ang pagpapaalam ni lucinda kay ina. Kakalabas palang namin, hindi ko pa nga alam kung anong bibilhin namin.


"gabby pumunta ka nga rito" saad ni lucinda na nasa likuran ko. Pumunta ako papalapit sa kanya. Hinila nya ako at pinulupot ang braso ko s abraso nya. Ganun din sila ni jose. Para tuloy kaming tatlong bata sa daan.






Bumili lang kami ng tinapay, pamaypay at iba pa. Pilit din nilang binabagay sa akin ang mga nakikita nilang accessories. Ako yata ang barbie doll nila. Medyo puno na nag basket ni ate lucinda dahil yung mga napamili din ni jose ay nandon.
Habang ako ang nabili ko palang ay pamaypay, baka kasi masira yung isa kong pamaypay. Pawisin pa naman ako.




Nasa unahan na nila ako. Nagpumilit kasi ako na kaya kona. Wala namang nagawa si ate lucinda at pinabayaan ako. Gusto ko ring makakita ng maari kong bilhin, susulitin kona libre to ni jose eh.



Habang naglalakad ay may napadaan na isang lalaki. Napalingon naman ako sa likuran ko ng marinig kong maghiyawan silang dalawa.

"naku lucinda, iyan ang mga tipo ko sa lalaki. Matangkad, matangos ang ilong, presentable." sabi ni jose.
Naalala ko tuloy ang sinabi nya kanina sa silid. Hindi pa daw alam ng kanyang magulang ito dahil alam nyang magagalit ang ama nya sa oras na nalaman nya.


Kahilingan Sa Buwan  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon